"DOC. Lauxien!!!" Rinig niyang sigaw ng isang babae nang makapasok siya ng hospital. Nilingon niya ito at tatanungin sana kung may kailangan ba ito o problema. Ngunit bigla siyang nainis nang makitang si nurse Faye pala ito.
"Yes, nurse Faye?" Gusto man niyang ipakita ang inis niya rito ngunit kinontrol niya ang sarili. He should be act professional. Inis man siya rito ay hinarap niya pa rin ito. "May kailangan ka ba, nurse Faye?"
Ngumiti ito sa kaniya. Pasimple pa nitong ibinaba ang uniform para makita ang cleavage nito. "Doc., malapit na ang birthday ko..." May inilagay ito sa bulsa ng coat niya, "that's your invitation. Punta ka, ha? Be my date, please?" Nag-puppy eyes pa ito.
"I'm sorry, nurse Faye," Kinuha niya ang inilagay nito sa bulsa niya at ibinalik rito. "I already had my loving girlfriend, she'll be my date. And, I apologize for intentionally not attend your birthday party. I have so many errands to finish and I'm not avaible. Excuse me." Tinalikuran na niya ito at dumiretso sa opisina niya.
DAHIL natambakan siya ng trabaho ay naging abala siya pero hindi niya nakalimutang i-text ang girlfriend niya para paalalahanang mag-lunch na. Hinintay niyang mag-reply ito pero ilang minuto na ang nakakalipas simula nang ma-send ang text niya ay wala pa rin itong reply. Dahil sa pag-alala ay naisipan niya itong bisitahin. Ngunit nang akma na siyang tatayo sa kinauupuan niya ay may biglang kumatok sa pinto ng opisina niya kaya napaupo siya ulit.
"Come in!" Malakas na sabi niya para marinig siya mula sa labas.
Bumukas ang pinto, ang nakangiting mama niya ang pumasok.
"What are you doing here, ma--- Miracle?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang ang sumunod na pumasok sa ina niya ay ang kasintahan niya. "You're here?"
Ngumiti ito sa kaniya at kumaway. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Ah, my heart. It says thump-thump. "Hi, my King..." Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa labi. "Sabay-sabay na tayong mag-lunch. Inimbitahan ako ni tita na sa labas kumain pero nang maalala kita, sinabi ko sa kaniyang dito na lang sa opisina mo baka kasi hindi ka pa kumakain. Okay lang ba?"
"Hey!"
Pitik sa noo ang nagpabalik sa ulirat niya. And, Miracle did that. He can tell. "Huh?"
"Okay lang ba kung sabay-sabay na tayong kumain kako?"
"Of course, my Queen..." Nilingon niya ang inang kanina pa sila pinapanood. "Ma, take a seat," Tumayo siya, hawak ang kamay ni Miracle na lumapit sila sa ina niya. Kinuha niya ang mga paper bag na bitbit nito at iginiya ang mga ito sa maliit na sala sa loob ng opisina niya. "Take a seat, ladies."
He get a disposable plate and utensils before going back on his mini sala. Naupo siya sa tabi ni Miracle sa mahabang sofa, kaharap ng kinauupuan ng ina niya. Siya na rin mismo ang naglabas ng laman ng mga paper bag na dala ng mga ito.
"PINAALALAHANAN mo akong kumain, pero ikaw naman pala 'tong hindi pa kumakain." Nakasimangot na sabi sa kaniya ni Miracle. Nagpaalam na kanina ang mama niyang uuwi na kaya sila na lang dalawa ang naiwan.
"Naging abala kasi ako kaya hindi ako nakakain. Btw, thank you for the lunch. I appreciated it." Hinalikan niya ito sa noo at niyakap ng mahigpit.
"You're welcome, my King. Nabusog ka ba?"
To answer her question, he burped that made them laughed. "I think, that's the answer." Natatawang sagot niya.
Ang katok sa pinto ang nagpatigil sa pagtatawanan nila. "Come in!"
Bumukas ang pinto at pumasok si nurse Faye na ngiting-ngiti ngunit nang makita nito si Miracle ay biglang nawala ang ngiti nito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtalim ng tingin nito at pag-irap sa dalaga.
"May bisita ka pala, Doc." Labas sa ilong na sabi nito.
"She's not just my visitor," Hinalikan niya ang hawak-hawak na kamay ni Miracle. "she's my girlfriend and future wife..." Nginitian niya ang dalaga at kinindatan. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pamumula nito na pilit nitong itinatago sa pagyuko. Ibinalik niya ang tingin sa nurse na ang sama ng pagkakatingin kay Miracle. Napatiim-bagang siya. "What do you want, nurse Faye? I don't want to be rude towards you but you're disturbing my moment with my girlfriend."
Walang sabi-sabing tumalikod ito at lumabas ng opisina niya. Napaigtad pa sila dahil sa malakas na pag-sara ng pinto.
"Who's she?" Tanong ni Miracle.
"A nurse." Sagot niya.
"She likes you." Miracle pouted.
He kissed her pouted lips. "I know. But, I love you."
"Yeah, yeah. Btw, I have to go. Kailangan ko nang bumalik sa coffee shop."
"Stay for 15 mins.?" Ungot niya.
"5 mins."
"10 mins... please." Niyakap pa niya ito sa baywang para hindi makaalis.
She chuckled. "10 mins. then."
"Thank you, my Queen."
------
A/N: Maraming school activities kaya natagalan sa pag-update. Thank you for waiting. Btw, thank you for your votes and comments, especially for following me. Hindi ko na kayo isa-isahin, ang rami niyo kasi. *chuckles* Alam niyo na kung sino kayo. Have a good night, arcanians. Babawi ako sa susunod. Lovelots. ♥️
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan