CCTV
"Huling araw na rito ng iba. Ang iba naman sa kanila hiniling kay bossing na mananatili muna kahit hanggang sa makaalis na lang tayo," wika ni Karl.
Dama ko ang kaunting lungkot sa kaniyang pagsasalita. Ilang taon rin silang nagkasama. Kahit na ang trabaho lamang ang nagdala sa kanila rito para magkakilala, sa loob ng ilang taon ding iyon ay nakabuo sila ng mga alaala at pagsasamang higit pa sa basta katrabaho lang.
"Paano sila? Ano nang mangyayari sa kanila?" tanong ko.
"Inayos na ni bossing. Hinanapan at binigyan niya sila ng mga disenteng trabaho, trabaho na malayo sa ganito, sa dati nilang ginagawa."
"E kayo? Ayos lang ba talaga sa inyo ang desisyon niya? Ang pagpunta natin sa Switzerland?"
Napatigil sa pag-inom mula sa kanilang mga bote ng inumin sina Luke, Jason at Tom. Sina Karl at Jo-ed nama'y napatitig sakin habang si Rey ay pinili na lamang na ituon ang tingin sa papalubog na araw. Nasa likod kami ng bahay, habang ang iba ay hinahanda ang mga mesa at mga pagkain doon sa harapan ng bahay para sa gaganaping maliit lang na party mamaya, nandito kami at pinapanood ang araw na unti-unti nang nagtatago sa likod ng mga bundok. The sky is turning gray, napakagandang tingnan ng kulay ng kahel at rosas na kumakalat sa alapaap, lumalamig na rin ang hangin, at ang mga kabahayan at kalsadang nasa ilalim ay unti-unti nang naiilawan.
"There's nothing that Hendrix wants that I don't want, Athena," pagpapatiuna ni Rey sa pagsagot. "Kahit na sabihin pa ng iba na hindi hawak ni Hendrix ang buhay namin para siya ang magdesisyon para sa amin, susundan ko pa rin siya. I'll go to the ends of the world or even find the hell with him. Hindi siya basta si Hendrix lang, si bossing, ang taong pinagtatrabahuhan namin. Siya si Hendrix na nagligtas samin noong akala namin ay wala na kaming araw na sasalubungin, siya yung Hendrix na kahit na trabaho naming protektahan siya ay siya pa rin ang pumuprotekta samin, siya si Hendrix na kaibigan at kapatid namin. Siya yung Hendrix na 'yon, Athena."
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi ni Rey. The genuity in his voice and words warmed our night.
"Ikaw, ayos lang ba sa'yo? Okay ka na ba?" tanong ni Luke. Nakangiti akong tumango.
"Nakapag-usap na kami. Naiintindihan ko, nalinawan na ako. I was just scared of letting the case go, kasi pinaghirapan niyo 'yon, napakarami at napakahirap ng pinagdaanan niyo para doon, at gusto ko ring makamit niyo ang hustisiya sa mga ginawa ni Senator sa inyo noon, hustisiya para kay Hendrix at Gavin, at hustisiya para sa mommy nila."
"We all want that, especially Hendrix," sabi ni Tom. "But if we are to choose between justice and survival, survival will always come first. Now. Kasi nandito ka na. Dati, wala naman talaga samin kung mabalian, maputulan ng binti, o malagay man sa bingit ng kamatayan ang buhay namin. We didn't mind if that would mean success for our plan. Pero ngayon nandito ka na, Athena, may naghihintay na sa aming umuwi, may nag-aalala at natatakot sa kung anong mangyari samin, may malulungkot, may masasaktan at may iiyak. Making a woman cry is not part of our job."
Tinuon ko ang tingin sa lupa upang takpan ang namumuong likido sa paligid ng aking mga mata. Mabuti na lang at tuluyan nang nakalubog ang araw, hindi nila ito makikita.
"It has only been a month but that already felt like forever to me," dagdag pa ni Jason.
Isa ito sa mga pagkakataon na kahit na alam kong may mga banta sa aming buhay ay nararamdaman ko pa ring ligtas ako, na kahit papaano ay malaya ako. Mas mahaba ang panahong nagkahiwalay kami nina Hendrix at Gavin kaysa sa panahong nagkasama kami, napakaikli rin kung susukatin ang mga araw na nakasama ko ang anim na mga ito. At doon ko napatunayan na hindi naman talaga sa tagal ng panahong nagkasama mababase ang halaga ng isang tao sa atin. Hindi kailangang abutin ng ilang taon o dekada para makabuo ang isang tao ng katayuan o lugar sa ating buhay ngunit hindi rin naman iyon nangangahulugang kahit na kakakilala pa lang naman natin sa isang tao ay magkakaroon na siya agad ng parte sa ating buhay.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...