"Sigurado ka bang seryoso sa 'yo ang Lauxien ko? Dream on, akin lang siya. Hindi mo ba alam na pinaglalaruan ka lang niya?" Mahinang basa niya sa text na galing sa isang unknown number.
Bumuntong-hininga siya at binura ang mensahe. Hindi siya naniniwala sa nabasa niya, may tiwala siya kay Lauxien. At sino naman itong nagpadala ng mensahe sa kaniya? Sa'n nito nakuha ang numero niya?
Naupo siyang muli sa swivel chair niya at tumingin sa bintana sa loob ng opisina niya kung sa'n nakikita niya ang nangyayari sa labas.
Napatingin siya sa cellphone niyang inilapag niya kanina sa mesa niya nang marinig ang message tone niya. Sa pag-aakalang ang boyfriend niya ang nag-text ay kaagad niya itong tinignan ngunit nadismaya lamang siya nang makita ang kaparehong numero nang nag-text sa kaniya kanina.
Magsaya ka na ngayon dahil sa bandang huli, sa 'kin pa rin ang bagsak ni Lauxien. He's just looking for a right time to break you. So, bitch, Lauxien is mine. Hahaha.
Parang naririnig niya ang halakhak nito at naiirita siya. Tinawagan niya ang numero nito pero...
The number you have dialed is either unattended or out of coverage are...
The number you have dialed is either unattended or out of coverage are...
The number you have dialed is either unattended or out of coverage are...
Toot~ Toot~ Toot~
Kunot ang noong lumabas siya ng opisina niya.
"Ma'am, may bisita po kayo..." Salubong sa kaniya ni Sab, ang sekretarya niya, "ayon po siya, ma'am." Turo nito sa lalaking nakaupo sa pang-dalawahang mesa.
It's Dale. "Thank you, Sab."
Tumango lamang ito at nagpaalam na para bumalik sa ginagawa nito.
Siya naman ay lumapit sa lalaking itinuro nito. "Dale...?"
Lumingon ang lalaki sa kaniya at ngumiti. "Hi!"
"Ikaw nga... Kailan ka pa nakabalik?" Lumapit siya rito at hinalikan sa pisngi bago naupo sa kaharap nitong upuan.
"Kararating ko lang kagabi... so, I'm here visiting you..." Biglang nawala ang inis niya sa nabasa dahil sa pagdating ng kababata niya. "How are you?" Tanong nito, nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi.
"Still the same... gorgeous." Pareho silang natawa sa sinabi niya.
"Yeah..." Pinisil nito ang pisngi niya, "I agree... still the gorgeous Miracle that I know... and a kind one... that I fell in love with."
"Huh?" Hindi niya kasi narinig 'yong ibinulong nito.
"Nothing. Btw... Can I invite you for a dinner?"
Napakagat siya sa labi nang maalala siyang may date nga pala sila ni Lauxien mamaya. "I'm sorry... Me and Lauxien have a dinner date tonight. I apologize for rejecting your invitation."
Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito at pagwala ng ngiti sa labi ngunit nang kumurap siya ay wala na 'yong sakit sa mga mata nito na nakita niya kanina at nakangiti na ito. Am I hallucinating? "Boyfriend?" Tumango siya. "... I see... Enjoy, then?"
Ngumiti siya. "Thank you..." Tumango lamang ito. "Pupunta ka ba sa bahay mamaya? I bet, miss ka na nila mommy." Pag-iiba niya sa usapan.
"Bibisita siguro ako bukas, may gagawin rin kasi ako ngayon."
"Gano'n ba?... Aalis ka na?" Tanong niya nang tumayo ito.
"Ah, yeah. Binisita lang talaga kita." Pinisil na naman nito ang pisngi niya. "Aalis na ako, mag-iingat ka."
Tumango siya at kumaway rito, kumaway naman ito pabalik bago siya tinalikuran at lumabas ng coffee shop niya. Natigilan siya nang makita si Lauxien na nakatayo malapit sa pinto ng coffee shop, nakatingin ito sa kaniya.
"Lauxien..." Mahinang sambit niya sa pangalan ng kasintahan.
Nang maalala ang mga nabasa niya kanina ay bumalik siya sa opisina niya na hindi nililingon ang binata.
"Miracle!" Napatalon siya sa gulat nang maisara niya ang pinto ay bumukas iyong muli at pumasok doon si Lauxien. Tinalikuran niya ito ngunit nahuli nito ang kamay niya at hinila siya nito papalapit rito. Pilit niyang hinihila ang kamay niya ngunit humigpit lang ang hawak ng binata sa kamay niya para hindi siya makawala, "May problema ba? Bakit ka umiiwas? At sino 'yong kausap mo kanina?"
"K-Kanina ka pa?" Tumango ito, napalunok siya. "I-Its not what you think. Dale is a friend."
Nakita niya ang gulat sa mga mata nito. "Dale? 'Yong lalaking kasama mo noong birthday ng mommy mo?" Napanganga siya.
"Naalala mo pa 'yon?"
"Yeah. Siya lang naman 'yong pinagselosan ko kaya napaamin ako ng wala sa oras." Mahinang sagot nito pero rinig naman niya.
P-Pinagselosan? "Bakit mo naman siya pinagselosan, aber?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"You two are so close to each other that time. I wanna wreck his neck that time because of jealousy, you know. Do'n ko lang naamin sa sarili ko na may nararamdaman na pala ako sa 'yo. Indenial lang ako noon kaya akala ko kaaway pa rin ang tingin ko sa 'yo, 'yon pala iba na."
"I-I don't know what to say..."
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Storie d'amore"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan