Know Him
Vince Kael Magallano, ang captain ng basketball team ng pinapasukan kong unibersidad noong hindi pa siya nakaka-graduate, namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente noong bata pa siya, ang mga kamag-anak niyang nasa ibang bansa ang nagtaguyod sa kanya mula pagkabata, at nagtapos bilang cum laude sa kursong political science.
Bukod doon ay wala na akong iba pang maisip na alam ko tungkol sa kanya. Kanina pa ako pabalik-balik sa mga iyon, sinusuri baka may nakalimutan lang ako, pinipiga ang utak at baka may nakaligtaan lang maalala. Hindi ko kasi makitaan ng kahit anong koneksyon, hindi ko mahanapan ng kahit anong kaugnayan kay Senator.
Sa dalawang buwan naming pagiging magkasintahan, wala akong nakitang ni katiting na bakas na nagpapatunay ng koneksyon niya kay Senator. Wala. Malinis. Ganoon niya kagaling na naitago sakin ang lihim. Ganoon kalinis ang pagkataong pinakita niya sakin.
Kaya naman hindi masukat-sukat ang pagkakagulantang na nararamdaman ko ngayon. Kahit na kanina ko pa iyon narinig mula kay papa, kahit ilang minuto na ang lumipas, hindi ko pa rin kayang paniwalaan. Tila ayaw pa ring tanggapin ng aking utak.
Nahagip ng aking paningin si Hendrix na nakaupo hindi kalayuan sakin. Pinapanood ako nito. Tinatawanan na ba niya ako sa isipan dahil dalawang buwan din akong pinagmukhang tanga ni Vince? O mas lalo lamang lumaki ang galit niya sakin? Kasi ako 'to eh, ang girlfriend ng kinasusuklaman niyang kapatid.
"Is that why you hate me? Because I am his girlfriend? O kaya ka pumayag sa gusto ni papa na protektahan ako at ilayo kay Vince, dahil gusto mong makaganti sa kanya?"
Nanatili lamang ang maiging pagtitig niya sa akin, iyong tipong hindi niya ako hahayaang makawala sa paningin niya.
"Sumagot ka, Hendrix! Kahit alin naman doon ang isagot mo, hindi ako magagalit. I just want to know."
Doon ay hindi ko na napigilan pa ang pag-alpasan ng luha. Mabilis ko iyong pinunasan dahil ayaw kong makita niya. Ayokong nakikita niya akong mahina at talunan, kapag ganoon kasi pakiramdam ko mas lumalaki lang ang galit niya sakin, mas hindi niya lang ako nagugustuhan.
But in the end my tears were too much for me to even wipe. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagkatapos ay nakita ko na lamang itong dinadala ang silya palapit sa akin. Naupo ito sa mismong harapan ko at kinulong ang aking mga binti ng kaniyang mga tuhod. Napakaliit tingnan ng mga hita ko sa pagitan ng kanya. Balak ko nalang sanang ituon doon ang tingin ngunit siya na rin mismo ang nag-angat ng mukha ko para paharapin sa kaniya.
"Why are you crying?" strikto niyang pagtatanong.
"Because it's so frustrating! He was my boyfriend but I didn't even know that Senator is his father! Nakakainis kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyayari 'to, kung bakit kailangan naming magtago, kung bakit kami nasa sitwasyong ito! It is so frustrating kasi kahit na alam ko na 'yung totoo, wala man lang akong magawa! Hindi ko matutulungan si papa, hindi ko matutulungan ang kahit na sino!"
He remained listening, he remained watching me as if he knew that I wasn't done talking.
"All I've ever known is that, he is Vince. Pinaniwalaan ko agad lahat ng lumabas sa bibig niya, I didn't doubt him even once. I was so sure then that everything that he has told me was the truth. Alam mo ba ang pakiramdam non, ha?! 'Yung dati pa lang pala niloloko ka na at wala ka man lang kahit anong ideya."
Nakatitig lang pa rin ito. Hindi na naman ba siya magsasalita? Aarte na naman ba siyang parang hangin lamang ang aking mga salita?
Mas lalo kong pinatalim ang tingin sa kanya. Nagtangka akong tatayo para umalis na lang sana pero inipit ng mga tuhod niya ang aking mga hita.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romantik1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...