Chapter 41

16K 484 78
                                    

I was busy working when my phone suddenly rang. Hindi ko agad maalis ang mata ko sa screen ng laptop kaya wala sa sarili kong dinampot ang cellphone. It rang for a good few seconds before I gave my full attention to it.

Bahagya akong nagulat nang makita ang pangalan ni Sydney sa screen. I swiped the screen to answer the call right away.

"Hey." Bati ko rito.

"Hi, baby." I unconsciously bit my cheek when I heard the last word.

Itinigil ko pansamantala ang ginagawa ko at sumandal sa swivel chair.

"Why did you call?" I asked.

"Wala. I missed you." She said casually.

I rolled my eyes. "Ang OA mo Sydney, kausap lang kita kahapon."

"Kahapon yun. Iba naman ngayon." She sighed. "Punta ako d'yan." Saad nito sa seryosong tinig.

"Baliw ka ba? May trabaho ka!" Sabi ko rito.

Napaka talaga nito! Porket ba siya ang may-ari ng BFI ay ganito na siya aasta? Hindi naman maganda 'yon!

"Lunch naman, e!" She reasoned out.

I checked the clock out of curiosity. Natawa ako nang makitang past one pm na. Lunch pa ba yun? She's just trying to be reasonable.

It has been three weeks since we have gotten back together. Bumilis na naman ang takbo ng oras ko. Katulad noon. Parang ang bilis maubos lagi ng araw.

Gayunpaman, me and Sydney had decided to keep our relationship lowkey. Only Sabbie knows that we had gotten back together. Naabutan kasi niya si Sydney one time na natutulog sa kwarto ko. She asked if nagkabalikan na ba kami, and I didn't deny it either.

Niyakap pa nito si Sydney pagkagising and congratulated her. Parang tanga lang talaga. Parang mas magkapatid pa sila kaysa sa akin e. Mas maraming bagay ang pinagkakaintindihan nila!

Our friends are not asking about us. I'm not sure tuloy kung alam na ba nila o kung nasanay lang talaga sila na palagi akong kinukulit ni Sydney. Nevertheless, I prefer it this way. But if someone dares to ask, hindi ko rin naman itatanggi. There's nothing to lie about. Should they think that I'm stupid for getting back with the person who hurt me the most, it's fine. I could only care less. At isa pa, hindi rin naman siguro nila iyon iisipin.

"Whatever, Sydney. Basta 'pag natanggal ka sa trabaho, labas ako diyan." Pabirong sabi ko rito.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Marahil ay naisip din niya na imposible namang mangyari iyon.

"You'll hire me naman, right?" Pagsakay rin nito sa biro ko.

"I won't. You have a record of skipping work hours just to see your girlfriend. That's very incompetent." I honestly told her.

She laughed whole-heartedly. I suddenly became worried if she's driving while talking to me. She would be very distracted if that's the case.

"Asan ka? Are you driving?" I asked her.

Wala naman din kasi akong marinig na mga sasakyan sa background. Baka paalis pa lang ito sa opisina?

"Hays. Excited ka naman masyado makita ako. Oo na, I miss you too." Umiling lamang ako sa kawalan.

Bwisit talaga 'to kahit kailan. Walang ibang alam gawin kundi ang bumanat ng wala sa oras.

"Asan ka nga kasi?" Tanong ko ulit rito.

She didn't answer me and she only chuckled. "I'm here..."

"Here? Saan?" I asked her again and the door suddenly opened.

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon