Kabanata 13

1.9K 49 4
                                    

Fury

May minuto na rin siguro ang dumaan at hindi pa rin ako nakakasagot. Nanatiling magkatitig lamang sa isa't isa, napapahigpit ang hawak niya sa aking bewang, hindi ko alam kung ako lang ba pero parang umiinit din ang palad niyang nasa aking leegan.

"Kahit isang araw nalang, kung masyadong mahaba ang dalawa para sa'yo."

Nagsusumamo ang kanyang mga mata. Mas lalo naman akong naguluhan kung anong isasagot. Bakit kailangang may limitasyon? Bakit kailangan dalawang araw lang o isa? Bakit kailangan ko siyang kamuhian pagkatapos ng dalawang araw na iyon? Bakit kailangan pa naming bumalik sa kung papaano kami dati kung ayos naman na itong ngayon?

Gustuhin ko mang itanong ay batid kong hindi niya rin sasagutin ang mga iyon. Umiwas ako ng tingin at bahagyang nakanguso pa nang sumagot.

"A-Ayos lang naman kung...dalawang araw."

Buong lakas kong pinigilan ang sariling huwag siyang tingnan. Kinakabahan ako at baka nakangiti siya, kinakabahan ako at baka hindi rin. One thing that I have noticed from the beginning is that, he keeps on pressing his fingers on my waist. Na pawa bang pinipigilan niya ang mga itong umalis doon, na tila pinipigilan niya ang mga itong gumawa ng bagay na hindi ko alam kung ano.

And just like the previous days, just like how he always surprises me with his actions, today just like the other days, he surprised me again. Dahil hindi nakatingin ay hindi ko nakita ang papalapit niyang labi. Ngunit para bang sinadya, na sa gilid ng aking labi lamang ito pumunta.

Hendrix has made me speechless and unmoved for a lot of times now. Sa kaniyang salita at mga galaw. Ngunit wala sa mga pagkakataong iyon ang makakapantay ng nararamdaman ko ngayon. Siguro pati paghinga ay napigilan ko na, o tumitibok pa nga ba ang puso ko ngayon? Despite the rough structure of his face, of his 5 o'clock shadow, his lips are very soft.

Hindi ko nabilang kung ilang segundo na ang lumipas, nakalimutan ko na nga sigurong tumatakbo pala ang oras. My world has been put into sleep when his lips touched me. Ang tanging nakapagpapukaw lamang ng ulirat ko ay nang magbukas ang pinto ng bahay.

Mabilis akong napatingin doon. Kahit na nakapasok na ang lalaking nagbukas nito, dama ko pa rin ang labi ni Hendrix sa gilid ng aking labi. Tila wala itong balak bumitaw, walang balak na lumayo, walang balak na umalis at minamarkahan na ang kaniyang lugar.

But why do I feel like I have done a crime? Bakit parang bigla na lang gusto kong itulak si Hendrix at huwag ipakita sa bisita ang nangyari?

"Gavin," I said, pushing Hendrix away.

Mabilis ding gumapang ang pagkakagulat ko sa sarili kong ginawa. Tiningnan ko si Hendrix at wala sa aming dalawa ang tingin niya. Walang pagkakagulat, walang pagkakairita o galit dahil sa pagtulak ko. Ang tanging natanaw ko lamang ay kabiguan sa mga mata niya, ang emosyong hindi ko magawang kilalanin. But what I knew is that he looks, undoubtedly, sad.

Pagbalik ng tingin kay Gavin ay nakaiwas na rin ito. Pinakita niya ang dalang paper bag.

"I brought some clothes for you."

Doon ko lamang naalala ulit ang aking kasuotan tsaka mabilis nang tumalikod upang itago ang bumabakat na dibdib.

"I'll just leave this here. Aalis na ako," sabi niya.

Hindi ko kinalimutan ang sinabi niya kahapon, ang dapat sana ay nangyari ngayon, ang dapat sana na kasama ko. Nilingon ko lamang siya ng aking ulo at nakitang naglalakad na ito pabalik sa pinto. Gusto ko itong habulin at kausapin.

Ngunit nandito si Hendrix at ang pinakaayaw niya ay ang lumalapit ako kay Gavin.

"Go ahead. If you want to talk to him, do it while I'm here."

ABDUCTED (De Varga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon