A poem I written as a sort of "audition piece" as a literary writer for my university's student publication.
~•~•~•~
“Bampira”
Hindi ko siya pinapansin
Hindi ako tumitingin
Pero alam kong ika’y nakamasid
naghihintay ng pagkakataon upang ako’y paslanginKapag nasa eskwela, hahanap agad ng kasama
upang makalimutan ka nang pansamantala
Ngingiti, tatawa, hahalakhak
Pinapakalma ang pulsong mabilis ang pagpalakpakUwian na, ako nanaman ay mag-isa
Puso’y tumitibok ng mabilis at malakas
Ramdam kong unti-unti ka nang lumalapit
Hindi na mapigilan ang uhaw sa dugong matamisHindi ako mapakali
Laging mulat ang mata sa gabi
Armas ay laging nakatabi
umaasang ika’y matakot at umalisRamdam ko ang iyong mainit na titig
Rinig ko ang mahina mong tawa at tinig
Hindi ka pa ‘man lumalapit, ako’y agad nanginginig
pagkat ang saktan ako ay ang iyong hiling“Laging mag-isa, walang kasama
Walang nagmamahal sa tulad mong paslang
Walang silbi, walang kwenta
Wala ng dahilan para mabuhay pa”Paulit-ulit mong bulong sa aking tenga
Sinusubukang alisin sa akin isipan
Ngunit ako’y napapagod na
Nais ng sumuko sa labanHindi namalayang tumulo na ang dugo
Isa, dalawa, tatlong patak mula sa braso
Napatingin sa salamin at doon ko napagtanto
Ako pala ang bampirang nais kong mawala sa mundo~•~•~•~
YOU ARE READING
The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary Compilation
PoesieA compilation of poetry and prose written sometimes at random, but most out of vulnerability. {Filipino and English}