"DITO ho ba sa subdivision na ito nakatira si Mrs. Aries Santillan?" tanong niya sa guard na nagbabantay sa gate ng subdivision.
Buti na lang at maalam sa mga lokasyon ang driver niya kaya hindi sila naligaw.
"Dito nga, ma'am. May kailangan ho ba kayo kay Mrs. Santillan?"
"Bisita niya ho ako..." inabot niya ang hawak na calling card dito. "Ibinigay niya ho sa 'kin 'to noong nagkakilala ho kami, inimbitahan niya ho kasi ako para sa kaarawan niya." tumango naman ito. "Tatawagan ko nga ho sana kanina ngunit naisip ko hong sorpresahin na lamang siya." dagdag niya.
"Ganoon ba, ma'am?" binuksan nito ang gate. "Pasok na ho kayo. 'Yon hong nasa pinakadulo ang bahay nila Mrs. Santillan, kulay berde ho ang kulay ng gate nila. Madali niyo lang ho 'yong mapapansin dahil nag-iisa ho 'yon at naiiba."
Nginitian niya ito. "Salamat ho."
"Walang anuman, ma'am."
Bumaling siya sa driver niya. "Tara na, kuya Tony."
Tinatamad kasi siyang magmaneho kaya nagpahatid na lamang siya kay kuya Tony. Hindi rin siya maalam sa mga lokasyon dahil hindi naman siya pala-labas, coffee shop at mall lang ang napupuntahan niya kapag hindi niya trip magbakasyon sa iba't ibang bansa.
"MA'AM, nandito na po tayo. Hihintayin ko na lang po ka---"
"Hindi na ho, kuya. Umuwi na ho kayo baka mainip pa kayo dito sa kakahintay sa 'kin. Itetext o tatawagan na lang ho kita kapag pauwi na ho ako."
Sumang-ayon ito sa gusto niya kaya bumaba na siya ng kotse at hinintay itong makaalis bago siya pumasok ng gate dahil wala naman ditong nakabantay. May nakita siyang isang babae na nakatayo sa labas at may hawak na cellphone na nakatapat sa tainga nito, sa tantiya niya ay nasa 18 na ito. "Ah, miss..." kuha niya sa atensiyon nito.
Lumingon ito sa gawi niya at ibinaba ang hawak na cellphone. Tumaas ang kanang-kilay nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Mukha itong mataray. "Kung hinahanap mo si kuya ay wala siya rito, hindi ko alam kung dadalo ba siya sa kaarawan ni mama. Kung wala ka nang iba pang kailangan ay makakaalis ka na."
"Ah..." tumikhim siya. "Nandito ako para kay Mrs. Santillan, inimbitahan niya kasi ako." tila hindi ito naniniwala sa sinabi niya kaya naman ipinakita niya ang calling card na ibinigay sa kaniya ni Mrs. Santillan. "Ito 'yong calling card na ibinigay niya sa 'ki---" hindi niya naituloy ang sinasabi nang bigla nitong hablutin ang calling card at ininspeksiyon. "I'm Miracle." sinabi na niya rito ang pangalan niya.
"Oh. You're probably Miracle, mama's referring to. Come in." mataray pa rin ang bukas ng mukha nito.
Iginiya siya nito papasok ng bahay hanggang sa mapunta sila sa likod-bahay kung nasaan ang swimming pool. May cover ang swimming pool at tinayuan ng maliit na entablado para sa mga kumakanta. Maayos ang dekorasyon. Konti lang ang tao at mukhang pamilya at mga kaibigan lang ng celebrant ang nandito.
"Ma!" tawag pansin nito sa Ginang na nakalingkis sa isang matikas na Ginoo,tulad ng Ginang ay medyo may edad na rin ito. Nakikipag-usap ang mga ito sa isang Ginoo na naka-formal suit, mukhang business partner ito ng mga Santillan.
Lumingon ang Ginang sa kinaroroonan nila, mas lumapad ang pagkakangiti nito nang makita siya. Nakita niyang nagpaalam ito sa kausap at nagpa-akay ito sa asawa palapit sa kinaroroonan nila.
"Hija! Oh my god. I thought you're not coming, magtatampo na sana ako."
Natawa siya sa sinabi nito. "I'm sorry for being late, Mrs. Santillan."
Ngumuso ito na parang bata. "Tita sabi, eh."
Ngumiti lamang siya rito.
Lumingon naman ito sa katabi niya. "Fina, hindi mo pa ba natatawagan ang kuya mo?"
"Baka busy na naman sa hospital, ma. Alam mo naman 'yon, ma. Mas mahal pa ang hospital kaysa sa 'tin." maktol ng dalaga. "Baka nga pakasalan na niyon 'yong hospital dahil mas mahal ni---"
"Hey! That's not true." isang pamilyar na tinig ang nakapagpatigil sa pananalita ng dalaga. Lumapit ito sa Ginang at humalik sa pisngi nito. "Happy birthday, ma. I'm sorry I'm late."
Siya naman ay natulos sa kinatatayuan niya. Ang antipatikong lalaki.
"Ang mahalaga ay hindi mo nakalimutan ang kaarawan ko, magtatampo talaga ako."
The man chuckled. "Here's my gift for you, ma."
Ngumiti naman ang Ginang. "Thank you, son. I forgot..." tumingin ito sa kaniya. "Miracle, hija. This is Lauxien, my eldest. Lauxien, anak..." itinuro siya nito. "She's Miracle whom I am talking about. The one and only lady who helped me."
Nilingon naman siya ng bagong dating. "Thanks for hel--- ikaw?!"
"Ikaw rin?!" pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Wait..." pumagitna ang Ginang sa kanila. "Magkakilala kayo?"
"Siya lang naman ho 'yong antipatikong bumangga sa 'kin---" napatigil siya ng makitang nakatingin sa kaniya ang apat na pares ng mga mata. "sorry for the word, tita, but he really is." inismiran niya pa ang hudyo.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang lima ngunit nabasag rin 'yon dahil sa tawa nang may edad nang Ginoo. "Ngayon lang may nagkalakas-loob na sabihan ka ng gano'n, son."
"Dad!" saway nito, namumula ang mukha nito at tinignan siya ng masama. "It's your fault, lady. You blocked my way." At ako pa talaga ang sinisi?
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan