Beg
Sinamantala nila ang oras na wala si Hendrix. Sinamantala nila ang oras na malayo ito kay Athena.
Malakas na bumagsak ang pinto at nakita ni Athena at Gavin kung paano halos matanggal ito mula sa pagkakakapit sa pader. Ginamit ni Tom ang buong lakas upang sipain iyon. Kahit pa na puno na ng dugo isang braso nito dahil sa sugat ng pagdaplis ng bala, hindi nito binitawan ang baril, patuloy ito sa pagpapaputok sa mga lalaking nangangahas lumapit sa kwartong kinaroroonan ni Athena.
Hindi makapagsalita si Athena at tila pati paghinga niya ay napatigil nang makita niya ang itsura ni Tom. Nang harap-harap nitong nakikita ang paglabas ng bala sa baril, ng mga tumutulong dugo mula sa katawan niya, ng ingay ng mga taong binabawian ng buhay.
Naghagis si Tom ng isang baril kay Gavin. "Get out of here now! Sa likod kayo dumaan. Mga bangkay na lang ang maabutan niyo sa harap! Fuck!" Napamura pa ito nang muling madaplisan ang braso niya.
"Tom..." bulong ni Athena.
Bahagyang napaurong ang paa niya ngunit agad ding tumigil. Parang gusto nito siyang lapitan ngunit para saan? Anong magagawa niya? Anong maitutulong niya? Magiging pabigat lamang siya. Wala itong magagawa at ang reyalidad na ito ay muli na lamang nagpabuhos ng mga luha niya.
"Run fast, Athena," dinig niyang sabi ni Tom.
Hinahabol nito ang hininga na tila pinipilit na lamang magsalita kahit hinang-hina na. Dahil ang totoo, sukong-suko na ang mga tuhod ni Tom sa mga oras na iyon. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa katawan niya. Kahit na gustong-gusto niya pang lumaban, ang katawan na mismo ang tila nagpapasuko sa kaniya. Ngunit hangga't hindi pa nakakaalis si Athena, hangga't hindi niya pa nasisigurong ligtas ang dalaga, hindi pa siya pupuwedeng magpahinga.
Habang hinihila na siya ni Gavin papunta sa bintana para doon dumaan palabas, hindi niya magawang alisin ang tingin kay Tom. Hindi niya maalis ang tingin sa napapangiwi nitong mukha dulot ng pagkirot ng mga sugat. Ngunit ang pagsulyap sa kaniya at tipid na pagngiti ng binata ay nagbigay ng lakas sa kaniya para makatayo na sa sarili niyang paa.
Habang tumatakbo na papunta sa likod ng bahay ang dalawa, napansin ni Gavin ang mga paa ng dalaga. Wala itong suot na sapatos. Kung sana ay may oras pa sila, ipapagamit nito sa kaniya ang sariling sapatos, ngunit baka mahirapan din ito sa pagtakbo. Kaya sa huli, napagdesisyunan na nitong buhatin na lamang si Athena.
Tanaw ni Athena ang pag-igting ng bagang ni Gavin. Parang nagagalit ito sa bagay na hindi niya alam. Siguro kung wala siya rito, mas mapapabilis at mapapadali ang pagtakas nila. Siguro kung wala siya rito, hindi rin mangyayari ito. Gusto niyang sampalin ang sarili. Mali si Hendrix, mali siya sa paghingi ng tawad. Dahil para kay Athena, siya ang dapat na humihingi ng tawad, siya ang may kasalanan. Kaya hinahabol sila, kaya may mga namamatay, kaya may nagbabarilan, iyon ay dahil sa kaniya.
"Please don't ever think that this is your fault." Binaba siya ni Gavin sa likurang parte ng gazebo para doon sila magtago.
Athena wants to think that way too but she just can't. Those guys are surely after her. At hindi sila hihinto hangga't hindi nila siya nakukuha.
"Hindi natin iiwan si Tom." Ginawaran siya ng ngiti ni Gavin na tila pinapalakas ang loob niya.
Pero ang hirap paglakasan ng loob ngayon lalo pa't inuulanan siya ng pagsisisi.
Kinuha ni Gavin ang baril na binigay ni Tom mula sa likuran at tiningnan ang magazine nito. Pagkatapos niyon ay muli niya nang tinago ang baril. Binuhat muli si Athena para makaalis na roon.
"Gavin, ibaba mo na ako. Ayos lang ang paa ko," sabi nito ngunit hindi umimik si Gavin.
Nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Pumasok sila sa tila kagubatan sa likurang parte ng gazebo. Masukal ang parteng iyon. Mabato, halos hindi makita ang daanan dahil sa mga dahon at mga sanga. Nagsisilakihan ang mga puno at pababa rin ang kalupaan. Kapag nilakad niya ito nang nakayapak, siguradong magtatamo siya ng malalalim na sugat. Pero ayaw niya nang pahirapan si Gavin. Kaya titiisin niya na lamang ang kirot at hapdi.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...