ONE week had passed since she gave birth. Nakauwi na rin sila pero hindi pa rin nagigising si Lauxien. The Doctor said that he might got comatosed.
Nasa kusina siya ngayon--- kumakain--- habang nasa kuwarto nila ni Lauxien si baby Xien. Iniwan niya muna roon ang anak--- nakabantay rito ang lola nito.
"Good morning, ate Mira!" Masayang bati sa kaniya ni Sera na bagong ligo at kakapasok lang ng kusina.
"Good morning. Kumain ka na baka mahuli ka pa sa School."
"Nah... Wala kaming pasok ngayon, ate. And, may good news ako sa 'yo." Nakangiting sabi nito.
"Mabuti kung gano'n... Ano'ng good news?"
"Gising na si kuya, ate!" Masayang balita nito sa kaniya. "Tumawag kanina si kuya Virgo sa 'kin para sabihing gising na si kuya Lauxien." Si Virgo kasi ang nagbabantay ngayon sa kuya nito dahil hindi ito pumasok sa School.
Ang kaninang malungkot niyang awra ay napalitan ng saya at pananabik na makita ang asawa. "Kung gano'n, pwede ba natin siyang bisitahin?"
"Oo naman, ate. Hintayin lang siguro natin si papa na makauwi para sabay-sabay na tayong pumunta sa hospital."
Tumango-tango siya at masiglang itinuloy ang pag-kain niya.
UMAKYAT muna siya sa itaas para tingnan ang anak niya. Si Sera ang nag-boluntaryong maghuhugas ng plato kaya nagpaalam na siya ritong papanhik muna sa itaas.
Nang buksan niya ang pinto ng kuwarto nila ni Lauxien ay napangiti siya nang makita si mama Aries na natutulog katabi ang anak niyang mahimbing rin sa pagkakatulog.
Pumasok na siya sa banyo para maligo at makapaghanda na. Nang makalabas siya nang banyo ay gising na si mama Aries.
"Nakatulog pala ako." Sabi nito at mahinang natawa. Tumingin ito sa kaniya. "Bihis ka? Sa'n ang punta mo, hija?"
"Hindi niyo pa po ba alam, ma? Gising na raw po si Lauxien." Masayang balita niya rito.
"Talaga? Gusto ko nang makita ang anak ko!"
Napangiti siya sinabi ni mama Aries. "Hintayin lang raw po natin si papa Uno bago tayo pumunta sa hospital, mama."
"Oh siya. Mag-aayos lamang ako para pagdating ni Uno ay aalis na tayo."
"Opo, ma."
Hinalikan muna nito sa noo ang anak niya bago ito lumabas ng kuwarto nila. Nagbihis muna siya bago inihanda ang mga gamit ni baby para mamaya. Nang matapos siya ay lumapit siya sa baby niya para tumabi rito.
"ATE Mira! Gising na, ate!" Tapik sa balikat ang nagpagising sa kaniya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nabungaran niya si Sera. Nakatulog pala ako, hindi ko manlang namalayan.
"Bakit, Sera?" Tanong niya.
"Aalis na tayo, ate."
Tumango siya at tumingin sa tabi niya pero bigla siyang naalarma nang makitang wala si baby Xien sa tabi niya. "Ang anak ko..."
"Nasa baba na, ate. Umiiyak kanina kaya binuhat ni papa at inilabas ng kuwarto niyo. Nasa baba na rin ang mga gamit niya, ate." Pagpapakalma sa kaniya ni Sera.
"Sige, Sera. Susunod na ako."
Tumango ito at nagpaalam na. Inayos niya ang nagulong buhok at kinuha ang cellphone at wallet niya bago siya lumabas ng kuwarto at bumaba na.
Nasa sala na ang lahat--- maliban kay Lauxien at Virgo--- nang makababa siya.
"Let's go, everyone!" Anunsiyo ni papa Uno nang makita siyang naglalakad palapit sa mga ito.
SA room 206 sila pumasok. Nagpahuli siyang pumasok.
"Ma! Pa!" Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang muling marinig ang boses ng asawa.
"Mabuti naman at gising ka na, anak." Masayang sabi ni mama Aries.
"What happened, ma, pa?" May nahimigan siyang pagtataka sa boses nito.
"Naaksidente ang sinasakyan mong kotse nang papunta ka rito sa hospital---"
"What?! Why would I go here, ma? I have my own hospital!" May inis sa tono nito. Bakit parang bumalik 'yong masungit na Lauxien?
"Hindi mo ba naaalala, anak?"
"Ang alin, ma--- Who are you?!"
Napaangat siya ng tingin at nagtama ang paningin nila. Hindi siya nito naaalala?
"She's your w---"
"I-I'm Sera's friend." Putol niya sa sinasabi ni mama Aries. Hindi siya nito naaalala.
"I can't remember you."
"K-Kakakilala la-lang kasi namin last week, kuya." Mukhang nakuha ni Sera ang gusto niyang ipahiwatig nang sulyapan siya nito.
"Ah. Yes, son. Matagal na silang magkaibigan pero last week lang siya ipinakilala sa 'min ni Sera." Pagtatakip rin ni papa Uno.
"Who's baby is that, ma?"
Our baby. "My baby."
"I see."
"Pa--- este tito, uuwi na po muna kami sa bahay." Paalam niya.
"Samahan ko na kayo, a--- Mira."
Tumango lamang siya at kinuha si baby Xien kay mama Aries.
"Do'n muna kayo sa isang guest room, hija. Komplikado pa ang sitwasyon ni Lauxien, baka mabigla na lang siya pag-uwi niya at makikita niya kayo sa kuwarto niyo." Pasimpleng bulong nito sa kaniya.
Tumango naman siya at binigyan ito ng malungkot na ngiti. "Opo, ma."
"Ihahatid ko lang sila, ma, pa, kuya." Sabi ni Virgo.
"Sorry hindi ko nasabi na may amnesia si kuya..." Paumanhin ni Virgo nang makalabas sila ng kuwartong kinaroroonan ni Lauxien. "Nagulat rin ako nang malaman ko mula sa Doctor na nagkaroon siya ng amnesia."
"Okay lang. Gano'n siguro talaga ang plano ng tadhana para sa 'min."
"Sana kapag nakaalala na si kuya, nasa tabi ka pa rin niya." Sabi ni Virgo.
"Huwag kayong mag-alala, wala akong balak sukuan ang kuya niyo." Sabi niya at tinignan si baby Xien na mahimbing ang pagkakatulog sa mga bisig niya.
Balang araw, anak, makikilala't makakasama mo rin ang ama mo. Maaalala niya rin tayo pareho.
END
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan