Chapter 16

18.7K 584 388
                                    

Mag-iisang linggo na simula nang pumasok ako sa kumpanya. Hindi ko maitatanggi na waring hindi ko napag-isipan maigi ang aking desisyon na pumasok dito. Triple ang pagod na nadarama ko ngayon lalo pa at graduating na ako. Pakiramdam ko ay bugbog ang aking katawan dahil sa pagsasabay ng aking pag-aaral at pagtatrabaho. Imbes na pagpapahinga ang inaatupag ko sa vacant day ko, kailangan ko pang umalis para pumasok sa trabaho.

Pagkauwi ko ay nagluto muna ako ng dinner for myself dahil pagod na pagod at gutom na rin ako. Habang naghihiwa ay binuksan ko yung stove on low fire para uminit na ang kawali.

I was busy doing kitchen stuff when the doorbell rang. I was kind of irritated by that dahil gutom na ako talaga. It couldn't be Sydney cause Syd tells me first before going here.

I washed my hands and turned the stove off before walking outside.

Halos lahat ng antok ko ay nawala nang makita ang isang lalakeng may edad na nakatayo sa labas ng gate.

"Uncle Eros!" tuwang-tuwang sabi ko habang papalapit kay Uncle.

"Kamusta naman ang pamangkin kong napakaganda?" bati nito sa akin habang ipinagbubukas ko siya ng gate.

Uncle Eros is the owner of this house. Wala siyang asawa't anak kaya rin siguro sobrang close kami sa isa't isa. May edad na si uncle pero bakas sa pangangatawan niya ang pagiging matikas at ang kagandahang lalaki.

Habang lumalaki ako ay parang si uncle na ang tumayong tatay ko. Siya ang pumuno sa pagkukulang ng mga magulang ko. Hindi man siya physically lagi andito kasama ko pero si uncle ay higit pa sa simpleng tiyuhin ko kung mag-alala sa akin.

"Maayos naman po uncle." Masaya kong tugon sabay akap sa tiyuhin.

He is my mother's brother. He is also a very wise businessman. He owns a chain of hotels mostly located in Visayas and a real-estate company. Kaya rin ako naengganyong kumuha ng arkitektura ay dahil sa fascination ko sa mga matataas na building at sa designs nito.

"Anong balita sayo, hija?" tanong nito habang papasok kami sa bahay.

Sa tanong na iyon ni uncle ay marami na agad ang naglaro sa isip ko na mga pangyayari sa akin this past few days. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa sa kusina habang si uncle ay naupo sa may dining area. Ikinuwento ko kay uncle habang nagluluto ang pag ooffer sa akin ni mommy ng work at ang nalalapit kong pag graduate.

"Hindi ka naman ba nahihirapan? Ni hindi man lang ba tinanong niyang mommy mo kung kamusta ang school mo? Kung mahihirapan ka bang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho?"

Sunod-sunod na tanong ni tito na may bahid ng galit sa tinig. Nanatili akong tahimik at pinagpatuloy ang paghahanda ng makakain namin.

"Yan talagang nanay mo, kahit kailan, hindi na nagbago." sabi ni uncle.

"Hayaan niyo na uncle. Pumayag rin naman po ako." Nangungusap kong sabi. Ayaw ko rin na kahit papano ay maging masama ang imahe ni mommy kay uncle. Totoo naman na ako rin ang may kasalanan dahil pumayag ako.

"Hay nako, isa ka pa ha. Baka mamaya naman ay mapabayaan mo na ang sarili mo niyan kakaaral, kakatrabaho!" singhal sa akin ni uncle.

"Hindi po uncle. Promise!" depensa ko agad.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni uncle habang kumakain. Nasabi niyang galing siya ng business trip from Japan at dumiretso agad dito pagkagaling sa opisina.

Cool si uncle. Hindi siya old-fashioned type of man. Open-minded siya sa lahat ng bagay. He even knows Iñigo, Cyreen and all of my friends. Minsan nakakamusta niya sila sa akin kapag naaalala niya sila.

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon