Maaga pa lang nasa basketball court na kami kung saan ang venue ng medical mission. Hindi na ko nagulat nang makita ng marami ang taong naghihintay doon. Buti na lang may mga tauhan na kaming nag-setup ng mga mauupuan at malalaking air coolers para maging komportable sila. Kasama ko si Doctor Dan, ang asawa niyang nurse na si Angeline, at ang assistant kong veterinarian din na si Nolan, at dala namin ang ibang mga gamit sa pick up truck at may kasunod na iba pa. Si Yhuno naman susunduin ang mga kakilala niyang mga tao para tumulong sa amin rito. Bago siya umalis sinabi niyang papunta na sila rito. Iniwan namin si Raider sa mansion kasama si Rosamie at iba pa. Hindi malayong mangyari na pupunta dito si mayor kasama ang asawa at anak niya. Binati kami ng mga tao ng makita kami at ang iba tinulungan pa kaming magbaba ng mga dala naming gamit. Ang iba na kasama namin ay nagbigay ng bottled water sa mga naroon, darating din mamaya ang pack ng pagkain at groceries para sa kanila. Ilang taon na naming ginagawa toh dito sa probinsya tuwing fiesta na ikinagagalak ng lahat. Sa likod naman ng court eh naroon ang mga taong dala ang kanilang mga alaga for checkup.
"Ayos ka lang Nolan?" tanong ko sa aking assistant at abala kami ngayon sa pag-aayos ng mga table na gagamitin namin. Bata pa siya at kakagraduate lang pero magaling at dedicated sa kanyang trabaho. Masasabi ko ring mahilig talaga siya sa hayop.
"First time ko Doc Mella pero siguradong magandang experience toh." napangiti lang ako at tinuloy ang aming ginagawa. Matapos kaming mag setup, tinulungan muna namin si Angeline na kumuha ng vital signs. Nagtataka ako kung bakit wala pa sila Yhuno hanggang ngayon, eight na ng umaga at maraming tao pa ang darating. Naku sana naman walang naging problema ako, doktor ako pero expertise ko eh sa mga hayop at hindi sa mga tao.
Punung-puno na ako ng pag-aalala nung mga oras na yon hanggang sa may dumating na van at tumigil malapit sa court. Unang bumaba si Yhuno kasabay ang iba pa na malalaking babae at lalake at nakasuot sila ng military shirt at pants. Kausap niya ang isa sa mga lalake na medyo may kahabaan ang buhok, wavy, at may semi beard sa mukha at magkasing tangkad lang sila. Napansin kong tumingin siya sa paligid at matamis siyang ngumiti ng makita niya ko. Lumapit siya sakin na kasunod ang lalake at habang palapit sila napapansin ko ang malaking pagkakahawig nila. Oh.My.God. Nandito ang isa sa mga kapatid niya, at napansin ko na may limp ito sa paglalakad. Nakasuot din ito ng military shirt at pants, dark green ang kulay ng mga mata niya na halatang marami na itong pinagdaanan, mas dark din ang pagka moreno niya at mala bato ang katawan na humahapit sa kanyang damit. Bahagya itong natigilan nang makita niya ako at ngumiti naman ako.
“Carmella, pasensya na kung natagalan kami. Hinarang kasi kami papasok dito sa bayan buti na lang sinunod ko ang payo mo na tawagan si Dad. Narinig lang nila ang boses niya eh umatras na sila.”
“Mabuti naman kung ganon, takot ang mga yon sa Dad ninyo eh.” binalingan ko ang kapatid niya at nagpakilala. “Hi! I’m Carmella pasensya na sa rude na welcome sa inyo ah. Wow… You guys do look alike, I’m sorry your?”
“Thrivon…” sagot nito sa malalim na boses na may hint of roughness. Inabot nito ang kamay na agad ko namang tinanggap. Gaya ng una kaming nagkakilala ni Yuno, pinisil din niya ang kamay ko at may naramdaman din akong kakaiba. “So, ikaw pala ang asawa ni Dad na palagi niyang pinagmamalaki sa amin. I want to thank you for taking care of him.”
“Thank you also for coming here… Ikaw ba ang sinasabi ni Yhuno na tutulong sa amin?” binitawan niya ang kamay ko at ngumiti siya at parang nanlambot ang tuhod ko don.
“Yes… I’m a military doctor. Pinakiusapan ko rin ang mga kaibigan ko that’s why we are here. We’ll start right away at mukhang marami pang tao na darating. Ipapakilala kita sa mga kasama ko.”
“Wait, tatawagin ko din ang mga kasama ko.” agad kong tinawag sila Doctor Dan at pinakilala sila kay Thrivon Leventis tapos ay pinuntahan namin ang mga kasama niya. Nagplano kami kung anong gagawin at ng nakapwesto na lahat, sinimulan na namin ang medical mission. Syempre may konting speech at pinakilala ko rin sa lahat ang magkapatid na Leventis. “Thank you talaga Yhuno, your my knight in shining armour talaga.” sabi ko sa kanya ng makalayo kami ng konti. Saglit ko siyang niyakap at dinampian ng halik sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...