Shoes
Hendrix prepared a warm bath for me. Nanlalamig na pala kasi ako nang hindi ko man lang namamalayan at puno rin ako ng dugo na nagmula kay Tom. Inipit ko ang ibabaw na parte ng twalya sa aking bandang dibdib pagkatapos magbabad sa mainit na tubig. Nakita ko sa salamin kung gaanong namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak mula pa kagabi, kaninang umaga at hanggang nakarating kami rito.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Hendrix na may dalang damit. Mabilis lang itong napasulyap sakin at pagkatapos ay iniwas na ang tingin.
"Wear this for the mean time. I'll get you your clothes first thing in the morning tomorrow."
Kinuha ko ang inabot niyang hoodie. Kahit tingin pa lang ay halatang magiging bestida na naman ito sakin. Lumabas din siya agad pagkatapos niyon. Ang pagsasara ng pinto ay nagbuhat ng bigat sa aking dibdib. Lumilipad ang isip ko habang nagbibihis. Kung saan-saan na napupunta, kahit ako ay hindi na alam kung anong dapat isipin, kung anong unang iisipin.
Ayos lang ba kami? Ayos lang nga ba kami?
Nang makalabas ako ng banyo ay nakita ko si Hendrix na hinahanda ang mga pagkain sa isang maliit at mababang mesa. Kahit iyon ay nagpabigat din sa loob ng dibdib ko. Ang una kong naalala ay yung mga pagkakataong sabay kaming kumain sa kanila. Mapupuno ng tawanan ang hapag, babahain ko sila ng panti-trip at makikipagkwentuhan na parang walang problemang kinakaharap.
"You haven't eaten anything since this morning. Come here." Hendrix's voice was gentle. Agad akong sumunod sa sinabi niya.
"Kamusta si Tom, Hendrix?"
"It's nothing critical. He is now sleeping in his room."
Umupo ako sa sahig, sa kabilang panig ng mesa kaharap niya. Tahimik ko itong pinagmamasdan habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking plato. Siguro umaasa lang akong titingin din siya, o siguro gusto ko lang makita ulit ang ngiti niya.
"Bakit bigla ka na lang umalis?" Sandali itong napahinto sa ginagawa.
Naalala ko ang sinabi ni Gavin na sinabihan siya ni Hendrix na huwag ipaalam sakin ang tungkol sa hearing. Kaya kinagat ko ang dila nang kamuntik na akong madulas na sabihin iyon.
"I went to Clementine."
"Bakit hindi ka nagpaalam? Bakit hindi mo ako ginising? Bakit bigla-bigla ka na lang umalis?" Dinig na ang panunumbat sa boses ko. Kahit naman nang alam ko ang dahilan, gusto ko pa ring marinig ito muli, kasi baka ngayon iba na ang dahilan niya, baka hindi na kagaya ng kagabi, baka hindi na dahil sa gusto niyang kamuhian ko siya at hindi na dahil gusto niyang layuan ako.
"Athena, just eat your food. Walang laman ang tyan mo magmula pa kaninang-"
"Ayoko!" Hindi pa rin ako nito tiningnan kahit na sa pagsigaw ko.
Tumayo ako para sana tumungo sa pintong nasa bandang likuran niya. But when I passed by his side, he was quick to grab me in the hand. Hinila ako nito pababa, paupo sa kaniyang hita. Ayoko. Ayokong makinig sa sasabihin niya kasi baka uulitin niya lang nga talaga ang sinabi kagabi. Pero parang ayaw ding lumayo ng katawan ko, gusto nitong hinahawakan ni Hendrix, gusto nitong nararamdaman ang presensiya ni Hendrix.
"Athena." Bago niya pa man madugtungan ang sinasabi, tinakpan ko na ang magkabilang tenga at pinikit ang mga mata.
"Athena, please look at me." Umiling ako.
Hinawakan niya ang mga kamay ko sa magkabilang tenga at dahan-dahan ay naramdaman ko ang mainit niyang labing pinapatakan ako ng mabababaw na mga halik sa noo, pababa sa aking ilong hanggang sa mapunta sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...