First
I was speechless or maybe I was just too scared to speak. Meron namang nais sabihin ang bibig ngunit takot ang isip. Base sa higpit ng hawak niya pa lang kasi sakin, sa mabibigat niyang yabag, sa bilis ng kaniyang lakad, alam kong hindi pa rin naiibsan ang galit niya kahit na nakaalis na kami ng warehouse at ngayo'y nasa bahay na.
Nang marating namin ang kwarto agad niya akong binitawan at malakas na sinarado ang pinto na pakiramdam ko ay parang nag-crack na ang pader sa gilid nito. Ngunit hindi. It was just Hendrix's fury. The fury that I have never seen before, the fury that could scare even the beasts away. Kung diyos yata ito, malamang nagkadilubyo na dulot ng galit niya.
Taas-baba ang kaniyang balikat at dinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Sa pagkakakuyom ng kamao niya ay batid ko ang kaniyang pagpipigil. Hindi ko itatangging natatakot akong baka tumama sakin ang kamaong ito. Mas lalo lamang akong kinakabahan dahil hindi niya pa rin ako nililingon. Mas lalo lang bang lalaki ang galit niya kapag nakita pa ako?
Ngunit hindi ba may karapatan din naman akong magalit? Iniwan niya akong mag-isa rito, iniwan nila akong lahat dito. Lumabas lang naman ako kasi akala ko tuluyan na nga niya akong iniwan. Kasi kapag lumabas ako baka doon, nahabol ko pa siya sa pag-alis niya o nakita siya para sabihing huwag niya akong iwan.
Lumapit ako sa kaniya. Binato ko ang kamao sa kaniyang matigas na likod at hindi ko napansing sumasabay din pala ang panibagong pag-agos ng aking luha.
"Bakit ka ba kasi umalis? Saan ka nagpunta? Bakit hindi mo ako sinama? Bakit hindi mo ako ginising para magpaalam man lang? Bakit mo ko iniwan dito nang mag-isa? Alam mo ba..."
Sa bawat tanong ay isang pagsuntok sa kaniyang likod. Nararamdaman niya kaya? Sa panghihina ng aking katawan, duda akong may lakas pa ito para palakasin ang suntok na iyon.
"Alam mo ba..." Finally I let out a sob. "Alam mo bang takot na takot ako kanina? Ha?! Alam mo bang sobrang natakot ako na baka iniwan niyo na nga ako rito mag-isa?!"
Siguro dahil sa panghihina kaya bumagsak na rin ang katawan ko sa likod niya. Doon ko binuhos ang iyak. Wala na akong pakialam kung mabasa man ang damit niya o hindi. Gusto ko lamang umiyak kasi hanggang ngayon nandito pa rin ang takot. Hanggang ngayon dama ko pa rin ang kamay ng lalaking iyon sa katawan ko. Hanggang ngayon parang nakikita ko pa rin ang mukha niya kahit nakapikit na ako.
Kinuha niya ang kamay kong sinuntok ko sa kaniyang likod at dinala ito sa harapan niya para mapayakap ako sa kaniya. Mahigpit niya itong hinawakan, napakahigpit na tila hinihigop ang panginginig nito, ang panlalamig at ang natitirang bakas ng takot.
"You are driving me crazy everyday, Athena. But today, I've finally gone mad."
Napahinto ako sa paghikbi dahil sa boses niyang nagsisisi, sinisisi ang sarili. Dismayadong-dismayado, boses ng tila nagluluksa. Niyakap ko pati ang isa ko pang kamay at ngayo'y ang dalawa na ang mahigpit na niyayapos ng kamay niya.
"I am begging you. Don't do that again, don't ever leave this room again."
Kahit na ako ma'y gusto pang sumagot sa sinabi, hindi ko na ginawa. His voice sounded like it wasn't Hendrix at all. At tila nahipnota ako ng boses na iyon kaya ako napatango.
Nang hindi binibitawan ang mga kamay ko ay humarap ito sa akin. And just like how his voice sounded, when I met his eyes, it was as if I was looking at the eyes of which I've never seen before.
Tinaas niya ang damit ko at dahil siguro sa pagkakagulat ay hindi ko agad napigilan. Kinilatis niya ang parte ng aking tyan na tila sinisiguradong walang kahit anong galos. Ganoon din ang ginawa niya sa aking mga braso. Ngunit nang makita niya ang ngayo'y natuyo nang dugo sa sugat na nasa palad ko, nanumbalik na ang Hendrix na kilala ko. Galit sa kahit na sino, galit sa mundo.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...