~•~•~•~
"Walang Pamagat"
Gigising ng may luha ang mga mata
Agad papahidin, kunwaring masaya
Isusuot muli ang kanyang maskara
Itatago ang lungkot na dinarama
Pagpasok sa eskwela, ngingiti agad
Tatawa at hahagalpak ng mapakla
Gagawin ang lahat para lang sumaya
Lalabanan ang lungkot na dinaramdam
Pagkalipas ng araw at naging gabi
Maiiwan mag-isa sa isang silid
Uupo sa may gilid, aalo-alo
Muling lalamunin ng sakit at lungkot
Tulong! Tulong! Naririnig mo ba ako?
Tulungan mo ako! Iligtas mo ako!
Unti-unti na akong nagpapaanod
Sa pighati na dinadama ng aking puso~•~•~•~
YOU ARE READING
The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary Compilation
PoesieA compilation of poetry and prose written sometimes at random, but most out of vulnerability. {Filipino and English}