Chapter 17

18.3K 539 585
                                    

Mas lalo lamang naging nakakapagod ang bawat araw na lumilipas na pinagsasabay ko ang trabaho at school. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Sydney dahil maging siya ay busy rin. But nevertheless, we still make sure that once in a while we get to talk to each other and get to be updated from each other.

"Sam, okay ka lang ba?" tanong ni Cyreen nang magkita kami sa loob ng Beato.

"Oo naman, bakit?" sagot ko sa tanong niya.

"Grabe nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Para ka nang multo sa sobrang putla ng mukha mo!" sabi nito sa akin na punong puno ng pag-aalala ang mukha.

She then touched my forehead to check if I was having a fever. Bahagya akong umiwas ngunit agad niya ring tinanggal ang kamay niya nang malamang wala naman akong sakit.

"Ano ka ba. Okay lang ako. Masyado kang nag-aalala." I assured her and then smiled.

"Hay nako. Magpahinga ka naman kasi. Binubugbog mo yang sarili mo masyado. Isusumbong kita kay uncle sige ka." pananakot nito sa akin.

Kahit alam kong hindi niya yun gagawin ay natakot pa rin ako dahil ayokong pagbawalan ako ni uncle na magtrabaho sa kumpanya.

"Huy, wag naman. Oo na magpapahinga na ako. Tutal matatapos na rin naman lahat ng gawain next week, sure ako na makakatulog na ako." paninigurado ko sa kanya.

"Naku, siguraduhin mo lang iyang mga sinasabi mo kung gusto mo pa umabot ng buhay sa graduation." paalala nito sa akin na nagpatawa naman sa akin.

"Sige na. Mauna na ko. Salamat." sabi ko sa kanya at doon na kami naghiwalay ng landas.

Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Cyreen. Naisip kong tama siya at kelangan kong magpahinga kahit sandali lang. Mag-iisang buwan na rin kasi akong kulang sa pahinga.

Kakabukas ko lamang ng pintuan ng sasakyan ko nang may narinig akong tumawag sa akin.

"H-hi, Sam..."

Lumingon ako upang tignan kung sino iyon at nakita si Carrie.

"Carrie... Uh... How are you?" I smiled at her.

"I'm good. Ikaw? Okay ka lang ba?"

"Uh, yes..." I answered but I got no response.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Ayoko namang magkaroon ng awkwardness sa amin. It's been a long time since I last saw her. Hindi ko na rin napansin na matagal na pala kaming hindi nagkikita at nag-uusap. I'm even surprised na she got the confidence to walk up to me.

"You're looking great." I said to ease the topic.

She shyly smiled at napatingin sa sahig. Bahagyang nahiya rin ako sa nasabi. I almost forgot that Carrie has a thing on me. Ayokong magmukhang paasa sa kanya.

"Thank you." she smiled.

"May klase ka pa?"

"Uhm, yes. Ikaw? Uuwi ka na?"

"Uh-hmm." I hummed while smiling.

"Ah... Sam, if hindi ka busy can we have a cup of coffee some time or-"

"Carrie..." Puno ng lungkot kong sabi sa kanya. Ayokong umasa na naman siya.

"No. No, Sam. I mean as friends. Walang malisya." she said while looking at me with her eyes sparkling full of hopes.

I sighed.

Tumango ako, "Okay... But..."

"But?"

Over The Rainbows, Sydney (España Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon