Chapter 12

1.4K 37 2
                                    

HINDI niya alam ngunit simula nang makita niya si Miracle na may kasamang ibang lalaki ay naging mainitin na ang ulo niya. Lagi niyang nasisigawan ang mga nurse na lumalapit sa kaniya o 'di kaya kapag nagkakamali ang mga ito. Pati mga magulang at mga kapatid niya ay naninibago sa kaniya.

Kakalabas niya lang sa banyo ng may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Son? Lauxien?" narinig niya ang boses ng papa niya.

Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. Hinayaan niyang pumasok ang papa niya, naglakad naman siya papasok ng closet niya para magbihis at bago siya makapasok sa loob ay narinig pa niya ang sinabi nito.

"Let's talk, son."

Hindi na siya namili pa ng susuotin at baka mainip pa ang papa niya sa kakahintay sa kaniya. Lumabas siya ng closet niya na pinupunasan ang basa pa niyang buhok. Wala ang papa niya sa loob ng kuwarto niya. Akala niya ay lumabas na ito nang mapatingin siya sa pinto ng balkonahe na nakabukas, inihanger niya muna ang tuwalya bago siya pumunta sa balkonahe, doon niya nakita ang papa niya. Lumapit naman siya rito at tumayo sa tabi nito.

Maliwanag sa labas dahil na rin sa mga ilaw sa kalsada kaya makikita mo kung sino ang mga dumadaan.

"What's wrong, son?" basag nito sa katahimikan.

What's wrong? His forehead creased. "What do you mean, pa?"

Bumuntong-hininga ito. "Since last last week, napapansin ko ang pagiging bugnutin mo. Pati mama at mga kapatid mo napapansin rin 'yon. You're being hot-tempered, son..." tinapik nito ang balikat niya kaya napatingin siya rito. "You can tell it to me, son. We're worried of you."

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa malayo. "I don't know, pa. I don't even understand myself since the day I saw her..."

"So its a girl, huh?" may himig panunukso ang tono nito.

"Yeah." he agreed. What's the use of denying when they'll find out the truth soon, right? "When she's around, I can't stop myself from staring at her..." kuwento niya. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento habang nakikinig naman ang ama niya. "May sakit na rin yata ako sa puso, pa."

Bumakas ang pag-aalala sa papa niya. "Ano ba'ng nararamdaman mo, son? Naninikip ba ang dibdib mo? Kinakapos ka ng hininga?" umiling siya. "Eh ano?" kumunot ang noo nito.

"Every time I saw her, it keeps on beating fast, pa. I think, I have a heart problem. Last last week, nakita ko siyang may kasamang iba tapos bigla na lang nanikip 'tong dibdib ko. I even want to punch the bastard's face whom she's with." biglang nandilim ang paningin niya nang muling rumehistro sa isip niya si Miracle na may ibang kasama.

He heard his papa's laughter that made his forehead creased. Did I say something funny? "Why are you laughing, pa?"

Itinigil nito ang pagtawa ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang kagustuhang muling mapabunghalit sa pagtawa. "Seriously, son? Are you really a Doctor? You're not even aware that you're inlove." What?! Him?! Inlove?

"What? Pa, hindi ako inlove. I'll never be inlove with that woman." looks like he's reminding himself.

"Son, nasa mga sinabi mo na mismo ang ebidensiya. You're thinking that you have a heart problem whenever she's near because of your fast heartbeat, but no. You're inlove, son. You want to punch that guy's face because you're jealous." napailing-iling ito at napangiti. "My eldest is now a grown up, man. Parang kailan lang, son. Baka hindi natin mamalayan, ikakasal ka na pala tapos magkakaroon na ng anak." nanubig ang mga mata nito.

"Wow, may drama pala dito. Hindi manlang ako isinali." sabay silang napatingin sa likuran nila ng may biglang nagsalita. Si Virgo.

Natawa ang ama nila. "Umiibig na ang kuya mo."

Ngumisi ang kapatid niya. "I know, pa. Nahalata ko na simula nang magkaharap sila ni Miracle. Na-love at first sight si kuya."

Sinamaan naman niya ng tingin ang kapatid niyang nakangisi pa rin.

"I knew it! I knew it!" pumasok si Sera na tumatalon-talon pa, kasunod nito ang mama nila na matamis ang pagkakangiti sa kaniya.

Kanina pa sila diyan? "We heard everything!" his mom said, smiling from ear to ear.

"Miracle pala, ha? May paaway-away ka pang nalalaman, kuya. 'Yon pala para lang mapansin ka niya." mapang-asar na sabi ni Sera.

Napailing na lamang siya at hinayaan ang mga itong asarin siya. Hindi niya alam ngunit biglang gumaan ang pakiramdam niya na malaman ng mga ito ang nararamdaman niya para kay Miracle at nakikita niyang gusto ng mga ito si Miracle para sa kaniya. Biglang rumehistro sa isip niya ang magandang mukha ng dalaga.

May pagasa kaya siya kapag ipinagtapat niya sa dalaga ang nararamdaman niya para rito? Mabibigyan kaya ito ng katugon mula sa dalaga? I hope so. Ngayon ko lang naramdaman 'to at sa 'yo pa. Sana hindi ako mabigo.

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon