Teach me
9 years ago...
Nang mamatay ang ina ni Hendrix, si Athena na ang laging nandyan para sa kaniya. Hindi rin maintindihan ni Hendrix kung bakit ito ginagawa ng batang pinaiyak niya noong una pa lamang nilang pagkikita. Ang labing-apat na taong gulang na batang lalaki ay tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kama, mugto ang mata, namamayat na dahil sa ilang araw na hindi pagkain, matamlay, humihinga pa pero pakiramdam niya ay matagal na siyang binawian ng buhay.
It's been 2 weeks since the tragedy happened, since the greatest downfall of the future heir of the De Varga's mafia. Dalawang linggo na ngunit parang kahapon lang nangyari. Yung sakit, presko pa rin sa kaniya, yung pagkakadurog ng puso ay damang-dama pa rin niya. Parang binubuksan ang kaniyang puso, hinahati sa dalawa, pinagpipiraso hanggang sa maging abo.
Binato niya ng maliit na unan ang batang babaeng dalawang linggo na ring hindi na halos nililisan ang kaniyang silid. Nakaupo ito sa kaniyang maliit na mesa, sa harapan ng nakabukas na bintana kung saan tanaw ang dagat sa labas. Tinapunan siya ng masamang tingin ng labing-isang taong gulang na batang babae, may dumi pa ito sa mukha mula sa kinakaing tsokolate.
"Why are you still here? Don't you have a house? Or do you like it that much annoying me?" asik ni Hendrix sa kaniya.
Hindi sumagot ang batang si Athena at sa halip ay dinampot lamang ang unan. Tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kama. Pinanood lang naman siya ni Hendrix, pinanood niya habang binabalik ng babae ang unan sa gilid niya.
"It's not nice to throw your things at anyone," nakapamewang pang sabi ni Athena.
Nagtangkang babatuhin na naman niya sana ito ngunit mabilis na siyang pinigilan ni Athena. "Kuya Hendrix!"
Hindi ang pagtaas ng boses nito ang nagpatigil kay Hendrix, kundi ang tinawag nito sa kaniya. In that two weeks, he had never talked to her nor to anyone. Wala ring sinasabi ang batang ito at tanging nananatili lamang sa kwarto niya hanggang sa matapos ang araw kaya naman ikinalaki ng gulat niya ito.
"Why are you here? What are you doing in here everyday? Hindi ba inaway kita dati? Kaya bakit ka pa rin pumupunta rito? Bakit mo pa rin ako sinasamahan dito?"
Napatabingi ng ulo ang batang babae dahil parang hindi niya naiintindihan ito. Inosente itong tumingin sa kaniya.
"Because you're lonely and you look sad. I don't want anyone to be sad. It's sad to be sad. I don't want anyone to cry. It's sad if I see anyone crying."
Nataranta na si Hendrix nang bigla na lamang nagsimulang umiyak si Athena. Lumalakas ito nang lumalakas. Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi niya naman alam kung bakit ito umiiyak. Hinila niya ito pasampa sa kaniyang kama at natatarantang naghanap ng kahit anong bagay. Napatingin ito sa kaniyang damit, at kagaya noong una nilang pagkikita, inabot niya ito sa kaniya, pinunasan ang mga luha nito at sa ganoong kabilis na oras, napatahan niya si Athena.
"Then why are you crying?" he asked as he stares at her round and dark orbs.
"Because you're sad."
Halos matawa si Hendrix sa sagot niya. Hindi naman nakakatawa pero gusto niyang tumawa. Only on that very moment that he didn't feel the pain, that even for only a split of seconds he forgot about his own misery. Only on that moment that he stared at her eyes did he see hope.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...