Ang Pagsuyo

11 2 0
                                    

This is the final poem of the role play where the husband asks the wife for forgiveness and again, the stanzas on the RIGHT are for the husband and the LEFT is for the wife.

~•~•~•~

"Ang Pagsuyo"

Alam ko na masakit ang aking nagawa
Hindi dapat ako patawarin sa aking mga sala
Ngunit mahal,
ako'y humihiling ng pagkakataon
Ika'y makasisiguro na sayo lang ako tutuon

Hindi ganon kadali na makalimot
Mahirap kalimutan na ako ay iyong niloko
Ayokong umasa sa iyong mga pangako
Ayoko ng masaktan sa mga salita napapako

Hindi ko hinihiling na ika'y makalimot
Ang hangad ko lang ay mapatawad mo ako
Naiintindihan ko kung hindi mo ito magawa ngayon
Pero bigyan mo ako ng pagkakataon upang makabawi sayo

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now