PITONG buwan ang lumipas, kabuwanan na niya. Naging masaya ang pagsasama nilang mag-asawa. Sa bahay nila Lauxien sila nakatira, napagdesisyonan nilang mag-asawa na bumukod na lamang pagkatapos niyang manganak. Naipatayo na ang bahay na titirhan nila, kompleto na lahat ng gamit roon at sila na lamang ang kulang.
Nakaupo siya ngayon sa single sofa sa sala. Nanonood siya kasama ang mga magulang ni Lauxien. Wala ang magkakapatid. Pumasok si Lauxien sa hospital dahil pinilit niya itong pumasok. Wala kasi itong balak pumasok kanina dahil baka bigla raw siyang manganak pero ipinagpilitan niyang pumasok ito dahil kasama naman niya ang mga magulang nito, wala itong nagawa kung hindi ang mapilitang pumasok. Nasa eskuwelahan naman sina Virgo at Sera.
Nakatutok ang mga mata niya sa pinapanood pero nawala sa T.V ang atensiyon niya nang biglang kumirot ang tiyan niya.
"Miracle, hija, manganganak ka na! Pumutok na ang panubigan mo!" Napatingin siya sa tinitignan ni mama Aries, napaawang bibig niya nang makita ang dugong umaagos sa hita niya. Napahawak siya sa tiyan niya nang hindi tumitigil ang pagkirot niyon.
"Ahhh!! Ma, ang sakit ng tiyan ko!!" Namimilipit sa sakit na sigaw niya.
Nataranta naman si mama Aries habang si papa Uno ay kalmado lang.
"Wife, pakibitbit ng bag na pinaglagyan ni Lauxien ng mga gamit ni baby." Utos nito sa asawa at binuhat siya. Nasa tabi lang niya iyon palagi kaya madali lang iyong nakuha ni mama Aries. Naglakad na si papa Uno habang buhat siya. "Call Lauxien, wife."
"What happened‽" Narinig nila ang tarantang boses ni Virgo, kararating lang nito at bitbit pa nito ang sariling bag.
"Manganganak na si Mira. Pakibuksan ang pinto, son." Si papa Uno ang sumagot.
Inihagis nito ang sariling bag sa lapag at dali-daling binuksan ang pinto. Sumunod rin ito sa kanila at binuksan ang back seat ng kotse.
Kinuha ni Virgo ang bitbit na bag ni mama Aries 'saka ito tinulungan sa pagsakay sa back seat--- sa tabi niya--- sa passenger seat naman naupo si Virgo, bitbit pa rin ang bag. Pinausad ni papa Uno ang sasakyan nang masigurong maayos ang lahat.
Ininda na niya ang pagsakit ng tiyan niya sa pamamagitan ng pagpisil sa kamay ni mama Aries.
"Hello, kuya!" Nabaling ang atensiyon niya kay Virgo. "Manganganak na si Mira, puntahan mo na lang kami sa hospital." Sinabi nito ang address ng hospital.
"PUSH, misis!" Sabi ng Doctora.
"Ahhh!!" Sigaw niya.
"Isa pa. Nakikita ko na ang ulo ng bata, misis."
Huminga siya ng malalim bago muling umiri.
"Uwaaahhh! Uwaaahhh!"
Narinig niya ang iyak ng bata. Ang anak ko.
"It's a healthy baby boy!" Masayang anunsiyo ng Doktora bago itinabi sa kaniya ang baby.
Gusto niya pang tignan at hawakan ang baby niya pero nilalamon na siya ng antok.
NANG magising siya nasa isang silid na siya. Nasa kuwarto sina mama Aries at papa Uno.
"You're awake!" Si mama Aries ang unang nakapansin sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at naupo sa upuang nasa tabi ng hospital bed. Hinawakan nito ang kamay niya. "How are you, hija?"
"I'm fine, tita." Napangiwi siya nang makaramdam ng sakit sa ibabang bahagi niya nang gumalaw siya. "Ang sakit, ma."
"Masakit talaga 'yan, hija, dahil sa tahi mo. Take some rest."
Tumango siya. "Nasa'n ang baby ko, ma?"
"Nasa nursery room. Dadalhin ng nurse mamaya rito. He's so cute. Kamukha ni Lauxien noong baby pa siya." Napangiti siya. Mukhang nakuha ng baby nila lahat ng features ni Lauxien. "May naisip na ba kayong ipapangalan sa kaniya, hija?"
Tumango-tango siya. "Opo, ma. Miro Xien Santillan."
Dumating ang Doctorang nagpaanak sa kaniya, kasama nito ang isang nurse na karga-karga ang anak niya. Kinuha ng nurse ang pangalan ng anak niya bago nagpaalam ang mga itong aalis na.
"Ang cute ng apo ko." Magiliw na sabi ni mama Aries at pinisil ang pisngi ng anak niya na mahimbing ang pagkakatulog.
"Nasa'n si Lauxien, ma?"
Ang kaninang magiliw na ngiti ni mama Aries ay biglang naglaho. Pati si papa Uno na nanonood ng T.V ay napaayos ng upo. Nagtaka siya.
"Ma? Pa? Ano'ng nangyari? Nasaan ang asawa ko?" Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Nasa'n sina Virgo, ma, pa?"
"Nasa kabilang room sila, hija." Si papa Uno ang sumagot.
Mas lalo siyang nagtaka. "Ano'ng ginagawa nila sa kabila, pa? Ang lawak-lawak nitong kuwarto. Kasama rin ba nila si Lauxien, pa?"
Tumango ito. Malungkot ang bukas ng mukha. "N-Naaksidente si Lauxien nang papunta siya rito, hija."
"O-Okay lang naman po siya, diba po, pa?"
Umiling ito. "Hindi ko alam, hija. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising."
Bigla siyang nanghina sa narinig. Sana okay lang siya. Sana magising na siya para masilayan at mahawakan na niya ang anak namin. Sana.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan