Bonfire
Hiniga ko ang gilid ng ulo sa brasong nakatukod sa may tub habang ang isa kong kamay ay nilalaro ang tenga nito. I don't know why it didn't bother me anymore whether he'll see my naked breasts or not because of how we are right now. But he didn't also dare look at it. Nasa akin lang ang taimtim nitong titig.
"Nagka-girlfriend ka ba bago pa tayo magkita ulit?" Bahagyang umangat ang isang sulok ng kaniyang labi.
"Hindi."
Napaahon ako at umiwas ng tingin. "I'm sorry," nakanguso kong sabi.
"Please, don't be." He held me by my chin to make me look at him again. "Did you love him?"
"Hindi ko alam. He was nice. Really nice. I liked him, yes... maybe."
Kinuskos nito ang hinlalaking nasa baba ko pa rin. Tinuon ko sa iba ang mata dahil sa nakakapangtunaw nitong titig at dahil din sa guilt na gumagapang na naman sa aking sistema. I don't know where this guilt is coming from.
"How about now? Do you still like him?"
May sagot naman na ako sa tanong niya subalit hindi ako nakapagsalita agad. Saglit pa akong napatitig sa napakainteresado nitong mata na tila hinding-hindi makakapayag na hindi niya malalaman ang sagot ngayon.
I liked Vince. Before. I am sure about that. Pero ngayon, ang alam ko lang ay hindi na ang dating pagtingin ang tingin ko sa kaniya sa tuwing maaalala ang kaniyang mukha. Iniisip ko pa lang na magkikita kami, hindi na ako napapangiti at tanging takot na lamang ang namamayani sa aking dibdib. Sa tuwing iniisip ang mga pinagsamahan namin noon, bago ko pa malaman ang lahat ng tungkol sa kaniya at bago pa mangyari ang lahat ng nangyayari ngayon, kahit na katiting na tuwa ay hindi ko na maramdaman.
And because of that, I can say for sure that I am certain about my answer.
"Hindi," buo kong sabi.
His lips then rose into a smile.
"Ako? Gusto mo ba ako?"
Saglit pang pinroseso ng utak ko ang narinig. Saglit na napatitig lang sa kaniya bago pinaglakihan ng mata nang matanto ito. Nilayo ko ang mukha mula sa hawak niya at tinago ang mukha. Siguro hindi na basta lang dahil sa init ng tubig itong init na nararamdaman ko.
"A-Ano ba namang klaseng tanong 'yan, H-Hendrix?" I stuttered.
"Gusto mo ba ako, Athena? Kasi ako gusto kita. Gustong-gusto."
Tuluyan ko na itong tinalikuran. Hindi na maatim ang pag-init ng mukha, ang halos makakapunit ng pisnging ngisi. Siguro ang alon na namumuo sa tubig ay hindi na dahil sa paggalaw ko, marahil ay dala na ito ng napakalakas at napakabilis na tibok ng aking puso.
"Ilang beses na kitang nasaktan. Palagi rin kitang pinapaiyak at nagagawan ng bagay na nakakapagpagalit sa'yo. Kung hindi mo pa ako gusto ngayon, magsisikap ako para magustuhan mo rin. Paghihirapan kitang makuha, Athena."
"Sa tingin mo ba masasaktan, iiyak, at magagalit ako sa'yo kung hindi rin kita gusto?!" asik ko rito. Mabilis kong natutop ang bibig dahil sa mga sinabi.
Gusto kong tingnan ang reaksyon nito, pero huwag na, pipigilan ko muna ang sarili. Baka mas lalo lang akong mapangisi sa harap niya. Baka makita niya pa kung gaano akong pinasaya ng mga sinabi niya.
"Kini-kiss nga kita tapos hindi kita gusto? Ang slow mo naman, Hendrix!" nasabi ko na lamang para maibsan ang pagkakailang.
"Nandito ka nga ngayon, tapos hindi pa kita gusto?"
Pagkatapos ng lahat ng nangyari at ng mga sinabi ko sa kaniya, iyon pa rin ang iniisip niya? Nakakapanggigil ka na, Hendrix. Baka makalimutan kong wala akong kahit na anong saplot at atakehin kita riyan. Magtigil ka!
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...