chapter 33

360 25 1
                                    


Chapter 33

"Ate Lana?!" ang papikit-pikit na mga mata ni Evane na halatang galing pa sa pagtulog ay biglaang lumaki ng makita akong nagsasaing sa kusina. Kinusot-kusot niya ang mga mata at napaawang ang mamula-mula nitong labi ng hagurin ako ng tingin na nakasuot ng isang cotton short at malaking t-shirt na halatang galing din sa kaniya.

"N-Nananaginip ba ako?!" sinampal-sampal niya ang magkabilaang pisngi at napailing na lang ako habang nangingiti dahil sa kaniyang reaksyon.

"Ate Lana!!!!" tili niya pagkatapos at tumakbo papalapit sa akin bago yakapin ng mahigpit ang aking leeg na halos ikaipit ng aking malaking tiyan.

Sumimangot ako at bahagya itong naitulak ng maramdaman ang mga anak kong sabay-sabay na gumalaw sa loob ng aking tiyan. Napahawak ang isangkamay ko sa counter table at ang isa naman aynasa aking tiyan habang nakangiwi sa sakit.

"A-Ate Lana? A-Ayos lang po ba kayo? S-Sorry po, hindi ko po sinasadyang ipitin sila," naiiyak niyang saad habang nakatingin sa aking malaking tiyan.

Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili bago ito iminulat ulit at nginitian ito. "Ayos lang, Evane. Gumalaw lang sila, gusto na 'atang lumabas." I chuckled and walked towards the burner where I am cooking the rice, pero, hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan doon ng pigilan ako ni Evane sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.

"Ako na po, Ate Lana. Magpahinga na po kayo, kaya ko na po ito!" masiglang saad niya at marahan akong hinila paupo sa isang plastic na upuan.

Aalma na sana ako pero hindi ko na nagawa ng maglakad na siya papunta sa burner kung saan ako nagsaing ng kanin. I sighed and pouted my lips. Kaya nga ako bumaba kanina para makagalaw-galaw, pakiramdam ko kasi ay parang ang bigat ng katawan ko.

"Ayy! Pesting yawa!" tigalgal na saad ni lola Ganda ng makita akong prenting nakaupo sa pang-isahang plastic na upuan.

"Dininig ng diyosa ng buwan ang panalangin ko!" pumapalakapak itong naglakad papalapit sa akin pagkatapos ay hinawakan ang mag kabilaan kong braso.

"Pero hindi ko pa naman nakausap ang diyosa ng buwan dahil connot be reach siya," nagtataka niyang tanong sarili habang hawak pa rin ang mag kabilang braso ko mula sa likuran, at ng nilingon ko ulit ito ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Napakamot ako sa kilay at naalala na naman ulit 'yong weirdong lalaking naramdaman ko kahapon, 'di ako sigurado kung panaginip ba talaga iyon o hindi.

Pero, kung hindi nakausap ni lola Ganda ang diyosa ng buwan na sinasabi niya; paano ako bumalik sa normal? Paano bumalik ang dati kong lakas?

Nanunuri ang tingin na naglakad si lola Ganda papunta sa aking harapan. Sinusundan ko lang siya ng tingin. At ng ngumiti ito ay lumabas ang mga ngipin nitong kulang ng dalawa sa bandang ibabaw. "Siguro, kaya hindi ko siya nakausap kagabi dahil alam na niya, malamang!" tumatangong saad nito sa sarili, halatang kinukumbinsi lang ang sarili.

"Pero..." napakamot ito sa puting buhok habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin, "Hindi ko pa nakausap ang diyosa ng buwan sa pamamagitan ng panaginip." nagusot ang pangit nitong mukha at nangulangot sa aking harapan na kaagad ko namang ikinangiwi dahil sa bigla.

"Pero hindi na mahalaga 'yon! Ang mahalaga ay ayos ka na, Hija!" masiglang saad ni lola Ganda at ipinunas ang daliri na ginamit sa pangungulangot sa kaniyang saya. Napailing ako at mahinang natawa dahil sa kaniyang ginawa. Lola Ganda is full of suprises. Palagi na lang akong nagugulat dahil sa kaniyang inaakto. Siguro ay gano'n talaga ang matanda. The way she talk and the way she act, she looks like a comedian but she is really serious with what she's doing or talking!

I smiled and stood up to help Evane cooking our dish even she doesn't want it. After we cooked our food, I called Nido's name to go eat our breakfast.

We spend the day talking and laughing, watching television and walking in the side walk outside of their house. The day ended with a smile on my lips. But I felt like I'm longing or something. Even I am enjoying when I am with Lola Ganda and her grandchilds; I can feel that I not happy at all. I felt like something is missing and I cannot be happy. Masaya man ako pero hindi lubusan at parang may kulang, I'm felt like I'm not contented for what I have right now, pero siguro ay guni-guni ko lang iyon. Maybe, the reason why I felt like something is missing is because until now I didn't remembered anything about my past.

Valen Series 2: The Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon