Special Chapter

851 21 8
                                    

PAGKARAAN ng mahigit tatlong linggong pagpapagaling ni Lauxien sa hospital ay pinayagan na ito ng Doctor na lumabas at sa bahay na lamang ipagpapatuloy ang pagpapagaling. Ipinangako naman ng Doctor na bibisitahin ang kanyang asawa para sa check up nito.

Nagpresinta siyang siya na ang mag-aalaga sa asawa. Pinagbawalan pa siya ng pamilya Santillan dahil hind pa masyadong magaling ang tahi niya. Pero dahil matigas ang ulo niya ay napilit niya rin ang mga ito basta daw 'wag siyang magkikilos nang magkikilos. Pumayag naman siya dahil talagang gustong-gusto na niyang maalagaan ang asawa.

Kaya ngayon ay buhat-buhat niya ang anak niya, naglalakad siya papunta sa kuwarto nila ni Lauxien na katabi lang ng guestroom na naging kuwarto na nilang mag-ina. Kumatok muna siya ng dalawang beses sa pinto bago pumasok.

"What are you doing here?" Napanguso siya dahil sa kasungitan nito. Like the first time they met.

"Sinabi ko kina ma--- tita Aries na aalagaan kita---"

Kumunot ang noo nito pero gwapo pa rin sa paningin niya. "Why would you do that? You are my sister's friend and you don't have any responsibility on me." Putol nito sa sinasabi niya. "And, miss---"

Parang sinaksak ng ilang punyal ang puso niya dahil sa itinawag nito sa kanya.

"It's Miracle." Pagtatama niya.

"Okay. Miracle, better take care of your child than me and even yourself. Mukhang wala pang isang buwan nang manganak ka." Sabi nito. Napatingin siya sa anak niyang nasa bisig niya. Nakatitig ito sa kaniya kaya nginitian niya ito at hinaplos ang malambot nitong pisngi. When she look back at him, she caught him already staring at her. Her heart pounded fast. Ang mag-ama niya ay nakatitig sa kaniya. Umiwas rin ito kaagad ng tingin na ikinalungkot niya. Tumingin ito sa labas ng bintana bago ibinalik sa kaniya ang paningin dahilan para muling magtama ang paningin nila. "Where is your husband, the father of your baby?" Biglang tanong nito na hindi niya napaghandaan.

Kung ipagtatapat niyang ito ang asawa niya at ang ama ng anak niya ay baka makasama pa iyon sa kalagayan nito.

"He's busy somewhere. Wala siyang ipinangakong babalik siya pero naghihintay ako, kami ng anak ko." Hihintayin ka namin kahit pa umabot ng ilang dekadang hindi mo kami maalala. We will wait you, my King. I promise you that.

Tumango-tango naman ang asawa. "Kung gano'n, bakit gusto mo akong alagaan? Hindi naman ako ang asawa mo."

Hindi siya sumagot. Ano naman ang isasagot niya? Ayaw naman niyang sumama ang kalagayan nito baka hindi na talaga sila tuluyang maalala pa kapag nangyari 'yon.

"You really want to take care of me?" Basag nito sa katahimikang bumabalot sa kanila. Tumango siya. "Okay. Take care of me then." Nagulat siya sa desisyon nito. Talaga bang pumayag na ito sa pag-aalaga niya rito. Hindi naman siguro siya nananaginip, diba?

"Kukuha lang ako ng makakain mo para makainom kana ng gamot."

Tumango ito kaya naglakad na siya habang nasa bisig niya pa rin ang anak niya.

"Wait.."

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ito. "Bakit?"

"Let me handle your baby. Para hindi ka na mahirapan pa." Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi siya kaagad nakakilos sa kinatatayuan niya. Tumikhim siya at naglakad palapit rito. Maingat niyang inilipat sa bisig ng asawa ang anak nila. Kung tutuusin ay ito ang kauna-unahang nabuhat nito ang anak nila simula ng maisilang niya ito. Napangiti siya nang makita ang pag-iingat ng asawa sa pagkarga sa anak nila. Hindi kaya ito nakakaramdam ng lukso ng dugo?

Hindi na niya sinabi ang nasa isip niya. Nagpaalam na siya ritong kukuha ng pagkain nito at babalik rin kaagad.

Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niya roon si Virgo. "Nandito ka na pala. Wala sila mama ngayon, may pinuntahan sila. Mahalaga daw 'yon kaya hindi na lang ako nagtanong."

Tumango ito. "Kumain ka na ba? Si baby Xien, nasaan?"

"Oo, kumain na ako. Katatapos ko lang rin ma-breastfeed si baby Xien." Sagot niya sa unang tanong nito. "Si baby Xien nasa kuya mo."

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. "Kay kuya? Nakakaalala na ba siya?"

Malungkot siyang umiling. "Hindi pa. Sinabi niya kasing sa kaniya muna si baby Xien dahil mahihirapan akong kumuha ng pagkain niya."

Tinapik nito ang balikat niya. "Maaalala niya rin kayo, tiwala lang."

Tumango siya at kumuha na ng pagkain ni Lauxien. Nagpaalam na siya kay Virgo na aakyat na sa taas, tumango lamang ito dahil puno ng pagkain ang bunganga nito.

Nang makarating siya sa kuwarto ni Lauxien ay nagulat siya nang makitang mahimbing na ang pagkakatulog ng anak nila sa mga bising ng asawa. Tila kilalang-kilala nito ang ama.

Lumapit siya sa bedside table para ipatong ang tray na kinalalagyan ng kinuha niyang pagkain ng asawa. "Heto na ang pagkain mo. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Akin na ang anak ko."

Akmang kukunin na niya ito nang maingat na inilayo ng asawa ang anak nila sa kaniya dahilan para matigilan siya. "No. Ang himbing ng tulog niya, ayoko siyang magising."

"Paano ka makakakain niyan?" Kunot-noong tanong niya. Pati siya ay na-mo-mroblema.

"Subuan mo ako. Easy." Napanganga siya dahil sa suhestiyon nito at bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Tumikhim siya at hinila ang upuan na nasa malapit lang ng kama nito. Kinuha niya ang plato at sinimulang subuan ang asawa. Nang matapos itong kumain ay pinainom na niya ito ng gamot.

"Have you eaten already? Baka pinakain mo ako tapos hindi ka pa pala kumakain."

"Nope. Tapos na ako kanina pa bago kami pumasok ni baby dito sa kuwarto mo. Napa-breast feed ko na rin siya."

Tumango-tango ito. "Kaya pala ang himbing na ng pagkakatulog. Ang cute-cute naman ng baby namin."

Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito. Mukhang kahit hindi pa nakakaalala ang asawa ay napamahal na ito sa anak nila sa ilang minutong magkasama ang mga ito.

------

A/N: Good evening, arcanians. Naisipan kong gawan na lamang ito ng special chapter kaya sana magustuhan niyo. Enjoy reading. Have a good night.^_^

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon