Pagkarating ko sa kusina ng umagang yon para mag-breakfast, nadatnan ko ang mga maids na pinag-uusapan ang magkapatid na Leventis at hindi na ako nagulat na pinangungunahan ito ni Rosamie. Ang babaeng toh! Ang harot! Isusumbong ko na siya sa asawa niya eh. Tumigil lang sila ng makita ko at agad na nag-disperse kung saan. Tinaasan ko ng kilay ang aking kaibigan at ngumiti lang ito.
"Kinikilig ka na naman dyan." sabi ko sa kanya ng inabutan niya ko ng kape. Lumakad kami papunta sa dining room kung saan nakahain ang mga pagkain at umupo ako sa isa sa mga upuan.
"Paano naman kasi, may isa na naman tayong hot na Leventis na kasama. Teka, titira na ba siya rito o pansamantala lang?"
"Mukhang mag-stay siya. Nagkausap din naman na sila ni Ace sa city. Natutuwa nga ako eh at nandito na ang dalawa."
"Naku, nakikita ko pa lang si Sir Ace busog na ko pero ngayon nalulula na ako sa kagwapuhan ng dalawa at kambal pa. Dios ko, kinikilig lahat ng mga babae rito." pinalo ko siya sa braso at napalabi ito.
"Ang harot mo! Pati pala asawa ko pinagnanasaan mo."
"Ihh Hindi lang naman ako noh! Yong mga dalaga nga rito kilig na kilig. Sobrang ganda mo kasi kaya alam nilang wala silang laban sayo."
"Magaganda din naman sila, pati din naman ikaw. Baliw na baliw nga sayo ang asawa mo eh, ang ganda pa ng anak niyo."
"Buti na lang nagmana siya sakin." natawa lang naman ako. "Tsaka hindi lang naman si Sir Ace ang hinahangaan eh kundi ikaw rin. Marami kayang may crush sayo Mella, at akala mo hindi ko rnapapansin ang paghanga sa mga mata ni Sir Yhuno at mukhang si Sir Thrivon na rin." namilog ang mga mata ko.
"Ano ba yang sinasabi mo Rosa!? Baka nagpapakalat ka na naman ng tsismis ah. At ano yang crush, crush na yan."
"Eh di yong mga binata dito na sobra ka ng hinahangaan. Kung wala ka lang asawa, naku! Maraming manliligaw sayo!" sasawayin ko sana siya ulit pero napalingon kami at nakita si Yhuno na halatang pilit ang ngiti.
"Manliligaw?" tanong niya habang nakatingin sa amin. "Sinong manliligaw?"
"Huwag mo na lang pansinin si Rosa, nagbibiro lang yan. Kain na tayo." yaya ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko. Inutusan ko naman si Rosa na pakainin ang alaga naming aso. Sobrang busy na ngayon dahil sa pagsisimula ng fiesta. Pinaghahandaan namin ang horse show at ang pag open ng farm sa lahat ng tao sa bayan ng dalawang araw para makapamasyal sila sa buong lugar. May free rides kami sa mga kabayo na inihahanda at nilabas at inaayos din namin ang mga ATVs at golf carts na pwede naming gamitin. So far, masasabi kong nag-eenjoy si Thrivon, mabilis din niyang nakapalagayan ng loob ang mga tao di sa farm. Tumutulong din siya sa clinic kasama si Dr. Dan at asawa niya, minsan tinutulungan niya rin kami sa animal clinic.
Maya-maya bumaba na rin si Thrivon at masaya kaming kumain ng breakfast. Pagkatapos non, pumunta na kami sa horse stables para tumulong sa paghahanda sa mga kabayo. Lalo na sa mga star horses na si Midnight, Zephyr at ang kanilang anak na pinangalanan naming Dawn. Si Yhuno lang ang nakakalapit kay Midnight na hindi nasasaktan kaya siya ang nakatoka rito, kami naman ni Thrivon kay Zephyr at Dawn. Syempre ginawa ko na rin ang annual checkup ko sa mga ito katulong si Nolan. Magtatanghalian na ng matapos kami at natuwa ako ng makita sina Rosamie at ang iba pa na may dalang maraming pagkain. Habang hinahanda nila ang mga pagkain, pumunta ako sa maliit na shed na may kalayuan sa stable para humanap ng extra tools. Tumitingin ako sa mga shelves ng marinig ko ang pagsara ng pinto at ng lumingon ako, nakita ko si Thri na may pilyong ngiti sa labi.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya habang lumalapit siya sa akin.
"Namimiss kasi kita mommy" sagot niya at hinapit niya ko sa baywang palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...