Date
"Matulog ka na. Ako na ang bahala sa kanila." Mabilis akong napalingon nang marinig ang nagsalita.
Nakita ko si Gavin na naglalakad na palapit sa akin. Habang nakangiti ay hindi niya inalis ang tingin sakin. Luminga ako sa likuran niya para magbakasakaling makita rin si Hendrix ngunit tanging siya lamang ang dumating. He is still in his corporate attire with the first three buttons of his long sleeves already open. Nakapamulsa ito habang sinusuklay gamit ng mga daliri ang ngayo'y magulo niya nang buhok.
"Galing kang trabaho, Gavin?" Ginantihan ko siya ng ngiti.
Tumango ito.
"Hindi kayo magkasama ni Hendrix?" tanong ko ulit nang maabot na niya ako.
"Hmm... no. Hindi pa ba siya nakakauwi?"
"Sabi niya gagabihin daw siya." Patango-tango ito habang tinitingnan na ang mga kaibigan. Pati siya ay napatawa rin dahil sa kanila.
"Did you have a hard time with them?" He chuckled. "Pasensya ka na, ah? Ganito talaga sila malasing."
Nakangiti akong umiling. "Ayos lang. Nakakatawa nga, eh. Ang saya kaya nila kasama." Binalingan niya ako at pinagmasdan ang mahina kong pagtawa.
Gavin looks tired right now. Hindi ko alam ang kadalasang oras ng pag-uwi nito dahil kapag gabi na, palaging nasa kwarto na lamang ako. Mag-aalas diyes na rin ngayon at sa pagkakaalam ko ay nasa Iloilo pa ang trabaho nito kaya siguradong napakalayo ng binyahe niya dahil nasa probinsiya pa ang lugar na ito.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Yeah. I had dinner in the office."
"Ganitong oras ba ang kadalasang uwi mo?" He somewhat looked amused because of what I asked.
"Hindi naman. Marami lang talagang trabaho ngayon."
"Ano ba ang trabaho mo?" Lumapad ang ngiti niya sa pagtatanong ko.
"I originally work for Calix." Nambilog ang mga mata ko dahil sa gulat at piningot naman nito ang ilong ko dahil sa aking reaksyon.
"It's not like what you think. May bagong tayo siyang hotel sa Iloilo and he appointed me to manage it. Saka... ako rin muna sa ngayon ang nag-aasikaso sa ospital para hindi na alis nang alis si Hendrix."
Napayuko ako at napakagat sa labi. Ang pagpapalakad pa lang ng hotel ay napakalaking responsibilidad na, tapos ngayon nadagdagan pa ng hospital. At alam kong may parte ring dapat na isisi sakin kung bakit kailangang gawin iyon ni Gavin.
"I'm sorry," mahinang sabi ko.
"Please don't be. Ako ang nagprisintang gawin ito. Hindi mo iyon kasalanan, Athena. I just want him to stay here with you, to keep you safe and of course, to keep him safe too." Pinatong niya ang palad sa tuktok ng aking ulo dahilan para mapaangat na ako ng tingin.
"The big one should always look after the little ones. Alright?"
Sa kaniyang pagngiti, tila bigla na lamang nawala ang kaninang pagod na humuhulma sa mukha niya. Parang bigla nalang umaliwalas ang mukha niya. Kaya napangiti na lang din ako. Mas lumapit pa sa kaniya para mayakap siya.
"Salamat, Gavin."
Kahit na buong araw niya nang suot itong damit niya, napakabango pa rin. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng kaniyang pabango. Its soft fabric warmed my now cold cheeks. Kinuskos ko ang mga pisngi sa tela ng damit habang napapapikit. Natatawa naman niya akong niyakap pabalik at hinaplos ang aking buhok.
"Is something bothering you?"
Sa kaniyang itinanong lamang ako napamulat. Muling napabalik ng tingin sa mga kaibigang ngayon ay nakatulog na. The night became so peaceful again. Nawala na iyong maliliit na ingay na kaninang naririnig mula sa bayan sa ibaba. Mas lumalamig at lumalakas na rin ang ihip ng hangin. The day is about to end again, and all I can do this time is to only wait for the next morning to come.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Storie d'amore1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...