Chapter 3

20.2K 734 370
                                    

Ilang linggo na din nang magsimula ang klase. Madalas ko na ding nakikita si Sydney dito sa school, dahil sa mga common friends namin. We became closer habang tumatagal. Sydney is very friendly and approachable. Kahit na maraming nagsasabing sobrang ganda niya at ang tali-talino niya, nananatili pa rin siyang humble at madaling pakisamahan. Nakakatuwa ngang isipin na in just a span of three weeks ay may sarili na siyang group of friends sa mga kablock niya.

She even calls me 'ate'. Noong una tinawanan ko siya at sinabing wag na niya akong tawaging ate but she insisted kaya hinayaan ko na.

"Ate!"

She called me. I knew it was her. Boses pa lang e. Saka mabilis siyang naglakad patungo sa akin.

"Oh Syd, wala kang klase?"

"Wala e. Hindi pumasok yung prof namin. Ikaw?"

"Wala din. Pupunta akong library. Ibabalik ko sana tong mga librong hiniram ko." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng mga librong bitbit ko.

"Tulungan na kita." Aniya sabay kuha ng ilan sa mga hawak kong libro.

I smiled. "Thank you."

Nagsimula kaming maglakad patungo sa library.

"Do you always spend your time like this? Going to the library? Reading books? Studying?" Biglaang tanong niya habang naglalakad kami.

"Hmm. Oo. For me, life should be balanced. I go to bars. Hang out with friends. Pero before all that, I make sure that I'm done with all my schoolworks." Paliwanag ko.

"Is that the reason why you don't have time for intimate relationships?"

"Partially, yes. Noon nagkaroon din ako ng boyfriend. But it just doesn't work for me eh."

"Really nagkaboyfriend ka?"

"Oo naman. Masyado mo ata akong minamaliit ah?" pinaningkitan ko siya ng mata.

She laughed.

"Hindi naman sa ganon. I just couldn't imagine you being in a relationship. You're kinda serious kasi."

I chuckled at her response.

She stopped walking out of a sudden at diretso ang tingin sa harap. I traced her line of vision to see what made her stop walking. And there I saw a girl with a boy, holding hands with each other while walking.

"Who's that?"

"My... Ex."

Napatingin ako sa kanya na diretso ang tingin sa ex niya. Hinila ko ang palapulsuhan niya at mabilis siyang dinala sa kung saan malayo kami sa kanila.

Imbes na sa library dumiretso ay napunta kami sa lovers lane dahil sa kagustuhang makaiwas sa kanila.

Hinarap ko siya. I saw how she looked down while her shoulders are trembling. Nanginginig ang mga balikat niya dahil sa hindi mapigilang pag-agos ng luha.

Again, something touched my heart when she cried in front of me for the third time.

I hugged her to comfort her. To lessen the pain. But it made her cry more. My shoulders were soaked in her tears, but that's fine. I don't care. Ang mahalaga, tumigil siya sa pag-iyak niya.

Nang makabawi ay nagsalita siya kahit na nanginginig pa din ang boses.

"I... Need to... Talk to her..." She said in the middle of her sobs.

I nodded at her.

Kung ito ang makakapagpagaan sa loob niya. Then she should talk with her.

That's what happened the following day. Sydney set an appointment with Erika, a.k.a her ex girlfriend. Nagpresenta ako na samahan siya. Ngunit hindi siya pumayag. Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari, but she just didn't know that I still went there. Doon lang sa hindi niya makikita.

They started talking peacefully. But when Syd tried to reach for Erika's hand, Erika pulled it immediately which made Syd start to cry.

It ended up with Erika leaving Sydney alone and with Sydney crying.

Hindi ko pinuntahan si Sydney... I just called Iñigo to pick his cousin up. I don't want to always be there for her... Ayokong masanay siya na nandiyan ako para sa kanya. Kahit gusto kong lumapit sa kanya. Kailangan kong magpakatatag at hintaying dumating si Iñigo para sunduin siya.

When Iñigo has arrived. Maagap niyang dinaluhan ang pinsan niya. Nagpalinga-linga si Iñigo sa paligid niya na tila ba may hinahanap. And when he found me, he mouthed me thank you.

I just nodded at him and then they started walking out of the place.

That moment made me realize that Sydney has created her own space in my heart. She's like a sister to me. At ayokong nakikitang umiiyak o nasasaktan siya.

I've not seen Sydney for days since that day. Iniisip ko kung nawalan na ba siya ng gana sa pag-aaral niya dahil doon, o baka naman nagpapalamig lang.

As time passes by, mas lalo kong nakikilala si Sydney. She was in a long distance relationship with Erika. They were both from Cebu but the girl chose to study here in Manila. She transferred here all the way from cebu in hopes of having Erika back. But unfortunately, she didn't. Iñigo and Sydney are close cousins. They came from a very popular family in cebu. They are a family of politicians and businessmen. Dahilan din kung bakit sila makapangyarihan. But only Sydney's parents chose not to engage in any political hierarchy. Sa halip ay pinili nilang magfocus sa business nila.

Papunta sana ako sa susunod kong klase nang makasalubong ko si Carrie. The girl I met in the party. She was with her own set of friends na iniwan niya nang makita ako.

Kinabahan ako bigla. As much as possible, ayoko sanang makita siya o makausap. Ayokong magpanggap na manhid dahil ramdam ko kung gaano siya kaattracted sa akin. It's just that I don't want to make false hopes sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa kanya. I can give her friendship. But, that's all I can offer.

I pretended to have not seen her at binilisan ang lakad paliko sa kabilang direksyon but she still made it towards me.

"Looks like someone's trying to avoid me, eh?" Sarcastic na sabi nito sa akin.

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa pagkakahabol niya sa akin.

"Uy, Carrie!" Sabi ko na parang hindi ko siya ineexpect na makita.

Well, 'di naman talaga.

"Sabi mo you'll text me instead, kaya di mo ibinigay ang number mo?" May bahid ng pagtatampo ang tono ng boses niya.

"Uh... Yes... Nakalimutan ko, sorry." sabay hawak sa batok ko.

"Hmm? Really? Or... Someone's been catching your attention lately?" mas seryoso naman ang tinig niya ngayon.

"Huh? Wala naman..." I denied habang nag-iisip kung sino ang tinutukoy niya.

Sino kaya yung taong pinagtutuunan ko ng pansin na sinasabi ni Carrie?

Agad akong napaisip ng mga taong maaari niyang tinutukoy...

Well Klay is on my class. He's been flirting with me since then. Kaso ayoko ng mga lalakeng varsity. Marami kasing kahati sa mga lalakeng ganon. Oras, attention, and...uh... Girls??

Gio... Halos kasama ko siya buong linggo kasi may assignment kaming magka-pair kami. But Gio, likes Ian. And yeah.. he's gay.

Alinman sa dalawa. Wala na akong ibang maisip pa.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" I asked dahil wala akong idea.

She sighed so deeply before she spoke.

"Sydney Tiana Buenavidez." Mahina pero inis ang pagkakabigkas niya sa pangalan ni Syd.

And seconds right after she said her name, nakita ko agad ang babaeng tinutukoy niya. Hindi kalayuan sa amin. Pero sa malayo ang tingin. At nang sundan ko ang line of vision niya... Doon ko nakita si Erika kasama ang bago nitong karelasyon.

Until when would like to hurt yourself, Syd?

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon