NANG makarating sila sa labas ng gate ay pabalibag niya itong binitawan at dinuro. "What the hell are you doing here? Are you even invited? I don't think so."
Nangingilid ang mga luha nitong tumingin sa kaniya. "L-Lauxien..."
"How many times do I have to reject you just for you to stop?! Can't you see yourself?! Para kang lintang kapit nang kapit sa 'kin! Mahiya ka naman sa sarili mo, babae ka pa naman! Act like one, will you?!" sigaw niya rito.
Ang kaninang nangingilid na mga luha nito ay nagsibagsakan na subalit wala siyang maramdamang awa para rito. "Umuwi ka na! Don't be a gatecrasher and a desperate one!"
Tinalikuran niya ito at naglakad na papasok. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit mula sa likuran. "Ipagtabuyan mo na ako't lahat-lahat, hindi pa rin ako titigil sa pagiging desperada makuha lang kita, Doc." may bahid na ng landi ang pagkakasabi nito.
Tinanggal niya ang kamay nitong nakayakap sa kaniya at muli itong hinarap. "Don'---" natigil ang akmang pagsasalita niya nang bigla siya nitong hinalikan. Natigilan pa siya sandali bago siya nakahuma at itinulak ito ng malakas dahilan para mapaupo ito sa semento. Pinunasan niya ang labi at masama ang tinging ipinukol niya rito. "Don't you ever do that... again! Hindi na ako natutuwa sa 'yo! Stay away from me!" tuluyan na niya itong tinalikuran at pumasok sa bahay nila.
Hindi na siya muli pang bumalik sa party ng mama niya at umakyat na lamang siya sa kuwarto niya.
Masama pa rin ang loob niya dahil sa nangyari. Hinubad niya ang lahat ng saplot at hubo't hubad na pumasok sa banyo. Hinayaan niyang lumagaslas ang tubig sa katawan niya.
Nakatapis siyang lumabas ng banyo. Hindi na siya nagulat nang makitang nakaupo sa kama niya ang bunso nilang kapatid. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
"Kuya, puwede ba kitang makausap?"
Tumango siya. "Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako sa veranda."
Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pumasok na siya sa loob ng closet niya. Hindi na siya namili pa ng susuotin, dinampot niya lang ang nasa pinakaibabaw sa mga damit niya tsaka ito isinuot.
"ANO'NG pag-uusapan natin?" tanong niya sa nakababatang kapatid nang mabungaran niya ito sa veranda ng kuwarto niya. Nakadungaw ito sa baba kaya tumabi siya rito at dumungaw rin sa ibaba.
"Bakit nandito 'yong Faye na 'yon, kuya? Naiinis ako sa babaeng 'yon." halata ang inis sa boses nito.
"I don't know. Pati ako ay nagulat nang makita siya lalo na sa ginawa niya kanina." nagtagis ang bagang niya nang maalala ang mga ginawa kanina ni Faye. "Pasalamat siya't hindi siya napansin ng mga bisita ni mama kung hindi baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya't makalimutan kong babae siya."
"Kung tayo-tayo lang siguro kanina baka nasabunutan ko na 'yon, kuya. Ever since nakita ko 'yong pagmumukha niyon? Hindi ko na talaga nagustuhan. Nadarag ko pa nga kanina si Miracle kasi akala ko isa rin siya sa naghahabol sa 'yo."
Hindi niya alam ngunit bigla na lamang siyang kinapos ng hininga nang marinig ang pangalan ng dalaga ngunit hindi siya nagpahalata sa kapatid.
"Bakit kasi ang pogi mo, kuya?" maya-maya pa ay binasag nito ang katahimikang bumabalot sa kanila.
Nagkatinginan sila at biglang nagkatawanan. "Sorry nga pala, kuya."
"Para saan?" nagtatakang tanong niya.
"Sa sinabi ko the last time." bumuntong-hininga ito at tumingala sa langit. "Sa totoo lang, kuya... naiintindihan ko naman kayo, eh. Iniisip niyo lang ang magiging future ko. Hindi ko pa naman iniisip ang mga boyfriend-boyfriend na 'yan kasi alam ko namang may tamang panahon para diyan. 'Yong sinabi ni kuya Virgo, hindi talaga totoo 'yon, kuya. Ang lakas kasing mangtrip ni kuya, eh. Sorry talaga, kuya."
Hinaplos niya ang buhok ng kapatid kaya napatingin ito sa kaniya. "Ang mahalaga alam mo kung ano ang tama at mali. Basta lagi mo lang tatandaan na suportado ka namin sa lahat ng gusto mo, lalo na ako. Pag-aaral muna ang atupagin mo at hindi ang boyfriend-boyfriend na 'yan dahil tulad ng sinabi mo, may tamang panahon para diyan. Hindi ako galit sa 'yo kaya huwag ka nang mag-alala diyan." nginitian niya ito.
Napangiti rin ito at yumakap sa kaniya. "Napaka-understanding naman ng kuya ko. Pogi na understanding pa, san ka pa?"
Natawa siya. "Wala na akong sinabi." ginulo niya ang buhok nito.
Napanguso ito. "Ang ayos-ayos ng buhok ko tapos guguluhin mo lang, kuya."
Muli siyang natawa dahil sa sinabi nito.
"Wow, ha! Nakalimutan niyo yata ako! Parang hindi niyo ako kapatid ha?! Nakakatampo naman!"
Sabay silang napatingin sa bungad ng veranda. Nakatayo doon si Virgo na masama ang tingin sa kanila.
"Nye nye nye! Si kuya Lauxien lang ang kapatid ko." pang-aasar dito ng bunso nila tsaka ito binelatan.
Natawa siya sa dalawa at tumingin na lang sa baba kung saan idinadaos ang kaarawan ng mama nila.
Nakita niyang naglalakad si Miracle kasama ang mama nila, mukhang ihahatid nito ang dalaga sa labas dahil doon ang tungo ng mga ito. Napatitig siya dalaga. Ano ba 'tong nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita o 'di kaya naririnig ko lang ang pangalan mo? Ngayon lang'to nangyari sa 'kin at hindi pa 'to pamilyar sa 'kin.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan