WALA pang 6 pm ay nasa bahay na nila si Lauxien. Nang tanungin niya kung bakit maaga pa sa alas sais ang dating nito ay natawa siya sa sagot nito but at the same time ay kinilig siya.
"Namimiss ko na kaagad ang reyna ko." Sabay kindat sa kaniya. Kung wala lang do'n ang mga magulang niya ay baka tumili na siya dahil sa kilig.
Tumikhim muna siya bago hinarap ang mga magulang niyang kanina pa nakamasid sa kanila. "Mom, dad, alis na po kami." Humalik siya sa pisngi ng mga ito.
"Sige, anak. Enjoy." Sabi ng mama niya na nanunukso ang tingin.
"Bago mag-1:00 ng madaling araw, naihatid mo na ang prinsesa namin." Sa binata bumaling ang ama niya.
"Before 10, tito, naihatid ko na ho siya." Magalang na sagot ng binata."
"That's good to here. Drive carefully for your both safety." Tinapik ng ama niya ang balikat ng binata tsaka siya binalingan, "If you think this is the right time for that, then say yes and be happy." Nakangiting sabi nito.
Ngumiti naman siya at pabirong sumaludo sa ama niya. "Sir, yes, sir!"
Pare-parehong silang natawa, muli siyang nagpaalam na sa mga magulang niya bago sila lumabas ng bahay.
"You may now enter, my queen." Yumuko pa ang binata at inalalayan siya papasok ng kotse nito. Ito pa mismo ang nagkabit ng seatbelt niya bago siya hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya. "You're so beautiful without a make up." Sabi nito bago isinara ang pinto ng kotse.
Biglang namula ang pisngi niya. Tumikhim siya at umayos ng upo nang bumukas ang pinto sa driver seat at pumasok do'n ang binata.
"WHERE are we going?" Miracle asked while he's driving.
"Secret." Nagtama ang tingin nila sa rearview mirror. Kinindatan niya ito, napangisi siya nang makita ang pamumula ng pisngi ng dalaga. She's a beauty, really.
Nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan nang may maalala siya kaya nagtanong siya, "Ano pala 'yong tinutukoy ni tito kanina?"
"It's nothing."
"So you're making secrets now?" Napataas ang isang kilay niya.
"Malalaman mo mamaya." Maikling sagot ng dalaga na pinapanood ang dinadaanan nila. Hindi na niya ito kinulit pa at itinuloy lang ang pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa binili niyang rest house.
"We're here." Anunsiyo niya at ipinarada ang sasakyan niya sa harap ng rest house. Bumaba siya para pagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Where are we?" Tanong ni Miracle nang makababa ito ng sasakyan. Nakikita niya ang pagkamangha sa mga mata nito habang inililibot ang paningin sa paligid.
"We're here at my rest house. I've bought it a month ago." Sabi niya at inilibot rin ang paningin sa paligid. "I was driving that time to go home when this house caught my attention while thinking of you. So, I bought it and its my gift for you."
"Gift? For me?" Tumango siya. "But it's not my birthday."
Nilingon niya ang dalaga at nginitian. "Whether it's your birthday or not, it's still my gift for you."
Lumapit ito sa kaniya at yumakap habang nanunubig ang mga mata. "Thank you so much for this. Hindi ko naman kailangan ng rest house bilang regalo, eh. Your presence is enough for me."
"Pinapakilig mo ba ako?"
Natatawa itong umiling. "Nah-ah. I think, that's my effect on you."
Natatawang napailing siya at iginiya ang dalaga papunta sa likuran kung nasaan ang swimming pool.
"Wow!" Manghang sambit ng dalaga. "These are all your ideas?" Lumapit ito sa blanket na nakalapag sa damuhan, may basket na doon na puno ng mga pagkain. May maliliit rin na unan, dalawang wine glass at wine. Simple for a date. Sumunod siya sa dalaga at naupo sa tabi nito.
"I don't know your ideal type of date. I'm not a romantic kind of man. Humingi lang ako ng suggestion sa mga magulang ko, I hope nagustuhan mo."
"I love it. Thank you." Niyakap siya nito ng mahigpit na tinugon naman niya.
"For you, my Queen, I'll do anything to make you happy." Hinalikan niya ito sa noo. "Let's eat?"
"Sure."
'Yon nga ang ginawa nila, kumain habang nag-ku-kuwentuhan ng mga bagay-bagay tungkol sa mga sarili nila.
"YES!" Sambit niya habang hinahaplos ang buhok ng binatang nakaunan sa mga hita niya.
Natigilan ito. "W-What?"
Natawa siya. "Yes. Sinasagot na kita."
Naramdaman niya ang paninigas nito. Nakatitig lang ito sa kaniya na parang may nasabi siyang nakakamangha. "Hey, are you okay?" Tapik niya sa pisngi nito.
"F-For real?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya. "Sinasagot mo na talaga ako?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit parang hindi ka naniniwala? Mukha ba akong nagbibiro?" Umiling ito. "Hindi naman pala."
"Hindi lang ako makapaniwalang sasagutin mo ako ngayon. Hindi ako nakapaghanda, dapat sinabihan mo ako."
Natawa siya at pinisil ang ilong nito. "Hindi na 'yon surprise kung sasabihin ko kaagad sa 'yo."
"Tayo na talaga?" Paninigurado nito. Tumango siya.
Bigla itong tumayo, akala niya ay aalis ito at iiwan siya pero napalitan iyon ng tawa nang magtatalon ito sa harap niya.
"Yes! Yes! Sinagot na ako ng babaeng pinakamamahal ko! Whooo!" Bumalik ito sa tabi niya at hinalik-halikan sa labi at noo. "I love you. I love you. I love you."
"I love you, too." Nakangiting sambit niya.
Muli itong umunan sa hita niya at tinitigan siya.
"Bakit nakatitig ka sa 'kin?" Tanong niya.
"Hindi mo pa sinasabi kung ano 'yong ibig sabihin ni tito kanina."
Hinaplos niya buhok nito. "Sinabi niya sa 'kin noong nag-usap kami na kung handa na ako at ito na talaga 'yong tamang panahon, gawin ko daw."
Tumaas ang isang kilay nito. "And that is?"
Napangiti siya. "To say 'yes' to you."
------
A/N: Sorry for the late update.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan