KAKAGISING niya lang nang dali-dali siyang bumaba ng kama at tumakbo papasok sa banyo dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Puro tubig lang ang naisuka niya, nang maramdamang wala na siyang mailalabas ay nagmumog siya. Nanghihina siya nang makalabas siya ng banyo at 'yon ang nabungaran ng asawa na kakapasok lang ng kuwarto nila, nakangiti ito ngunit nang makita siya sa gano'ng kalagayan ay nawala ang ngiti nito at napalitan iyon ng pag-aalala.
Dali-dali itong lumapit sa kaniya at binuhat siya nang muntik na siyang matumba sa sahig. "What happened to you, my Queen? Namumutla ka. Dadalhin kita sa hospital."
"I'm fine, my King. Medyo nahihilo lang ako at nasusuka." Mahinang sagot niya.
"Kailangan na kitang dalhin sa hospital ku---"
Umiling siya. "Ibaba mo na lang ako sa kama dahil gusto ko pang matulog."
Inilapag siya nito sa kama at sinalat ang noo niya. "Hindi ka naman mainit, wala ka namang sinat."
"Okay lang ako. Sige na, iwan mo na ako rito." Ipinikit niya ang mga mata, naramdaman niya ang pagtabi nito sa kaniya. Niyakap siya nito mula sa likod. "Lauxien, ano ba?!"
"Kumain ka muna bago mo ipagpatuloy ang pagtulog---"
"Hindi ako nagugutom." Tinanggal niya ang brasong nakayakap sa kaniya. "Umalis ka nga dito, ang baho mo."
PAGKALABAS niya nang kuwarto ay inamoy-amoy niya ang sarili niya. Hindi naman siya mabaho, ah. Ikinibit-balikat na lamang niya ang sinabi ng asawa at kinuha ang mga niluto niya para ilagay sa isang maliit na tray bago umakyat sa itaas para pakainin ang asawa niya.
Inilapag niya ang hawak na tray sa ibabaw ng side table. "My Queen, kailangan mo nang kumain. Magtatanghali na---" Gising niya rito.
"Ang baho mo, maligo ka nga!" Panunulak nito.
Wala siyang magawa kung hindi ang pagbigyan ito. "Okay okay, maliligo na."
"Huwag kang magpabango, ang baho ng pabango mo...!" Pahabol nito.
Napanganga siya. Noon, gustong-gusto nito ang amoy niya. Pero ngayon, nababahuan na sa kaniya ang asawa. Gusto niyang magwala pero hindi niya itinuloy at pumasok na lamang sa banyo para maligo.
Nang matapos siyang maligo at magbihis ay lumabas na siya ng kuwarto. Napangiti siya nang kinakain na ng asawa ang inihanda niya. "My Queen, I'm done..." Sabi niya nang makalapit siya at maupo sa tabi nito. "Okay na ba ang amoy ko sa 'yo?"
Bumaling ito sa kaniya at inilapit ang mukha sa leeg niya para amoyin siya. "Hmm... Ang bango mo." Hindi na nito tinapos ang kinakain dahil ang leeg na niya ang pinagdiskitahan nito.
"Hind mo inuubos 'yong pagka---"
"Ubusin mo na lahat... Busog na ako..." Bulong nito sa kaniya.
"P-Paano ko 'yon gagawin kung nakapulupot ka sa 'kin?" Para kasi itong sawa na pumulupot sa kaniya at inamoy-amoy ang leeg niya.
Imbes na humiwalay ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kaniya.
"My Queen..."
Nakahinga siya nang medyo lumuwag ang pagkakayakap nito sa kaniya pero natawa rin siya nang marinig ang hilik nito. Nakatulog kaagad?
"CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Santillan! You're four weeks pregnant, Mrs. Santillan!" Nakangiting anunsiyo ng Doctora.
Ilang ulit na kasing nagsusuka ang asawa niya tuwing umaga kaya nag-alala na siya. Naisipan niyang ipa-check up ito sa Doctor.
Napatakip sa bibig ang asawa at nanubig ang mga mata. Napayakap ito sa kaniya.
"Hey, why are you crying?" Tanong niya rito at hinagod ang likuran nito para pakalmahin ito.
"I'm just happy. Magkakaanak na tayo."
Napangiti siya sa sinabi nito. "I'm happy, too. Tnhank you. Thank you so much."
"Kasama ka rin naman sa pagbuo nito kaya salamat." Niyakap siya nito nang mahigpit.
Sinabi ng Doctora kung ano ang hindi at pwedeng gawin. Binigyan rin sila nito ng reseta para kalusugan ng asawa at dinadala nito. Nagpaalam na rin sila sa Doktora pagkatapos.
"Sa'n mo gustong pumunta, my Queen?" Tanong niya nang makalapit sila sa nakaparadang kotse niya sa parking lot.
Humikab ito at isinandal ang ulo sa balikat niya. "I want to go home. I'm sleepy."
"Bilhin muna natin 'tong mga isinulat ni Dra. Lacosta bago tayo umuwi sa bahay. Pwede kang matulog na muna." Inalalayan niya itong sumakay sa kotse niya. Iniadjust niya ang upuan para makahiga ito. Inayos niya ang seatbelt nito bago isinara ang pinto at umikot papunta sa driver seat. Pinaandar niya ang kotse at minaniobra ang kotse paalis ng parking lot.
NATUTULOG pa rin ang asawa niya nang makarating sila sa bahay nila kaya maingat niya itong binuhat para ipasok sa loob ng bahay.
Pinagbuksan sila ni Virgo--- na sa tingin niya ay kagigising lang dahil gulo-gulo pa ang buhok nito.
Sinenyasan niya itong huwag maingay at umakyat sa hagdanan--- buhat-buhat pa rin si Miracle na mahimbing ang pagkakatulog--- nagpasalamat siya nang biglang sumulpot si Virgo para pagbuksan siya ulit ng pinto ng kuwarto niya. Maingat niyang inilapag ang asawa sa kama niya--- na kama na nila ngayon.
"Sleep well, my Queen." Hinalikan niya ito sa noo at kinumutan bago siya lumabas ng kuwarto para kunin ang mga binili niya kanina.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan