"Ano na? Nasa airport na ba kayo?" Nagpapanic kong tanong kay Cy.
"Oo, sis. Kumalma ka nga! Akala mo naman ikaw yung piloto. Ang oa amputa." Pambabara naman nito sa akin.
Kung nandito lang talaga siya sa harap ko ngayon malamang nasabunutan ko 'to, e. Sino kaya yung naiwan ng flight niya last time nung papunta siyang Bangkok?
Nung may conference kasi sila papuntang Bangkok muntik na siyang maiwan dahil late na siya dumating. Nagkataon pang mahaba ang pila sa immigration kaya muntik na talaga siyang maiwan ng flight. Boarding na nung nakarating siya sa gate. Akala ata kasi nito iji-jeep lang ang Thailand.
"Hoy, Cyreen Isabelle Alcantara,'wag mo ko masabi-sabihang OA ha, baka sakalin kita." Masungit kong sabi sa kanya.
Humalakhak naman ito. "Joke lang! Ito naman, miss na miss ako masyado." Pang-iinis pa nito sa akin lalo.
More than one year ago na mula nung tinuloy ko ang pagpunta sa Espanya. Hindi madaling mag-adjust. Iba ang oras, iba ang mga tao, iba ang lugar. Pero kalaunan, natuto rin ako. Parang tulad noong college ako, mahirap mag-isa pero kinaya ko. Sa umpisa lang naman mahirap. Eventually, makaka-cope up ka rin sa paligid mo.
It's my birthday two days from now and my friends thought it was a nice idea to visit me here in Spain. I missed us being united in the same place but I am just too busy with school lately.
Sabi ko sa kanila sa sembreak na lang sila pumunta dito but they were very persistent on going here just to see me. Sa huli ay pinabayaan ko na rin sila. Pera naman nila 'yon.
Nang makarating sila Cyreen, Via, Luke at Gio ay sinundo ko sila sa airport. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang pang-huli nilang kasama.
What the hell? Anong ginagawa nito dito? Akala ko silang apat lang?
"What the hell are you doing here?!" Galak pero mas gulat kong tanong sa kanya.
Ngumiti lamang ito sa akin. "Di mo ba ako namiss?"
Tumalon ako at agad siyang niyakap sa sobrang tuwa na makita siya ulit.
"Hoy naman! Tangina akala ko naman ako yung unang yayakapin?" Galit na hinila ako ni Cyreen sa kwelyo para hilahin papunta sa gilid niya.
'Di ko alam kung nagseselos ba siya sa akin dahil niyakap ko si Rico o kay Rico siya naiinis.
After a few months when I left, Rico pursued her again. I gave him my blessing since no one is going to look after my bestfriend when I left. Luckily, Cy gave him a chance. I'm very happy that they've finally decided to fix their relationship.
"Grabe ang ganda ganda mo! Anong hangin ba ang meron sa Espanya?" Bulalas ni Via nang yakapin ako nito para batiin.
"Blooming 'yan kasi nadidiligan!" pang-aasar ni Gio sa akin.
"Gago!" Sabi ko naman at hinampas ito.
We then decided to go home first before doing anything else para mailigpit muna nila ang mga gamit nila. Via and Cy stayed in my place while the three boys stayed in a hotel.
Nanonood ng tv ang tatlo habang kami naman nila Via ay busy sa pagluluto sa kusina.
"Wala bang TFC, ganon? Tangina 'di ko naiintindihan yung sinasabi!" Reklamo ni Luke na nagpatawa sa aming lahat.
Paano ba naman kasi, Spanish drama yung tumambad sa kanila sa TV.
"Gusto mo lang na panoorin namin teleserye mo, e." Pambabara sa kanya ni Gio.
"Hoy, excuse you?! Kahit 'di mo panoorin 'yon mataas ratings namin!" Ganti naman ni Luke.
Hinayaan namin ang tatlo na magbardagulan sa sala habang kami ay busy sa pagluluto ng pasta. Bukod sa 'yun lang ang available sa stocks ko, 'yun din ang gusto nilang kainin kaya 'di na rin ako namroblema.
BINABASA MO ANG
Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)
AcakEspaña Series #1 (Dedicated to all my friends who came from the LGBT community. I love all of you so much.) UST Architecture student, Samantha Nicole Lopez did not know what love is capable of until this person came into her life. She is used to bei...