Chapter 1

4.5K 69 0
                                    

"DOC. Lauxien!"

"Yes?" tumigil siya sa paglalakad ng maabutan siya nito.

Hinarap niya ito nang wala siyang makuhang sagot mula rito. "What now, nurse Faye?"

Faye Austin. Ang nurse na may gusto sa kaniya at harap-harapan kung ipangalandakan na may gusto ito sa kaniya pero wala siyang kahit anong maramdaman para rito.

Ngumiti ito ng sobrang tamis at may halong pang-aakit. "May kasabay ka bang mag-lunch ngayon, Doc.?"

"None."

"Sabay na tay---"

"I'll go home."

Napapahiyang tumango naman ito at nagpaalam na para mag-lunch. Napailing naman siya at dumiretso na sa opisina niya para kunin ang susi ng kotse niya dahil kanina pa tumatawag ang mama niya. Nagtatampo na ito dahil matagal na siyang hindi umuuwi sa kanila.

"FINALLY, you're here." nakasimangot na bungad sa kaniya ng mama niya nang makababa siya ng kotse.

Malapit na siya sa bahay nila kanina nang matanaw niya ito na nakatayo sa harap ng gate nila. Sinisiguro talaga nitong makakarating siya para magkasabay-sabay silang kumain ng lunch.

Lumapit naman siya rito at hinalikan ito sa noo. "I'm sorry, ma."

"Bahala ka sa buhay mo, Lauxien First Santillan!" sabi nito at nakahalukipkip na inunahan siya sa paglalakad papasok ng bahay nila.

Napangiti siya dahil sa inasta ng mama niya. Sanay na siya rito dahil ilang ulit na itong nangyari simula nang lumipat siya sa condong binili niya malapit sa hospital.

"Ano'ng nangyari sa mama mo?" tanong ng papa niya nang makapasok siya sa loob ng bahay. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa tv.

Lumapit naman siya rito at nakipag-fist bump. "Nagtatampo, pa." natatawang sagot niya sa tanong nito kanina.

Natawa naman ito. "Hindi ka naman na kasi umuuwi dito. Miss na miss ka na ng mama mo."

Napabuntong-hininga siya at naupo sa tabi ng papa niya. "Busy kasi sa hospital, pa. Alam mo namang maraming pasyente sa hospital da---"

"Hindi lang naman ikaw ang Doctor doon, ang rami niyo. Ang sabihin mo, ayaw mo na talagang umuwi dito." sabat ng mama niya na kanina pa pala nakikinig sa kanilang mag-ama.

Tumayo naman siya at lumapit dito. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "Sorry, ma. Promise, I'll make it up to you."

"Bigyan mo ako ng apo para hindi na ako magtampo sa 'yo." kung may iniinom siguro siyang tubig ay kanina pa siya nabilaukan dahil sa sinabi ng kaniyang ina.

"Seriously, ma?" nakakunot na ang noo niya rito.

"Ano'ng akala mo sa 'min--- bumabata? Malapit ka nang lumampas sa kalendaryo wala ka pa ring naipapakilala sa 'min ng ama mo."

"Ma, I'm just 25. Advance ka masyado."

Narinig nila ang tawa ng papa niya ngunit natigil ito ng samaan ito ng tingin ng mama niya. Under. Pft.

"Kapag wala ka pang naipapakilala sa 'kin 3 months from now, ako na ang hahanap ng mapapangasawa mo." seryosong sabi nito. "And that's final."

"Ma---"

"Sumunod na kayo sa dining area, kakain na tayo." pagtatapos nito sa usapan bago sila tinalikuran.

"Let's go, son." aya naman sa kaniya ng papa niya at nagpatiuna na ito sa paglalakad.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod rito.

"FINA'S dating Ismael, ma, pa, kuya." sumbong ni Virgo.

Kumakain na sila ngayon ng dessert na gawa mismo ng kanilang ina.

"I'm not." depensa naman ni Fina na namumula na ang pisngi.

"Fina, you're just 18 years old." seryosong sabi niya.

"Exactly, kuya. I'm now in legal age to do whatever I wa---"

"Fina!"

"Sorry, ma, pa, kuya's."

"You're now in legal age, yes. But you need to focus more on your studies, every thing has a right time. Keep that in mind." seryosong sabi niya at tumayo. "I need to go back, ma, pa, I have some important matters to do."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito, lumabas na siya ng bahay nila at pumasok sa kotse niya. Pinaandar na niya ito at minaniobra pabalik ng hospital.

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon