Chapter 18

15.7K 574 341
                                    

That conversation was very chaotic. I also told Tito Barry and Mom about my plan to leave the office. Noong una ay ayaw pumayag ni mommy pero wala rin siyang nagawa sa huli.

Lutang ang utak ko nang lumabas ako ng pintuan ng opisina ni Tito Barry.

"Sam, okay ka lang?" tanong sa akin ni Yuan nang makabalik ako sa lamesa ko.

"Yes..." matamlay kong sabi at ngumiti kay Yuan.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Sobrang gulo ng isip ko hindi ko alam ang gagawin.

Hindi na rin ako kinulit ni Yuan at umalis na siya.

Hanggang sa mag-uwian na kami ay hindi pa rin ako makapag-isip ng tama. Bumalik lamang ako sa ulirat nang itext ako ni Sydney.

Sydney:
I'm here na babe :))

Pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko ng sobrang higpit dahil sa text na iyon.

Kung kanina ay naguguluhan ako. Ngayon, parang malinaw na isa lang ang sagot sa mga tanong sa aking isipan.

I can't afford to lose you, Sydney.

Sabay-sabay kaming bumaba nila Aubrey. Panay ang kausap nila sa akin tungkol sa pag-alis ko sa isang linggo. Aubrey could not stop clinging on to me para inggitin si Yuan. Hinayaan ko na lang siya at agad na hinanap ng mga mata ko ang sasakyan ni Sydney pagkarating sa parking lot.

"Asan na si Sydney, Sam?" tanong ni Aubrey na hanggang ngayon ay nakakapit sa braso ko.

Ngumuso ako to point the location of Sydney's white car. Maya-maya pa ay bumaba si Sydney ng sasakyan at lumapit sa akin. Masama ang tingin nito sa mga kamay ni Aubrey na nakakapit sa akin kaya naman ako na ang kusang lumayo kay Aubrey.

"Hi, Sydney!" Bati ni Aubrey, Yuan at Raymond kay Syd.

She half-smiled at them as she placed her hand on my waist.

"Hi, guys!" she greeted them back.

Mukhang hindi niya na pinansin ang pagkakakapit sa akin ni Aubrey.

"Sana all may jowa..." pang-aasar ni Aubrey sabay irap sa amin ni Sydney.

Natawa na lamang ako habang si Sydney pa ngiti-ngiti lang.

"Una na kami, guys! Ingat kayo!" sabi ko at kinamayan bawat isa bago kami tumalikod ni Sydney.

"Nakita ko yun, ha..." pabirong puna ni Sydney referring to Aubrey's hands over me.

"Hay nako, pati ba naman si Aubrey?" tanong ko at umirap sa kawalan.

Hindi ko naman masabi kay Syd na iniinggit lang ni Aubrey si Yuan dahil siya naman talaga ang may gusto sa akin at baka magalit na naman ito. May pagka-oa pa naman din tong girlfriend ko.

She just jokingly glared at me bago kami sumakay sa sasakyan at umalis.

I was silent the whole trip kaya naman hindi na napigilang magtanong ni Sydney.

"Babe..." she called which made me look from the outside of the window to her.

"Hmm?" ani ko.

"You okay?" she asked as she glanced quickly at me before looking back at the road.

"Mm-hmm..." I affirmed.

Liar! You're not okay!

I wanted to hate myself for not being courageous enough to tell Sydney about my problems. I trust her. But I also love her too much that I don't want to see her bear my problems.

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon