SHE'S checking her foot when she heard his voice. "You okay, lady?"
Mukhang nagkapaltos ako. Mahapdi. "Yeah, thanks." maikling sagot niya. Hindi ipinahalata ang pagngiwi niya.
Umangat ang tingin niya dito para lamang kumunot ang noo niya nang makitang may yumapos ditong babae. Girlfriend? Ikinibit-balikat niya ang naisip at tinignan lamang ang dalawa hanggang sa tumayo si Lauxien at hinila ang babae palayo sa kanila.
"That's Faye." biglang nagsalita si Fina, ang katabi niya. Bunso ng mga Santillan. "Desperadang may gusto kay kuya, I don't like her for my brother. Kaya gano'n na lang ang inasal ko sa 'yo kanina kasi akala ko nandito ka para sa kapatid ko. I didn't know that my mother invited you. I'm sorry for that." ngumiti ito sa kaniya.
Ngumiti naman siya pabalik. "Naiintindihan kita, ganyan talaga ka-protective ang mga babaeng kapatid kapag guwapo ang mga kuya nila..."
Lumingon ito sa kaniya. "So, guwapo ang kapatid ko?" may naglalarong pilyang ngisi sa mga labi nito.
"Of course not." tanggi niya. "Antipatiko siya at hindi guwapo. Tapos."
Natawa ito. "Okay, if you say so." hindi na ito muli pang nagsalita ngunit nasa labi pa rin nito ang pilyang ngisi.
Napangiwi siya nang hindi sinasadyang maigalaw niya ang mga paa niya.
"You okay?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango siya. "Yeah, nagkapaltos yata ako. Ang hapdi, eh."
"Wait..." tumayo ito at naglakad papasok ng bahay. Nang lumabas ito ay may bitbit na itong isang pares ng tsinelas. "Here. Tanggalin mo na 'yang sandals mo at suotin mo 'to." inabot nito sa kaniya ang tsinelas, nagpasalamat naman siya rito. Tumango ito at muling naupo sa tabi niya. "Hindi ko pa 'yan nagagamit dahil kabibili ko lang 'yan kanina. Kasya ba sa 'yo?"
Isinuot niya ang tsinelas na bigay nito. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nagkasya ito sa kaniya. "Oo, tamang-tama ang sukat. Salamat. Ibabalik ko na lang mamaya pa---"
"No. Sa 'yo na 'yan. Peace offering na rin dahil sa inasal ko kanina."
Ngumiti siya. "Salamat dito."
"Walang anuman."
Itinabi niya ang sandal niya at nagpatuloy na sila sa pag-kain. Hindi na muli pang bumalik si Lauxien sa table nila, hindi na lamang niya ito pinansin pa.
"SALAMAT ho sa pag-imbita, tita. Nag-enjoy ho ako."
"Walang anuman 'yon, hija." niyakap siya nito at nakipag-beso-beso sa kaniya. "Bumisita ka dito kapag wala kang ginagawa, ha?"
Tumango siya at muling ngumiti dito. "Paano ho, mauuna na ho ako. Salamat ho ulit. Pakisabi na lang ho kina tito na nauna na ho ako, tita."
Hindi na sumama ang asawa't mga anak nito dahil nauna nang umakyat, inaantok na raw. Hindi na niya muli pang nakita kanina si Lauxien dahil hindi na talaga ito bumalik hanggang sa matapos ang party.
Muli silang nagpaalaman ng Ginang bago siya sumakay sa kotse. "Tara na ho, kuya Tony." sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Naramdaman niya ang pag-usad ng kotse ngunit hindi na siya nagmulat pa hanggang sa makatulog siya.
NAALIMPUNGATAN siya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Napabalikwas siya at iginala ang paningin niya, nasa sariling kuwarto na siya. Tinignan niya ang suot at nakahinga siya ng maluwag nang makitang ang damit na suot-suot niya ay ang suot niya kagabi.
Bumaba na siya ng kama at inayos ang hinigaan niya. Naligo na muna siya. Nang bumaba siya ay bago na ang damit niya, simpleng t-shirt at above the knee maong short ang suot niya na pinaresan niya ng pambahay na tsinelas.
Dumiretso siya sa dining area at nakita niya doon ang mga magulang niya. Ang mommy niya ang unang nakapansin sa kaniya. Ngumiti ito. "You're awake, sweetie. Come here, sabayan mo na kami ng daddy mo."
"Good morning, mom and dad." bati niya sa mga ito at naupo sa upuan niya. "Thanks, 'nay." pasasalamat niya sa 'nay Isabel niya nang maglatag ito ng plato kasama na ang kutsara, tinidor at baso sa harap niya.
"Good morning rin, sweetie." bati ng mommy niya.
"Good morning, my beautiful daughter." bati naman ng daddy niya. "How's the occasion last night?"
"It went well, dad. Nagkapaltos lang." napangiwi siya sa huling sinabi.
"Sinabi ko na kasi sa 'yong sanayin mong gumamit ng high-heel, sweetie."
Umingos siya sa sinabi ng mommy niya. "Mom, I'm not a fan of high-heels. Flat shoes are much better than those." reklamo niya.
"Hayaan mo na ang anak natin, hon." paglalambing naman ng daddy niya.
"Ew." reklamo niya.
"Maghanap ka na kasi ng mapapangasawa mo, sweetie. Para naman hindi ka na mabitter diyan."
"Single is fun, mom. Ang aga pa para mag-asawa ako, wala pa akong napapatunayan."
Hindi na nagkomento pa ang mga magulang niya kaya nagpatuloy siya sa pag-kain nang may bigla siyang maalala. "Btw, mom and dad, sino po pala ang nagbuhat sa 'kin kagabi? Nagising na lang ako nasa kama na ako."
"Your dad, sweetie. Buti nga at gising pa kami kagabi kaya binuhat ka na ng daddy mo." sagot ng mommy niya.
"Thanks, dad."
"You're welcome, my beautiful daughter."
"Hindi ko na pinalitan ang damit mo dahil baka magalit like the last time." may pagtatampo sa boses ng mommy niya.
Naalala niya noong may okasyon silang dinaluhan, pauwi na sila noon nang bigla siyang makatulog. Hindi na siya ginising noon ng mga magulang niya dahil sa himbing ng tulog niya ngunit pagkagising niya ay nagalit siya nang makitang iba na ang damit na suot-suot niya.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan