Chapter 13

1.4K 38 1
                                    

AFTER her lunch with Dale, she busied herself in her coffee shop. Minsan ay napagsasabihan na rin siya ng mga magulang niya dahil hindi na daw niya inaasikaso ang sarili niya. She attend a seminar for 3 days, after that she busied herself again on her coffee shop. Umabot ng isang buwan ang pag-aasikaso niya sa coffee shop niya. Sinabihan na rin siya ni Sab na kaya naman nilang asikasuhin ang coffee shop at okay lang sa mga ito kung magsaya muna siya ngunit nagmatigas siya kaya hinayaan na lamang siya nito. Binibisita rin siya ni Dale sa coffee shop niya, nang huling punta nito ay nagpaalam itong babalik na ng U.S ngunit nangako itong aattend sa kaarawan ng mommy niya.

"Ow. Uwian na..." tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at nag-stretch. Napahikab pa siya. "Nakakapagod."

"Sinabi na kasi naming kaya na namin dito, ma'am. Mapilit po kasi kayo kaya pagod na pagod kayo." sabi ni Sab na kakapasok lang ng opisina niya, hawak nito ang sariling bag.

"Kaysa naman magmukmok ako sa bahay, mas magandang abalahin ko na lamang ang sarili ko dito." sabi niya. "Bakit nandito ka pa, umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng anak mo."

Napakamot ito sa batok at ngumiti sa kaniya. "Eh baka kasi may kailangan pa kayo, ma'am, kaya hindi pa ako umuuwi. Tsaka nagligpit at naglinis pa kami."

Napailing siya dahil sa kasipagan ng mga trabahante. "Oh siya," kinuha niya ang bag niya. "tara na at baka gabihin ka pa pauwi."

Sabay silang lumabas ng opisina niya. Chineck niya muna ang mga kagamitan baka may nakaligtaan ang mga empleyado niya, nang makitang maayos naman na lahat ay lumabas na sila sa coffee shop. Inilock na rin niya ito tsaka siya humarap kay Sab na hinihintay siya.

"Mag-fa-file nga pala muna ako ng isang Linggong leave. Since you're my secretary, sa 'yo ko ipapaalam."

"Sige, ma'am. Kami na ang bahala, kabayaran manlang sa pagbibigay mo sa 'min ng day off." nakangiting sabi nito.

"Sige, mauuna na ako. Mag-iingat ka."

Muli pa siyang nagpaalam kay Sab bago siya lumapit sa kotse niya. Sumakay na siya at pinaandar ito. Bumusina muna siya ng isang beses bago niya ito minaniobra paalis.

SINCE nag-file siya ng leave kahapon, naisipan niyang sumubok ulit mag-bake ng cookies. Sumubok na rin siya last week at medyo hindi maganda ang kinalabasan ng binake niya.

"Oh, hija. Nakapag-almusal ka na ba?"

Nilingon niya si 'nay Isabel na kakapasok lang ng kusina. "Oho, 'nay. Kayo ho, kumain na ho kayo?"

"Tapos na kanina pa, hija. Isinabay ako ng mga magulang mo." ngiting sagot nito. "Ano 'yang pinagkakaabalahan mo, hija?"

"Sinusubukan ko hong mag-bake ulit, 'nay," ibinalik niya ang paningin sa ginagawa. "may balak rin ho kasi akong magpatayo ng cake and pastries sa tabi ng coffee shop."

"Aba maganda 'yan, hija, para naman may pinagkakaabalahan ka."

Hinayaan siya ni 'nay Isabel na mag-bake habang pinapanood siya, minsan ay tumutulong ito kaya hindi siya nahirapan sa pag-bake.

May balak talaga siyang magpatayo ng cake and pastries kaya gusto niyang matuto sa pag-be-bake, kukuha rin siya ng magaling mag-bake kung sakali para may ka-tulong siya. Bata pa lamang siya nang nahiligan niyang manood ng mga binebake sa youtube ngunit nang mag-kolehiyo siya ay Engineering ang kinuha niyang kurso.

"'Nay, bibisitahin ko lang ho si tita Aries." paalam niya nang pumasok siya sa kusina at nakita ito. Kinuha rin niya ang nakapaper bag na nasa ibabaw ng mesa.

"Si ma'am Aries nga lang ba?" may himig panunuksong tanong nito.

"Oo nga, 'nay. Huwag niyo nga ho akong tuksuhin kay Lauxien." napasimangot siya.

"Wala naman akong binanggit na pangalan, hija." mas lumaki ang pagkakangiti nito.

Gusto niyang kutusan ang sarili nang marealize na wala nga itong nabanggit na pangalan. "Ah basta, 'nay. Si tita Aries ho ang bibisitahin ko."

Tinalikuran na niya ito ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang huling sinabi nito.

"Kaya pala namumula ang pisngi mo, hija."

------
A/N: Sorry for my late and short update, babawi ako sa susunod.

When The Doctor Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon