Carmella 12

21.6K 132 2
                                    

May narinig kaming palapit na tunog ng takbo ng kabayo at paglingon ko, nakita ko si Yhuno sakay ang itim at malaking kabayo na si Midnight, isang black, arabian stallion. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagkakita ko sa kanya para siyang knight saving a damsel in distress. Isa pa, Midnight is a very large horse at may pagka stubborn, gulat nga ako at nagkasundo sila agad. Wearing a denim shirt, brown pants, boots with a cowboy hat, you can't deny that he's really gorgeous but his face is all dark, eyes swirling in anger habang nakatingin siya sa amin ni Christian. Bumaba siya sa kabayo, pi-nat niya ang head nito at binigay ang tali sa isa naming tauhan. Napansin kong nagbago ang mukha ng kaharap ko, curious siya pero parang may takot rin. Dahil siguro sa matinding aura na pinapakawalan ni Yhuno. Mabilis siyang lumapit, natuon ang pansin niya sa kamay na mahigpit na nakahawak sa akin. Matalim niyang tinitigan si Christian at marahas na tinanggal ang kamay nito. Hinila niya ko papunta sa kanyang likod para protektahan ako. 

"Who the hell are you and what are you doing here?" matigas niyang sabi. Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang likod para kalmahin siya. 

"At sino ka naman?!" galit na sabi ni Christian. "Ayos ah, wala lang asawa mo may kapalit na siya! Saan mo naman napulot toh?" hinablot niya ang kuwelyo ng damit nito na kinagulat ng lahat. 

"Ako lang naman ang anak ni Ace Leventis and you're trespassing here! Hindi ko rin papayagan na saktan mo si Carmella! Sino ka ba ha?!" 

"Ahh… So ikaw pala ang pinag-uusapan ng lahat. Yhuno tama ba? Kung ganon magpapakilala ako, Christian Santillan, the only son of Mayor Morgan Santillan, ang ama ko ang namumuno dito sa probinsya kaya huwag mo akong kakantiin Yhuno Leventis, sige ka…" 

"Pinagbabantaan mo ba ko? Wala akong pakialam kahit anak ka pa ng presidente. A guy like you is not welcome here, get out of my property right now!" tumawa lang ito tapos ay tumingin sakin. 

"Sige Carmella, I will see you again." nagtiim bagang si Yhuno at akmang susugurin siya pero pinigilan ko. 

“You will not!” galit na galit na sabi niya na kita na ang litid ng kanyang leeg. Ngumisi  lang ito at nag-air kiss pa habang nakatingin pa rin sakin. Sumakay na ang mga ito sa Hummer at umalis na. Binalingan naman ni Yhuno ang mga security guards. “Paano nakapasok ang mga yon rito? Ano ang silbi ninyo dito kung sino-sino lang naman ang nakakapasok ha?!” nakayuko lang naman ang mga ito at humingi ng pasensya. 

“Yhuno, kumalma ka nga…” sabi ko. “Wala kasalanan ang mga guards natin, malaya silang nakakapasok dahil pag pinipigilan sila, nasasaktan ang mga tauhan natin. Nakita mo ba ang mga kasama niyang bodyguards? Lahat may baril, may napahamak na dahil sa kanila kaya pinapabayaan na lang sila ni Ace.” 

“Ngayong nandito na ako hindi ko na hahayaan yon! Magha-hire ako ng special guards para dito sa farm, para sa ating lahat. Huwag kayong mag-alala Mang Hector hindi ko kayo tatanggalin at pasensya na at napagtaasan ko kayo ng boses.”

“Wala yon sir, may kasalanan din naman kami. Pasensya na po talaga, takot lang kami at baka may masaktan na naman na kasamahan namin.” sabi ni Hector.

“Tara muna sa loob para mag-usap. Hector, siguraduhin niyo na lang na nakaalis na sila dito sa farm.” bahagya itong ngumiti at tumango. Hinawakan ko naman sa braso si Yhuno papasok sa bahay papunta sa office. Pagbukas ko ng pinto, bigla na lang sumalubong sa amin si Raider na hindi mapakali at nanginginig. 

“Ma’am Carmella, takot na takot siya kanina pa mula ng marinig niya ang boses ng demonyong Christian na yon.” agad na sabi ni Rosamie. 

“Sige na Rosa, kami na ang bahala.” nag excuse ito at lumabas na. Bagsak naman sinara ni Yhuno ang pinto at ni-lock yon habang yakap ko na si Raider at inaalo siya. 

Carmella, Our Father's Wife (Old Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon