Over
Nagpilit ako ng isang ngiti. Halos manginig man ang aking mga labi nang mga sandaling iyon, pinilit ko itong hilahin upang makangiti pa rin.
Baka naman mali ang iniisip ko. Baka naman kabaliktaran ng nasa isipan ko ngayon ang dahilan kung bakit siya nandito. Baka binilin lang ni Hendrix na bantayan niya ako rito. O baka may kailangan lang siya kaya siya nandito.
Iyon ang mga pinili kong pairalin sa utak ko kahit na lahat na ay nagtuturo sa kabaliktaran ng mga iyon.
"S-Si Hendrix ba ang sadya mo? H-Hindi pa siya nakakauwi...kung...kung g-gusto mo tatawagan ko na lang-"
Nabitin ang aking mga salita at awtomatikong nanigas na lamang sa ere ang kamay kong aabutin sana ang cellphone ko sa may bedside table. Wala ito roon. Binalikan ko siya ng tingin at sa gulat ko'y hawak niya sa isang kamay ang cellphone ko, bahagyang kinakaway habang may nakakalokong ngisi sa labi.
That was the time that I finally accepted the truth that I am in danger. Mas sumiklab ang takot sa aking buong katawan. Balot man ng makapal na kumot ay dama ko pa rin ang panlalamig at panginginig ko.
Bakit siya nandito? Anong kailangan niya? Bakit tila naging ibang tao siya? Hindi na siya kagaya ng kanina. Hindi na siya takot at halos hindi mapakali. Right now he looks just fine. Na tila walang trahedyang nasaksihan ang mga mata niya kanina. Right now, if not insane, he acts as if he is thirsty for my blood.
"Anong kailangan mo?" Hindi ko na naiwasan ang panginginig ng boses.
His wicked grin grew wider. Sinilid niya sa bulsa ang cellphone ko. I grabbed the opportunity while there is still enough distance between us to grab the digital clock on the bedside table. Hinagis ko iyon sa direksyon niya nang walang pag-aatubili at dagliang umalis ng kama para sana tumakbo sa pinto.
Subalit bago ko pa man mapihit ang doorknob, nahablot niya na ako sa aking buhok. Malakas akong napatili dahil sa rahas at sa sakit na ininda. Pilit kong inaalis ang kamay niya habang sumisigaw, humihingi ng tulong. Naisigaw ko na siguro ang lahat ng mga pangalan nila subalit walang pangambang lumitaw sa mukha niya. In the end, when I finally lost my voice and strength, he once again showed me his contemptuous smirk.
"I don't know what's more foolish, you thinking that you could get away from me or you not realizing and noticing that this room is soundproof."
Mabilis kong nilibot ang paningin sa silid at halos gumuho ang mundo ko nang makumpirma ang sinabi niya. Marahan itong tumawa. Muling marahas na hinila ang buhok ko, kinakaladkad ako pabalik ng kama.
Kahit na alam kong walang makakarinig, hindi ako huminto sa pagsigaw. Nanlalabo na rin noon ang paningin ko dala ng bagyo ng aking pag-iyak.
"Let me go! Please! Ano ba'ng kailangan mo?! Let's talk, okay?! You don't have to do this!"
Tinulak niya ako sa may kama. Sa lakas nito ay napahiga ako. Nakaramdam man ng pagkirot sa katawan ay pinilit kong bumangon kaagad para muling sumubok na tumakas. Ngunit muli niya akong naipako sa kama. Pinaibabawan ako, kinulong ang aking bewang sa pagitan ng kaniyang mga hita, at ginapos ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo.
Although the lights are off, I could clearly see the lust that his tongue left on his lips as he licks them. I could clearly see how his sneering eyes travelled my body. I could clearly see how his thirst for my blood became stronger.
"But do you know what's the most foolish?"
Habang ginagapos ng isang kamay niya ang dalawa kong palapulsuhan, ginamit niya ang isa pang kamay upang tanggalin ang kaniyang sinturon. Mas nilakasan ko ang pagpupumiglas na siya namang ginantihan niya ng mas lalong paghigpit ng pagkakaipit ng mga hita niya sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...