Chapter 24

14.7K 627 673
                                    

"Engineer, nasira yung hagdan!!" nagpapanic kong sigaw.

Nagising si Rico at napalingon sa side ng ginagawang hagdan. I laughed at him when I caught his reaction on camera. Bawi-bawian lang yan. Simula kasi nang matuto itong magstory, pinagtitripan niya na lahat ng tao sa opisina. At ako ang madalas mabiktima.

"Bwisit ka!" kinakabahan sabi nito at napahawak sa dibdib niya.

Namumula pa ang pisngi niya dahil nakapatong ang mukha nito sa kanyang braso nang matulog siya.

I laughed so hard at his reaction. Gulat na gulat siya at mukhang susugurin yung parte ng hagdan na tinutukoy ko. Natawa din tuloy yung mga construction worker sa kanya.

I posted the video on my story to get back at him. 'tulog pa more' I wrote.

My colleagues replied to my story and they were all laughing at his reaction.

I closed the app minutes later dahil niyaya na ako ni Rico na bumalik sa opisina.

This has been my way of coping. It helped me forget about my problems for a while. I was very thankful for their presence. Everyday without Sydney is a struggle. But little by little, I was able to move forward because of them. Two months has passed and we haven't talked since. Iñigo and my other friends still hangs out together pero hindi na kasing dalas noon. At sa paminsan-minsang paglabas namin ay umaasa ako na sana ay dumating si Sydney. Sana sumama siya. I really wamted to talk to her.

I was scrolling on my social media accounts while Rico was driving, when my phone suddenly rang.

I panicked when Sydney's name appeared on the screen. My world stopped for a while and I couldn't move. Natulala ako at hindi halos makapag-isip.

"Sagutin mo." utos ni Rico nang makita ang telepono kong hindi ko sinasagot.

Napalingon ako sa kanya, tulala pa rin at walang reaksyon. Na-misdial lang kaya ito? Ako ba talaga ang tinatawagan nito o nananaginip lang ako?

Rico pouted his lips pointing to my phone at doon pa lang ako kumilos. I swiped my phone to answer the call and placed it on my ear.

"Hello..." wala sa sarili kong sabi.

"Hi... Uh... Can we meet?" naninimbang nitong tanong.

My heart hurt a little dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. Pero nabuhayan ako nang marinig na gusto niyang makita ako.

"Yes. Sure! Saan?" Medyo excited kong tugon despite her coldness.

"Lemuria. Tonight. Dinner." she coldly said.

"O-ok... I...I," miss you.

I cleared my throat, "...I'll see you there."

"Okay. See you." And then the call ended.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. May kutob na ako sa kung anong kalalabasan nito but I'm still holding on to that hope. Sa katiting na pag-asang baka mali ako. Baka pinangungunahan lang ako ng pangamba ko.

Nakatulala ako nang unti-unting bumagsak ang kamay ko sa aking hita after the call.

"Ano raw sabi?" Rico asked.

"Dinner daw.. mamaya." wala sa sarili kong sagot.

Ang gulo ng isip ko. Dapat ba ay hindi ako pumayag? Dapat ba ay nagsorry na ako sa kanya over the call? What did I have to do?

Hanggang makarating sa parking lot ng firm ay hindi ako makapagsalita. Lumulutang ang isip ko.

Kinakabahan. Nag-aalala. Natatakot.

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon