PAGKABABA niya ay may nakita siyang isang lalaki na nakaupo sa sofa nila, nakatalikod ito sa kinaroroonan niya. Lalapitan na sana niya ito para tanungin kung sino at ano ang ginagawa nito sa bahay nila nang lumabas ang mga magulang niya mula sa kusina, kasunod ng mga ito ang dalawang maid na may bitbit na meryenda, hindi siya napansin ng mga ito.
"Here, hijo. Home-made cheese tart with orange juice. Masarap 'yan, ako mismo ang may gawa." magiliw na wika nito sa lalaki.
Naupo ang mga magulang niya sa tabi ng lalaki dahil na rin sa mahaba ang sofa, umalis na rin ang mga maid na naghatid ng meryenda. Nakatayo lang siya roon habang pinapanood ang mga itong masayang nagmemeryenda.
"Masarap nga tita. Hanggang ngayon hilig niyo pa rin ho pala ang pagbebake." rinig niyang sabi ng lalaki, pamilyar ang boses nito sa kaniya.
"Mom, dad, who is he?" Napalingon ang mga ito sa kaniya. "Oh my god!" napatakip pa siya sa bibig niya nang mamukhaan ito. "Dale?! Dale--- ikaw nga!" tumakbo siya palapit dito at niyakap ito.
Natatawang niyakap naman siya nito pabalik. Siya ang naunang bumitiw dito at hinarap ito. "Kamusta ka na? Parang kailan lang noong huli tayong nagkita. Ang laki ng pinagbago mo." manghang sabi niya rito. Umupo siya sa bakanteng espasyo katabi nito.
"Ito gwapo pa rin." umingos siya kaya natawa ito. "Ikaw kamusta ka na? Mas lalo kang gumanda."
Nakikita niya ang paghanga sa kislap ng mga mata nito pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. "May pinagmanahan, eh." sabay silang natawa dahil sa biro niya.
Nakarinig sila ng tikhim kaya nabaling ang tingin nila sa mga magulang niya na lumipat na pala sa sofang kaharap nila, magiliw silang pinapanood ng mga ito.
Napailing siya at tumayo na. "Mom, dad, may pupuntahan pala ako ngayon. Sa labas na rin ako mag-la-lunch." paalam niya.
"Sige, sweetie. Pero kung makakaabot ka mamayang lunch, umuwi ka, ha?"nakangiting sabi ng mommy niya.
"Okay. Mom, dad, I'll go ahead." paalam niya sa mga magulang tsaka siya bumaling sa binata na nakatingin sa kaniya. "Dale, maiwan na ki---"
"No need. Sasabay na ako sa 'yo." tumayo na ito at nagpaalam na rin sa mga magulang niya.
Sabay silang lumabas ng bahay nila hanggang sa makarating sila sa kotse niyang nakaparada sa labas. Luminga siya para tignan kung may iba pang kotse doon pero wala na kaya kunot-noo siyang napatingin kay Dale.
"Ah, hehe. Sasabay sana ako sa 'yo." napakamot pa ito sa batok kaya natawa siya.
"Sure. Sakay na." sumakay na siya sa driver seat. Sumakay na rin si Dale kaya minaniobra na niya ang sasakyan paalis.
Dumaan muna sila sa coffee shop niya bago sila dumiretso sa kompanya ng kilala niyang isang event organizer.
"Good morning." bati niya rito nang makapasok sila sa opisina nito.
"Good morning. Please, have a seat." turo nito sa sofa na nasa loob ng opisina nito tsaka ito naupo sa single sofa. May mga magazines na rin na nakapatong sa kaharap nilang lamesita. "Nandiyan na lahat ng pagpipilian tungkol sa napag-usapan natin noong isang araw. Just pick what you want for designs and I'll list it."
Ms. Lynne Tria Merced, ang event organizer na laging nag-o-organize ng mga events. Kinuha na rin niya itong organizer noong kaarawan ng daddy niya dahil na rin sa maayos ang serbisyo nito at ng mga kasama nito.
Lunch na nang matapos sila kaya habang nasa byahe sila ay kumakalam na ang sikmura nila. "Kain muna tayo. Nagugutom na ako." sabi niya.
Natawa ito nang kumalam na naman ang sikmura nito. "Mabuti pa nga. Ngayon lang ako ginutom ng ganito. May alam ka bang restaurant na masarap ang niluluto nila at nakakabusog?"
Mabilis siyang tumango. "Doon sa Gen's Restau. Sa harap 'yon ng hospital. Masarap ang pagkain nila doon. Mahal pero worth it naman."
"Sige doon na lang tayo. Malapit na ba?"
Tumango siya at hindi na muling nagsalita pa.
"NANDITO na tayo." anunsiyo niya. Bumaba na siya ng sasakyan, sumunod naman itong bumaba. Sabay silang pumasok ng restau, pagpasok nila ay may ilang kumakain na napapatingin sa kanila. Makikita ang paghanga sa mukha ng mga ito lalo na sa mga babaeng halos maglaway na kakatitig sa kasama niya.
"Good noon, ma'am, sir. Table for two?" tanong ng sumalubong sa kanila na sa tingin niya ay manager ng restau.
"Yes, please." si Dale ang sumagot.
"This way, ma'am, sir." iginiya sila nito sa gilid na malapit sa bintana. Mahangin doon kaya nagustuhan nila. "Please wait for the order taker to get your order."
Pagkaalis ng sa tingin niya ay manager, tamang-tama naman ang pagdating ng order taker ng restaurant na may hawak na maliit na papel at ballpen kasama na rin ang dalawang menu na inilapag nito sa harap nila. Sinabi nila ang mga order nila dito. Bago ito umalis ay may inilapag itong papel sa mesa na may nakasulat na #28.
Nang maiserve ang inorder nila ay nagsimula na rin silang kumain. Natawa pa siya ng makitang parang gutom na gutom si Dale dahil sa bilis nitong kumain na akala mo may humahabol rito.
------
A/N: Still, thank you for waiting for an update.
BINABASA MO ANG
When The Doctor Fell In Love
Romance"Hindi naman ikaw 'yong tipo ko. Wala naman sa 'yo 'yong mga gusto ko sa isang babae. Pero bakit sa 'yo pa rin tumibok 'tong pesteng puso ko?" - Lauxien First Santillan ------ Santillan Siblings Series Book 1: Lauxien First Santillan