C.11
kahit sanay na sanay nako sa pagiging lalaki, hindi ku paren masikmurang magtagal sa cr ng lalake.
" dude, Yohan san ka pupunta " hinawakan ako sa balikat ni Tristan.
" ah, eh. Ccr. "
" eh, bat jan pa sa cubicle area, ayaw mubang makita namin yan " nagtawanan lang sila.
" hehehe, hindi nuh! Na gegerbs din kasi ko. " nakakahiya man pero yun lang naman ang pwede kung ipalusot sa kanila.
Bat naman kasi sa dami rami ng oras, bat kaylangan kupang makasabay sila sa cr. At talaga bang kaylangan sabay sabay silang lima kung mag cr.
--
hindi ako sumabay umuwi kila Nicole dahil may kanya kanya silang mga lakad. Umakyat muna ko ng rooftop para mag munimuni.
" uahh, ang sarap talaga ng hangin dito " nag inat inat ako at naghanap ng magandang view.
Bago pako umupo, may napansin akong paa, parang naka higa, hindi ko makita kung sinu kasi nahaharangan ng malaking batung upuan, kaya dahang dahan ako lumapit.
" ahhhh " Pag dilat ko ng mga mata ko isang angel ang nakayakap sakin.
" nag eenjoy kabang hilahin yung damit ko." ohh, hindi pala angel. Gwapong Demonyo pala.
Nakayakap sakin yung isang kamay ni Stephen at yung isa naman naka hawak sa malaking bakal, yung mga kamay ko naman nakahawak sa kwelyo nya kaya ang pwesto namin eh, nakapatong sya sakin pero naka lundo parehas yung kalahating katawan namin, mababa lng kasi ang harang dito rooftop. Tinipid ata ng school ang pagpapagawa dito.
Binitawan ku agad yung kwelto nya, pero bago pako makabitaw ng tuluyan' bigla namang lumuwag yung pagkakahawak nya sa bakal kaya napa yakap ako sa kanya.
" hindi kapa ba tapos pag samantalahan ako' hindi mo mauubos ang amoy ko kahit maghapon mokong langhapin. " sarkastikong sabi nito.
Nasa bingit nanga ng kamatayan suplado paren.
Tinignan kusya sa mata, mukang nahihirapan nanga syang pigilan na hindi kami tuluyan malaglag sa rooftop. At OO, ang bango nyanga. Tinanggal kuna yung isa kung kamay at humawak sa kung anumang bato na pwede kung mahawakan para mabalanse ko ang sarili ko. Umayos narin sya, At sabay kaming napaupo sa sahig at napabuntong hininga.
" anu bang ginagawa mo rito huh! " galit na sabi nito.
" magpapahangin. "
" wala bang hangin sa inyo huh! Hindi ko alam kung gusto mung magpakamatay o gusto mokong patayin. " galit na galit na sabi ulit. Medyo hinihingal paren sya.
Walang kuryente samin. Gusto korin sana syang barahin pero hindi nalang ako sumagot at baka sa sobrang inis ko matulak kupa sya sa rooftop.
Tumayo sya at tinitigan lang ako, tinignan kulang din sya habang nananatiling nakaupo ako sa saheg. may kung anu sa mga titig nya' hindi gaya nung dati na pag tinititigan nyako para bang gusto nyakung sakmalin, hindi kuna matiis kaya tumayo naren ako.
" pasensya na " tumalikod nako at lumakad na papuntang pinto pero bigla nyakung hinawakan sa braso kaya napahinto ako pero nanatili lang akong nakatalikod sa kanya.
" lagi ka nalang nag wawalk out. " mahina sabi nya pero kahit papaano rinig ku paren.
Binitiwan nya rin agad ang braso ko at mbilis na nilagpasan ako papalayo, palabas ng rooftop.
Pinakalma ko ang sarili ko, lalo na ang dibdib kung kanina pa ang bilis ng tibok para bang gusto ng lumabas sa katawan ko.
Napaka lapit namin kanina sa isat isa kaya siguro ganun nalang ang bilis ng tibok ng puso ko, hayss. Babae paren ako kaya hindi malayung kabahan ako sa mga ganung sitwasyon.
Hays. Sobrang natakot lang siguro ko sa nangyare. Nararamdaman ko paren sa bewang ko ang mahigpit na pagkakayakap nya at yung kakaiba nyang amoy. Hoooh! Nasisiraan na siguro ko, masyado ku atang nalanghap yung pabango nya kaya hindi nako makapag isip ng matino.
Ahh. Wait. Niligtas pala nya ko, pero hindi manlang ako nagpasalamat. Kaya siguro lalo syang nagalit at inunahan akung mag walk out.
--
RYV ♥♥

BINABASA MO ANG
That Boy is a Girl / UNDEREDITTING
RastgeleStory about a girl who pretending tobe a man to leave a safety life, and build a gang to revenge her father and brother who died 10 years ago, and in her high school life she meet a group of man that has alot of secret. Her gang been invited to the...