Happy
"Hindi. Sa tingin ko gayuma. Ginayuma si bossing ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok na nakaupo sa likuran."
Matalim kong tiningnan ang nagsalitang si Karl at maloko niya naman akong nginisihan. Nakabawi na ito mula sa mga nangyari. Lahat sila katunayan ay nakabawi na pero ang hindi nila alam ay may hinanda na naman akong panibagong sorpresa. Gusto kong tumawa na parang kagaya ng isang mangkukulam dahil sa naiisip.
Nasa isang mini theater kami ngayon dito sa bahay. Nakakahanga dahil may ganito sila rito, hindi na talaga nila kakailanganin pang lumabas dahil literal na nandito na lahat ng pwede nilang pagkalibangan.
Pagkatapos maglinis ni Hendrix kanina ay bumalik na rin kami ng bahay. Nagpaalam itong maliligo at ako nama'y nagpaalam ding mag-iikot sa kabuuan ng bahay. At habang naglilibot ay sunod nang sunod naman silang pito sa aking likuran dahil iyon ang binilin ni Hendrix. Hanggang sa narating ko ang kwartong ito at nag-ayang manood ng movie. Ang hindi lang nila alam ay tinext ko si Hendrix na pumunta rin dito.
"Saan naman ako kukuha ng gayuma, aber?"
"May narinig ako rati sa lugar naming sabi-sabi, yung binababad ang panty sa inumin ng lalaki." Pinagbabato nila ng popcorn si Karl dahil sa sinabi niya.
Ako naman ay malapit nang maubusan ng hangin sa katatawa at ang paghahampas sa braso na lamang ni Gavin na siyang katabi ko ang aking nagawa.
"Ang baboy mo Karl! Baka ikaw kamo ang nagbababad ng brief mo sa inumin ng mga babae! Ulol!" Binatukan siya ni Jo-ed gamit ang bowl ng popcorn.
"Kung ako sa inyo, magpapakabait na ako," biglang singit ni Rey sa tabi ko. "Guys, ano ba? Demonyo itong pinag-uusapan natin, gusto niyo bang mangyari ulit yung kanina?" dugtong niya na tila pinapalakas pa ang loob ng mga kaibigan.
Kinurot ko ang isang pisngi nito. "Sinong demonyo?"
"AKO!" mabilis niyang sagot na siyang mayabang kong nginisihan.
Lahat kami ay tinuon na ang tingin sa malaking screen sa harap dahil magsisimula na ang movie. Madilim sa kwartong ito at tanging ang malaking TV at mga led strip lights sa bawat sulok ng kwarto lamang ang umiilaw. May tatlong hanay ang mga upuan rito na kagaya ng nasa sinehan sa mga mall. Nasa pinakalikod akong hanay katabi si Gavin at Rey. Sa harap naman namin nakaupo sina Luke, Karl, Jo-ed, Jason at Tom.
Kanina pa nagbabatuhan ng mga popcorn at chips ang mga ito kaya nagkalat na ang mga iyon sa sahig at mga upuan. Kahit na nagsisimula na ang palabas ay ang iingay pa rin nila kaya kaming nasa likuran ay tawa nang tawa na lamang sa kanila.
Bumukas bigla ang pinto at halos sabay-sabay pa kaming napatingin doon. At tila may dumaang anghel sa biglang katahimikang nangibabaw dahil dumating na ang star ng movie marathon naming ito. Nagpakita na ang kanina ko pang pinipigilang ngisi.
Agad na akong hinanap ng tingin ni Hendrix at nang makita, sinulyapan niya ang katabi ko, si Gavin. Hindi naman matalim ang tingin o galit ang eksresyon ng mukha niya kaya nagulat ako nang bigla na lamang tumayo si Gavin. Mabilis ko itong sinundan ng tingin at nakita kong nakangiti naman ito. Habang naglalakad sa harap ko, paalis ng upuan, pinatong nito ang kamay sa aking ulo na tila sinasabing wala namang problema. Lumipat siya sa ikalawang hanay kasama ang iba.
The moment Hendrix started walking, everyone became noisy again. Mabilis na naalis sa isipan ko ang nangyari dahil sa muling pagkabuhay ng tawa. Nagsitayuan kasi sila sa kani-kanilang upuan at pinagpupulot ang mga nagkalat na popcorn sa sahig. Kaya ang ginawa ko, pinagbababato ko pa sila ng popcorn na siyang mabilis naman nilang hinabol.
Lumingon ako sa gilid ko at mas lalong natawa nang makitang gumagapang sa sahig si Rey at nagbabalak nang tumakas. Pagkatapos niyon ay tuwid na silang naupo sa kani-kanilang pwesto, halos hindi na gumalaw, ibang-iba sa walang katapusang ingay nila kanina, at kahit na konting pagtagilid lang ng ulo ay hindi nila magawa.
BINABASA MO ANG
ABDUCTED (De Varga Series #1)
Romance1st Installment of the De Varga Series (First Generation) HENDRIX ANDERSON DE VARGA Kailanman ay hindi masusukat o matutumbasan ang galit ni Hendrix sa sarili nitong ama. Senator Alejandro De Varga took everything from him, ruined his life and threw...