War
Minsan hindi ko na maiwasang mapatanong sa sarili kung bakit ganito na lang kalaki ang takot nila kay Hendrix. Gaano ba ka-grabe ang naranasan nila sa mga kamay niya? O gaano ba kalupit si Hendrix bilang boss nila?
Hindi na naman maguhit ang kanilang mga mukha nang pumasok kami sa kwarto. Mistulang dinaanan na naman ng anghel dahil sa biglang pananahimik. Mabilis na iniwas ang mga tingin at tanging ang doktor at si Gavin lamang ang nanatiling nakatingin sa amin. Gavin glanced at our hands, he then smiled. Siguro naisip niyang nagkabati na kami ni Hendrix kaya gumanti rin ako ng ngiti.
Lumakad ako para sana lapitan na siya at kamustahin ang sugat nito ngunit hinila naman ako pabalik ni Hendrix sa kamay kong hawak niya pa rin. Bago pa ako makapagsalita ay nagpatiuna ito sa paglapit kay Gavin.
"So, she is the kid I've heard about," panimula ng doktor.
Sa tantiya ko ay hindi nalalayo ang edad niya sa kanila. He looks so much younger than any doctors that I have met. Suot nito ang lab gown na karaniwang suot ng mga doktor at nakita ko rito ang logo ng ospital na ngayo'y pag-aari na ni Hendrix. Siguro doon din siya nagtatrabaho kaya malaya siyang nakakapunta rito at siguro ay alam niya rin ang sikretong nagtatago sa lugar na ito at sa mga taong nakatira dito.
He looked nice too but what he said kinda raised my hackles. Napasimangot ako. "I'm not a kid."
"Well... given the situation you're in and the people surrounding you right now? You are." Mapang-asar pa itong ngumisi.
Sa halip na sumagot ay inangat ko ang tingin kay Hendrix. "Hendrix, ipagtanggol mo 'ko," I pleaded.
Hindi makapaniwalang napailing-iling ang doktor sa akin. Tiningnan siya ni Hendrix ngunit bago pa man may lumabas na salita sa bibig nito, nagsalita na ang doktor.
"Tama nga kayo, may pagkademonyo nga ang babaeng 'to."
Umarte akong nasasaktan. Tumingin ulit ako kay Hendrix at napanguso, nagpaawa gamit ang mga mata. At pagkatapos niyon ay ang anim na mga salarin naman ang tiningnan niya. Ganoong hilakbot na lamang ang humulma sa mga mukha nila. Tumayo si Rey para magsalita.
"Ha?! Sinong nagsabing demonyo si Athena?! Hindi niyo ba nakikita ang pakpak sa likod niyan?! Kulang na nga lang buntot-este-halo para sumalangit-este-maging anghel 'yan!"
Tumawa ang doktor sa gilid ko. "They're right. You're really something," sabi nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan at nilahad ang kamay sa akin. "I'm Dr. Victor Divinagracia. Vic na lang. Personal doctor ng mga asungot na 'yan."
"Ah... Athena po."
Akmang aabutin ko na ang kamay nito nang unahan ako ni Hendrix. Siya pa mismo ang nakipagkamay kay Vic imbes na ako. Tiningnan ko naman ito nang masama at natawa naman dahil doon si Vic.
"Relax, Hendrix. It's just a handshake." Tinapik-tapik nito sa balikat si Hendrix. "I still want to stay and chat with you but I have an operation this afternoon. Mahaba pa ang biyahe kaya kailangan ko nang umalis. Nice meeting you, Athena."
Sinimulan niyang tipunin ang kaniyang mga gamit at nang matapos ay hinarap naman nito si Gavin.
"I'll let one of my nurses stay to change your wound dressing. For now, ipahinga mo muna ang kamay mo. Paubaya mo muna sa isang kamay si Junior habang hindi pa gumagaling ang sugat mo." Malakas itong tumawa pagkatapos ng sinabi at tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Gavin.
I looked at Hendrix, confused about what he meant by that. "Sino si Junior?" nagtatakang tanong ko.
Kagaya ni Gavin ay masama ring tiningnan ni Hendrix si Vic. Tinaas ni Vic ang dalawang kamay na tila sumusuko.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romans1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...