Abduct
Ang mga nagnanasang mata niya kagabi ay hindi pa rin maalis sa aking isipan. Ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat ay tila dama ko pa rin hanggang ngayon. His voice, his moans, the texture of his hand, the heat of his body, the wicked grin on his lips. They were all making me crazy.
Malakas kong inapakan ang preno ng minamanehong sasakyan at dahil hindi suot ang seatbelt ay halos mabunggo ako sa manibela. I was catching my breath, suddenly it felt hot, it felt suffocating and I can't breathe.
Napaangat ako ng tingin nang mahagip sa side mirror ang paparating na sasakyan mula sa aking likuran. Isa na namang pagtulo ng luha, panibagong pagtagaktak ng malamig na pawis. Nanginginig ang mga binti kong pinakawalan ang preno, nanginginig ang mga kamay at daliri ko habang pinapaikot ang manibela.
May isang oras nang paghahabulan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring takas. I can't seem to get away, he can't seem to get lost.
My own house isn't my home anymore. Sa tuwing tinititigan ko ang malaking salaming pinto ng veranda sa aking kwarto ay ang imahe ni Vince na nakatayo sa labas lamang ang tumatatak sa isipan ko. I thought that escaping from that place which I once called my home would end everything but there is always someone who seems to be watching my every move. I cannot get away, I can never walk on my own again.
Vince is always watching.
Sa muli kong pagtingin sa side mirror ay dalawang kotse na ang sumusunod sa aking likuran, ang isa ay hindi ko kilala. Tila nakikipagkarera rin ito sa sasakyan ni Vince, sinusubukan siyang lamangan. Binalot ako ng pagkagulumihan nang makitang harangan nito ang kotse ni Vince. I only watched them from the rear mirror. Wala akong ideya sa nangyayari subalit hindi ko na inaksaya ang pagkakataong iyon upang makalayo.
Sa pagliko ko ng sasakyan isa pang humaharurot na sasakyan ang aking nakasalubong, papunta sa aking pinanggalingan. Sila pa lamang ang sasakyang nakita ko magmula nang makalabas sa syudad. Wala na akong ideya kung nasaan na ako, all that mattered to me was to get away.
Isa na namang sasakyan ang aking nakasalubong. Akala ko ay didiretso lamang ito subalit ng malampasan ako ay agad din nitong niliko ang sasakyan upang sumunod sa aking likuran. My heart raced with me. Habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha at panginginig ng mga daliri, my desire to escape grew bigger.
Ngunit ang inaasahang tagumpay ay hindi ko nakamit. Tatlong panibagong mga sasakyan na naman ang naghihintay sa gitna ng kalsada. All lights were pointed at me as if they were all waiting for my arrival. Dalawang mga malalaking lalaki ang nakatayo sa harapan ng dalawang sasakyan sa magkabilang gilid samantalang isang pamilyar na pigura naman ang nakatayo sa harap ng sasakyang kapantay ko.
Lumingon ako at nakitang naroroon pa rin ang sumusunod. I didn't have a choice but to stop the car. I was scared of what might happen if I continue but half of me just wants to know why this man looks so familiar.
Nagsimula itong maglakad palapit sa aking sasakyan. Hindi masyadong malinaw ang mukha nito ngunit napakalinaw ng katawan niyang nakakapanghinang tignan, with just plain white shirt, maong pants and shoes that seemed to be a low cut leather boots.
Nang marating nito ang bintana sa gilid ko, hindi ako makagalaw o kahit ang balingan man lang siya ng tingin. He knocked on my window. At mula sa gilid ng mata ay nahagip ko ang umiigting na mga ugat sa kanyang kamay. Hindi ko siya makita, sa tangkad niya ay ang bakat niyang dibdib lamang ang tanaw sa bintana.
He knocked again.
I unlocked my door pero wala pa rin akong lakas upang buksan ito. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko, basa pa rin ang mukha ng luha, maingay pa rin ang dibdib. Sa unti-unting pagbubukas niya ng pinto ay ang pagpikit na lamang ang nagawa ko. I can't escape anyway, so what's the point of even confining myself here inside?
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...