Chapter 19

1.3K 36 0
                                    

"HI!" masiglang bati niya kay Lauxien nang makapasok ito sa coffee shop niya.

Nangingiting inabot nito sa kaniya ang hawak na bulaklak. It's a three stem of fresh red roses, her favorite. "Thank you." Inamoy niya iyon at napapikit siya ng maamoy ang pabango ng binata. "Bakit pareho kayo nito ng bango?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Nahihiyang ngumiti ito. "I'd sprayed my perfume on that roses. Is it bad?"

Napailing siya. "No, ang bango nga, eh. I love the smell, like you." Natawa siya ng makita ang pamumula ng tainga at pisngi ng binata. "Ganyan ka ba kiligin? Namumula ka."

Umiwas ito ng tingin. "This is normal."

"I don't think so." Pang-aasar niya.

"Geez. Brownies for you..." Inabot nito sa kaniya ang tatlong box na may lamang brownies, nakita niya pa ang pangalan ng pinagbilhan nito. Aabutin na sana niya iyon ng bawiin nito kaya napataas ang kilay niya. "Let me carry it for you, hmm? Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito mo kaya ito muna ang ibibigay ko. Chocolate pa rin naman ang brownies, diba?" Tumango siya. "So, yeah."

Naglakad siya papasok sa office niya, sumunod naman ito. "Dito tayo." Aya niya. Naupo sila sa mahabang sofa na naroon sa loob ng office niya. Bumaling siya kay Lauxien na iginagala ang paningin sa loob ng office niya. "Pasensiya ka na kung magulo. Hindi kasi ako naka---"

"No. Its neat and I like the ambiance." Inilapag nito ang tatlong box ng brownies sa maliit na lamesita sa harap nila. Umupo ito ng maayos at idinantay ang isang kamay sa sandalan ng kinauupuan nila, kung titignan ay para na itong naka-akbay sa kaniya.

Tumango-tango siya tsaka siya tumayo. Kinuha niya ang isang vase na hindi masyadong kaliitan para ilagay ang hawak na rosas. "Sa'n mo 'to binili?" Tanong niya. Nag-lakad siya palapit sa table niya bitbit ang vase na pinaglagyan niya ng mga rosas, inilapag niya ito sa tabi ng picture frame na naroon.

"Hindi ko 'yan binili," Nilingon niya ang binatang prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nakatitig sa kaniya, nagtama ang paningin nila. "galing 'yan sa garden ni mama---"

"What‽" Histerikal na tanong niya. "Ba't ka pumitas do'n? Baka mamaya magalit ang ma---"

"Nagalit nga siya, eh. Pero nang malaman niyang sa 'yo ko ibibigay, pumayag na rin siya. Sinabi pa nga niyang bigyan kita ng isang dosena pero sinabi kong tatlo lang." Tinaasan niya ito ng kilay. Napakamot ito sa noo. "Tatlo para I.LOVE.YOU."

Tinalikuran niya ito para hindi nito mapansin ang pamumula ng pisngi niya. Ano ba 'yan, Miracle‽ 22 ka na, feeling dalaga ka pa rin! Kastigo niya sa sarili.

Napatalon pa siya sa gulat nang may humawak sa magkabila niyang balikat at ipaharap siya rito. Nabungaran niya ang nakangising mukha ni Lauxien, tila nang-aasar.

"Huwag ako ang asarin mo, ha!" Kunwari ay naiinis siya para hindi nito mahalata ang pamumula niya.

"Ganyan pala ang epekto ko sa isang Miracle." Nakangising sabi nito.

"Heh!" Inirapan niya pa ito at muling tinalikuran.

She heard him chuckled. "Tara na nga, sabay tayong mag-lunch." Tumango naman siya at nagpagiya rito. "Sa'n mo gusto?"

Napanguso siya. "Dito na lang kaya? Mag-order na lang tayo."

Tumango ito. "Sure. Sa'n mo ba gusto?"

"Jollibee, please." Nag-puppy eyes pa siya.

Pinisil nito ang ilong niya. "Sure. Ano'ng gusto mo?" Inilabas nito ang cellphone.

Sinabi niya ang mga gusto niya at hinayaan na niya itong mag-order. Lumabas muna siya ng opisina niya para sabihan ang mga empleyado niyang mag-lunch na muna.

"GUSTO mong pumunta muna sa bahay?" Tanong nito nang nasa loob na sila ng kotse ng binata para ihatid siya pauwi. Iniwan niya ang kotse niya sa parking lot at si Lauxien na raw ang bahalang ipahatid ang kotse niya mamaya.

"Sure. Miss ko na rin sina tita Aries. Tsaka sa bahay niyo na lang natin 'to kakainin." Itinaas niya pa ang tatlong box ng brownies na hindi nila nakain kanina dahil sa kabusugan.

Tumango naman ang binata at minaniobra na nito ang kotse.

"Did you already open my gift for you?" Tanong nito habang binabaybay nila ang daan.

"Sa dami ng regalong natanggap ko noong isang araw, wala pa akong binuksan ni isa. Tinamad ako." Natawa siya, natawa rin ito.

"Should I help you, then?"

She shook her head. "No need. Bubuksan ko na lang kapag sinipag ako. Pero siyempre, uunahin ko 'yong regalo mo."

Lauxien chuckled. "That's good to hear."

Nag-uusap pa rin sila ng kung anu-ano hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nina Lauxien. Ipinarada nito ang kotse bago ito bumaba at pagbuksan siya. Natawa pa siya ng ilahad nito ang kamay, animo inaaya siyang sumayaw. Tinanggap niya iyon kaya inalalayan siya nito palabas ng kotse.

"Hindi mo naman na 'yon kailangan pang gawin." Natatawang sabi niya rito.

"My Miracle should be treat like a Queen. And you're my Queen." Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito.

"Ehem! Papasok ba kayo o magkatitigan na lang?"

Nabaling ang paningin nila sa may gate na nakabukas na pala, nakatayo doon si Virgo na ang laki ng pagkakangisi sa kanila. Gano'n na ba sila ka-busy sa kakatitig sa isa't isa para hindi nila mapansin o marinig manlang ang pagbukas ng gate?

"Papasok siyempre." Sabi naman ni Lauxien at inalalayan na naman siya nito. Ang gentleman naman ng King ko.

------

A/N: Finally, may na-update rin. Thank you for waiting.

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon