Chapter 26

1.2K 36 3
                                    

INIYAKAP ni Lauxien ang mga braso sa baywang ng asawa. Alam niyang nagulat ito dahil tumaas ang balikat nito at nanigas ito sa kinatatayuan pero nang makilala nito ang yakap niya ay nag-relax ang katawan nito at isinandal ang katawan sa kaniya. Katatapos lang ng kasal nila kahapon. 3 weeks after his proposal, they planned their wedding with the help of their family and friends. Para sa iba ay mabilisan ang pagpapakasal nila. Pero para sa kaniya, sinisiguro niya lang na wala nang aagaw sa asawa. Sa kasal rin naman magtatapos ang kuwento nila, bakit pa papatagalin diba?

"What are you thinking, Mrs. Santillan?" Malambing na tanong niya sa asawa. Umiling ito at niyakap ang mga braso niyang nakapulupot sa baywang nito. "Tell me." Pamimilit niya.

"Hindi pa rin siya tumitigil... kahit kasal na tayo, gusto ka pa rin daw niyang agawin sa 'kin." Mahina lang ang pagkakasabi nito, pero rinig na rinig niya dahil nakapatong ang baba niya sa kanang balikat nito, sabay nilang pinapanood ang bukang-liwayway. Hindi niya kailangan pang tanungin kung sino o ano ang tinutukoy nito dahil alam na kaagad niya kung sino at ano 'yon. It's nurse Faye, kumikilos na ito dahil desperada na itong makuha siya. Who told you that I'll let you get me? I'm for Miracle's only. Pagbabayarin pa kita sa pagbabanta at pananakot sa mahal ko.

Nalaman niya lang 2 days ago bago ang kasal nila na may nagbabanta at nananakot na pala sa asawa niya nang mabasa niya ang natanggap nitong text mula sa isang hindi kilalang tao matapos niyang masagot ang tawag ang narinig ang pamilyar na boses ng babae. Nasa kusina sina Miracle at ang mama niya nang maiwan ang cellphone nito sa ibabaw ng maliit na mesa na naroon.

Flashback

Nasa bahay nila sila ngayon. Nasa kusina sina Miracle at ang mama niya dahil nag-be-bake ang dalawa ng strawberry cake, habang kasama niya ang ama at mga kapatid. Nanonood sila ng 'Iron Man' na paboritong-paborito ni Virgo.

Malapit nang magtapos ang palabas nang makarinig siya ng ringtone, cellphone iyon ni Miracle--- katabi ng cellphone niya. Nakita niyang unregistered number iyon, kinuha niya ang cellphone, tatayo na sana siya nang hindi sinasadyang masagot niya ang tawag. Inilapit niya ang cellphone sa tapat ng tainga niya para marinig niya ang nasa kabilang linya pero hindi siya nagsalita.

"--- at ang lakas pa talaga ng loob mong magpakasal sa pag-aari ko. Binantaan na kita. Uulitin ko, akin lang siya at hinding-hindi siya mapapasa 'yo..." Narinig niya ang nakakatakot nitong halakhak. Faye. Banggit niya sa pangalan nt nurse nang mabosesan ito. "Hindi ako makakapayag na ikasal kayong dalawa---"

Pinutol niya ang tawag at inopen ang cellphone para tignan ang messages nito. Buti na lang at hindi iyon naka-lock. Nag-iisa lang ang message na naroon at mula pa 'yon sa unregistered number na tumawag kanina. Binuksan niya iyon at binasa isa-isa. Napakuyom siya.

From: +63946572****
NATANGGAP MO BA ANG IPINADALA Ko SA 'YONG PATAY NA PUSA? GANOON ANG MANGYAYARI SA 'YO KAPAG HINDI MO PA HINIWALAYAN SI LAUXIEN. HAHAHAHAHAHA.

Nag-tagis ang bagang niya. Nababaliw ka na.

From: +63946572****
ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO!!! SINABI KO NANG HIWALAYAN MO SIYA PERO TINANGGAP MO PA RIN ANG PROPOSAL NIYA!!! MAPAPATAY KITA!!!

"Here's our home-made strawberry cake. Own recipe of Mira--- What's wrong, anak?" Nagtatakang tanong ng mama niya nang makita siya nito pagkalapag nito ng cake sa mesa. Nakasunod rito si Miracle na bitbit ang mga gagamitin nilang kubyertos at platito, inilapag na rin nito ang mga iyon sa mesa bago siya nilingon. Napakunot ang noo nito nang makitang hawak niya ang cellphone nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'king pinagbabantaan at tinatanakot ka na pala ni Faye? Nagpadala na pala siya ng mga death threat sa 'yo, wala ka manlang sinabi sa 'kin. Ano pa'ng silbi ko kung hindi ko manlang alam na may gumagawa na pala ng mga ito sa 'yo?"

Natahimik ang kabahayan dahil sa tanong niya. Kalmado ang hilatsa ng mukha niya pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang magwala sa sobrang galit.

"Faye?" Takang tanong nito.

Napanganga siya. Sa lahat ng sinabi niya, 'yon lang ang tumatak sa isip nito?

"'Yong nurse na patay na patay kay kuya... remember the girl na pumunta dito sa bahay noong birthday ni mommy kahit hindi imbitado, ate?" Singit ni Sera. Tumango si Miracle. "Siya 'yon, ate."

"Wait--- what?! Tinatakot si Miracle?!" Histerikal na tanong ng mama nila. Humarap ito kay Miracle at hinawakan ito sa kamay. "Bakit hindi mo sinabi, hija?! Nasa bingit na ng kamatayan 'yang buhay mo tapos wala ka manlang sinasabi?! Alam ba ito ng mga magulang mo?!" Umiling si Miracle. "Kailangan natin 'tong ipaalam sa mga magulang mo, hija! Hindi na biro ang pagiging obsess ng Faye na 'yon sa anak ko!"

End of flashback

Kaya ginawa nilang pribado ang pagpapakasal nila pero nakakuha pa rin ng impormasyon ang babaeng iyon.

"Pa'no kung bigla na lang siyang sumugod para patayin ako o may utusan siyang tao para ipapatay ako?!" Nanginig ang asawa sa takot. "Ayokong mangyari 'yon, Laux!"

"Shh. Kumalma ka. Hindi ko siya hahayang makalapit sa 'yo at hawakan ni gahibla ng buhok mo. Mapapatay ko muna siya bago mangyari 'yon." Niyakap niya ang asawa at pinakalma ito. "Nasa honeymoon tayo kaya huwag mo na muna iyong isipin. Let's make love, again." Binuhat niya ito at dinala sa kama. Kinubabawan niya ito at tinitigan sa mukha. "Gawin na natin si Miracle #1."

Natawa sila pareho dahil sa sinabi nito pero natigil rin iyon ng siilin siya nito ng halik.

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon