Kabanata 40

1.7K 42 7
                                    

Dream

Gustuhin ko mang buksan ang mga mata ko ay mahirap. There is this weight that is keeping me from lifting my eyelids. Humarap ako sa kabilang dako ng kama at kinapa ang aking tabi. Malambot at malamig na kutson lamang ang nahagilap ng aking kamay, walang sinyales ng tao o mainit na bakas na hinigaan ito ng kahit na sino.

Nagmulat ako at nakitang iba sa kamang ginigisingan ko araw-araw ang kinahihigaan ko ngayon. The scent is different too. Even the window near the bed that I always see when I wake up is nowhere to be found here. Walang bintana kaya hindi ko alam kung maliwanag na ba sa labas o madilim pa. Nakapatay din ang ilaw sa silid at hindi ko maramdaman ang lakas sa katawan para manghagilap pa ng orasan.

Bumangon ako at kasabay nito ay ang pagbukas ng ilaw. Sumunod ang tunog ng mga magagaang yabag na palapit sakin.

"Did you sleep well?" Gavin's voice was as gentle as the smile plastered on his face. Nilapag niya ang  kaniyang tasa ng kape sa gilid ng kama bago umupo sa bandang paanan ko.

Wala akong pagdadalawang isip nang lumapit at yakapin siya. He is really someone I always run to every time I'm upset with Hendrix. Or if I'm upset of myself. He said before that I have always been like this since we were kids and even now that we have grown, I am still doing it.

Umiling ako sa dibdib niya at niyakap niya naman ako pabalik. I smelled both the coffee and his perfume.

"Ikaw?"

"I didn't sleep." Inangat ko ang tingin sa kaniya na siyang sinalubong naman niya sa pagyuko.

"Hindi ka ba inaantok?" Umiling siya.

Bumalik ako sa pagkakasubsob sa dibdib niya. Dahil kaya sa nangyari kagabi? Iniisip niya pa rin ba 'yon? O may nangyari pa habang natutulog ako rito?

"Bakit? Dahil ba sa nangyari?"

"Dahil nandito ka." Mabilis akong napabalik ng tingin sa kaniya at sumimangot. Agad namang sumilip ang mapuputi niyang ngipin sa pagngiti.

"Biro lang."

Bumalik ulit ako sa pagyakap at nag-umpisa naman itong haplusin ang buhok ko. Siguro nagulo ito mula sa pagkakatulog dahil mukhang inaayos niya ito. At mas pinapagaan ng ginagawa niya ang aking pakiramdam.

"Pumunta ba siya rito?" Nadama ko ang pag-iling niya sa ibabaw ng aking ulo.

"But he stayed all night outside my door, waiting for you to come out."

Bagaman nagulat sa kaniyang isiniwalat, I maintained my composure. Hindi ko pinadama ritong apektado sa kaniyang sinabi. Palihim ko lamang na sinilip ang nakasaradong pinto, iniisip na sa likod nito ay nakaupo si Hendrix.

"Athena, losing someone once and losing someone twice are two different things."

"I know, Gavin."

"He didn't just lose someone once, it happened to him for a lot of times. I didn't go through as much pain as he did but I saw and watched him went through all of those pain. I don't want to see him to be that miserable again. I don't wanna see him lose himself again. So even if I don't agree with his decision too, I am willing to accept it. I am not forcing you to do the same, I am only asking you to understand him. Please come back to him, Athena, he needs you now more than anything."

Babalik naman talaga ako. Nagpapalamig lang ako ng ulo rito. Kapag hinarap ko siyang mainit pa ang ulo, siguradong mapupunta na naman sa pag-aaway ang pag-uusap namin. We can think best when we are calm, when our mind is at peace. I don't want to let my anger talk for me kaya sa halip na sa kwarto niya, dito ako tumakbo kagabi.

ABDUCTED (De Varga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon