The Beginning
Si papa ay isang abogado. Isang sikat na abogado. Hindi siya naging sikat dahil nasasangkot siya sa mga kontrobersya o mga eskandalo. Sikat siya sa larangan ng abogasya dahil marami na siyang naipanalong kaso ng mga importanteng tao sa bansa.
Si Senator Alejandro De Varga ay isa ring sikat na senador. Subalit sikat siya hindi dahil sa mga magagandang nagawa niya sa bansa, kundi dahil puro kasamaan lamang ang alam ng tao tungkol sa kanya. Nahalal ito sa pwesto nitong nakaraang buwan lamang. Isang napakalaking misteryo. Imbes na magdiwang ay nagkagulo ang mga tao. A lot are against him, the majority are in doubt of him.
At nitong nakaraang buwan lang din ay nagsimulang trabahuin ni papa ang kasong nagtuturo kay Senator na pumatay sa sariling asawa, na sangkot sa mga ilegal na gawain at nasasangkot sa isang mafia. Kung sino ang taong nagsampa ng kaso, isang misteryo rin iyon sa lahat. Si Papa lamang ang nakakaalam niyon at kahit sa aming sarili niyang pamilya ay kailanman hindi niya sinabi.
Kaya naman hindi ko ngayon maintindihan, kahit na hulaan ay hindi ko rin magawa. Bakit hihingin ni Papa na protektahan ako ni Hendrix, isang De Varga, anak ni Senator na siyang kaaway niya? Hindi ko pa rin magawang pagtagpi-tagpiin ang mga piraso ng kaisipang ito. Sa lahat ng misteryong nakaharap ko, ito ang pinakamahirap lutasin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Ang malakas na pagbuntong hininga ang una kong ginawa nang makatayo. Nagmukhang bestida ang damit ni Hendrix sakin, iyon nga lang ay napakaikling bestida. Ang pinangako kong pananghalian kasabay sila ay mukhang malabo nang mangyari. Wala si Hendrix, hindi ako makalabas dito at mukhang galit pa siya kay Gavin.
Ang pagkatok sa pinto ay mabilis na nagpalihis ng tingin ko papunta roon. Naghintay akong pumasok siya ngunit pagkatapos ng katok na iyon, katahimikan na ulit ang namayani. Mabagal kong binuksan ang pinto, natatakot sa maaaring sorpresang nag-aabang sa labas ngunit imbes na pigura ng isang tao ang makita, isang tray lamang na puno ng pagkain ang naroon.
Hindi ko iyon kinuha at muli lamang sinarado ang pinto. Bumalik sa kama at binagsak ang katawan, pinikit ang mata at muli na namang malakas na napabuntong hininga.
This is definitely his room. Kahit na hindi ko na tanungin, malalaman pa ring kanya ito. The mattress smells just like him. Kahit kanina pa siya nawala, ang pabango niya ay nasa hangin pa rin. At kagaya lang din sa kwartong pinagdalhan niya sakin kagabi, napakalinis din ng kwartong ito at nasa kulay ng abo at puti ang mga kagamitan.
Muli akong napabangon nang makarinig ng ingay na nagmumula sa bintana. The tinted window was empty, tanging ang kapunuang nasa labas lang ang tanaw doon. Subalit lumakas ang ingay at doon na ako nagdesisyong tumayo para lumapit.
At sa pagbukas nito, tuluyang luminaw ang ingay.
"Anong ginagawa niyo riyan?" tanong ko.
Sabay-sabay na natahimik ang anim na kalalakihang naka-squat sa ilalim ng bintana, sabay-sabay din ang mga itong nag-angat ng tingin sakin. Una kong nakilala sina Luke at Karl. Ang apat ay hindi ko pa alam ang pangalan subalit sigurado akong sila rin iyong iba pang kasama nila kanina.
Tumayo si Luke. "Sinabi ko sa kanila ang sinabi mo samin kanina. Sayang nga lang at hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto kaya naisip naming pumunta na lang dito para masabayan kang kumain."
And what he said almost brought me to tears. Hindi naman iyon nakakalungkot. Siguro dahil nagulat lamang ako, siguro dahil hindi ko inaasahang gagawin nila ito o dahil siguro ito ang pinakahuling bagay na naisip kong pwede nilang gawin.
Without a word, I rushed back to the door. Kinuha ko ang tray doon at binitbit pabalik sa bintana. At nang datnan, nakatayo na silang anim. Ang tatlo ay nakalahad na ang mga kamay sakin na tila himihinging makipagkamay.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romansa1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...