Kabanata 23

1.6K 47 16
                                    

Last

I haven't baked with a lot of audience before. Dati, sina papa, mama o si ate lang ang nanonood sakin. I haven't baked for anyone too before aside from my family. But right now, all six of them are attentively watching me. Nakaluhod ako sa upuan habang pinapaliwanag ang mga ginagawa ko. Nakaupo naman sila palibot sakin na parang mga estudyanteng gustong-gustong matuto.

Si Karl na siyang pinakamalapit sakin ay itinali ang kaniyang mahabang buhok. Unang beses ko itong nakitang ganito kaya ngayon ko lang din nakita ang black crescent tattoo niya na kagaya din ng tattoo ni Hendrix, ngunit ang kay Karl ay nasa kaniyang batok.

"Lahat ba kayo may ganiyang tattoo?" I asked.

Napahawak si Karl doon na tila pinapakiramdaman ang tattoo niya. "Oo. Pero kaming naririto, kami ang mismong pumili ng paglalagyan ng tattoo. Yung iba, nasa likod ang kanila."

"Bakit naman?"

"Kasi kami ang pinakagwapo eh." Napailing-iling pa si Jo-ed matapos sabihin iyon at agad naman siyang binatukan ng bowl ni Jason sa ulo.

"Huwag kang nagpapaniwala rito, Athena. Ang totoo niyan, kami kasi ang pinakamacho." Si Jason naman ngayon ang nakatanggap ng pagpalo ng spatula sa ulo mula kay Rey. Natawa ako.

"Magkakasama na kasi kami mula pa noong nagsisimula pa lang si Hendrix." Napahinto ako sa paghahalo ng icing dahil sa seryosong imik ni Luke. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya.

"We met Hendrix seven years ago." Napangiti si Luke na pawang inaalala ang nakaraan nila.

And I've decided to give him all of my attention. Because I badly want to hear the story he's about to uncover, how their story started, and the story that had started when I parted ways with Hendrix seven years ago.

But before he could speak another word, someone knocked at the door. Lumingon ako at nakitang nakasandal na si Hendrix sa nakabukas na pintuan ng kusina. Gazing fiercely at me and to everyone in the room. Binalik ko ang tingin sa kanila at lahat sila ay nakaiwas na ng tingin sa akin. Idinaan ko na lamang sa pagngiti iyon.

"Athena," Hendrix called. Nilingon ko siya ulit at nakitang lumandas muna ang mata niya sa ibabang parte ng katawan ko bago ako muling sinalubong ng tingin sa mata. At tinitigan naman niya ako na tila pinapalapit ako sa kaniya.

I took off my apron first before getting off of the chair. Akala ko ay may sasabihin lang ito, hindi ko inaasahang hihilahin ako nito palabas ng kusina.

"Hendrix, wait! May ginagawa ako eh. Saan ba tayo pupunta?"

Hindi ito sumagot kaya bigla na lamang akong kinabahan, kinabahan na baka may nangyayari na naman. Ito ba ang dahilan kaya sila lumabas ni Gavin? Aalis na naman ba kami? May magaganap na naman bang barilan?

Itinigil ko na ang pagrereklamo at mas kumapit na lamang sa kaniyang kamay. Hinabol ko rin ito para magkasabay kami sa paglalakad. We went back to his room and I have already prepared myself for what he is about to say when we finally stopped walking.

"Magbihis ka," he said. Napakunot ang noo ko dahil sa pagkagulumihan.

"Masyadong maikli, Athena." Ang noo naman niya ngayon ang napakunot nang sumulyap ito sa palda ko. At hindi naman ako makapaniwalang napabuga ng hangin.

Walang nangyayari? Hindi kami aalis? Ayos lang ang lahat? Ligtas kami? Ganoon? Gusto niya lang talaga akong magbihis? Gusto kong matawa dahil kinabahan pa ako ng husto kanina. Kinabahan ako para lang sa ganitong bagay.

"A. Yo. Ko," matigas kong sabi at inirapan siya.

Lalampasan ko na sana ito para pumunta sa pinto nang higitin niya ako sa may tiyan pabalik. I withstood his piercing eyes. Ngunit ang mata niya ring ito ang nagsasabi na hindi ako makakalabas ng kwarto hangga't hindi ako nagbibihis.

ABDUCTED (De Varga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon