"'NAY Isabel, where's mom and dad?" she asked when she entered the kitchen where 'nay Isabel's.
'Nay Isabel turn her gaze at her from the dishes. "Kaaalis lang nila, 'nak. Hindi ba sila nagpaalam sa 'yo?"
She sat on the stool beside the kitchen counter. Nangalumbaba siya at tumingin kay 'nay Isabel. "Hindi, 'nay. Nasa taas ako kanina, akala ko hindi pa sila nakaalis."
Natawa ito. "Nagmamadali kasi sila kanina, 'nak. Siguro ay may meeting sila ngayon kaya gano'n." paliwanag nito.
Napanguso siya. "Baka nga, 'nay." tumayo siya at nagpaalam ditong aalis muna.
NANDITO siya ngayon sa mall. Balak niya kaninang pumunta sa coffee shop niya dahil hindi siya pumasok nang bigla niyang makita ang mall.
Wala siyang balak na bumili kaya nagtingin-tingin na lamang siya. Habang naglalakad ay biglang nag-vibrate ang hawak-hawak niyang cellphone.
Sab's Calling~
Kumunot ang noo niya. May problema kaya sa coffee shop?
Bago pa niya masagot ang tawag ay nabitawan niya ito dahil may bumangga sa kaniya. Sisigawan na sana niya ito nang makita niya ang magandang Ginang na maraming bitbit na paper bag, nahulog pa ang ibang bitbit nito.
"Hala! Sorry, hija. Sorry, sorry." dali-dali nitong pinulot ang mga nahulog na paper bag ngunit nagkandahulog-hulog ang mga ito.
"Ayos lang po iyon..." pinulot niya ang cellphone niya at inilagay ito sa shoulder bag niya. "Tulungan ko na po kayo." pinulot niya ang mga nahulog na paper bag. Ipapahawak na sana niya ito sa Ginang ngunit binawi niya rin ito dahil sa rami ng bitbit nito. "Wala po ba kayong kasama, ma'am?"
Umiling ito. "Wala, hija. Ngunit may sasakyan akong dala."
"Kung gano'n po, tulungan ko na lang po kayong bitbitin ang lahat ng ito para po mailagay na sa sasakyan niyo. Alam ko pong nabibigatan na kayo dahil sa dami ng dala niyo."
"Naku. Hindi na, hija. Nakakahiya naman sa 'yo." tanggi nito at kukunin na sana ang mga hawak niya nang ilayo niya ang mga ito sa Ginang.
"No, ma'am. I insist."
Wala nang nagawa pa ang Ginang nang makitang seryoso siya sa sinabi niya. Tulad nga ng sinabi niya ay tinulungan niya itong ilagay sa sasakyan nito ang mga paper bag.
"Maraming salamat, hija. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran s---"
"No need to pay me, ma'am. As what I've said, I insist."
Ngumiti sa kaniya ang Ginang. "Maraming salamat talaga, hija. If you don't mind, can we have a coffee together?" nahihiyang tanong nito, nagtaka naman siya sa itinuran nito. "Just to thank you for your kindness, hija. But, if you've some important matters to do, it's okay if yo---"
"No. I don't mind, ma'am." nakangiting putol niya sa sinasabi nito.
"Oh silly. Call me tita, hija."
"Tita."
NAPAGKASUNDUAN nilang magkape sa coffee shop na malapit sa mall. Nang makapasok sila sa coffee shop ay pumuwesto sila sa pinakadulong mesa.
May lumapit naman sa kanilang isang waiter kaya umorder na sila.
"By the way, what's your name, hija? Hindi ko manlang naitanong kanina, my bad." nakangiting turan nito.
"I'm Miracle, tita..." pakilala niya. "Pati po kayo hindi ko pa po naitatanong ang pangalan niyo." natawa ito sa huling sinabi niya.
"I'm Aries Santillan, hija. But, like what I have said earlier, call me tita." tumango siya.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa dumating ang order nila.
Nang matapos silang magkape ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Inimbita pa siya nito sa gaganaping kaarawan nito sa Sabado, ipinangako naman niyang pupunta siya kaya masaya itong nagpaalam sa kaniya. Bago iyon ay nag-iwan pa ito ng calling card nito.
NANG makapasok siya ng bahay ay dumiretso na siya sa kuwarto niya, nadaanan pa niya si 'nay Isabel na nagtutupi ng mga nalabhan sa may sala.
Nang makapasok siya sa kuwarto niya ay naupo siya sa kaniyang kama. Inilabas niya ang cellphone niya sa bag at idinial ang numero ni Sab.
"Hello, ma'am." magiliw na bungad nito. Sa tono ng pagbati nito ay parang wala namang problema. Mabuti na 'yong nakakasiguro.
"Hindi ko nasagot ang tawag mo kanina dahil sa may nakabangga sa 'kin. May problema ba sa coffee shop?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala naman po, ma'am. Magpapaalam lang po sana ako para bukas dahil po nilalagnat ang anak ko." malungkot na ang tono ng pananalita nito nang banggitin nito ang tungkol sa anak.
Naawa naman siya. "Gano'n ba? Sige, ayos lang. Papasok na rin naman ako bukas."
"Salamat po, ma'am."
Nagpaalam na ito at ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romansa"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan