Napabuntong-hininga ako habang nakikita ang lahat ng tao sa mansyon na busy sa kanilang ginagawa. May naglilinis, nag-aayos ng garden, may nagluluto ng pagkain dahil lang sa darating ngayon ang anak ng aking asawa. Matagal na itong hindi nakauwi rito simula pa nung umalis siya para mag-aral ng college. Kahit nong kasal namin hindi siya pumunta dahil busy daw siya sa studies niya. Hindi ko nga nakilala kasi wala na siya nang magkakilala kami ni Ace although kinukuwento niya at nakita ko na rin ang picture niya na naka-display dito sa bahay. Marami ang nagtaas-kilay sa kasalang yon, hindi ko na lang ininda ang sinasabi ng iba. Paano ba naman kasi, halos half na ko ng age niya, I was 25 and he was 47, malayo ang agwat. Dahil ba sa pera kung bakit ko siya pinakasalan? Maaaring ganon pero may mas malalim pang dahilan kung bakit kami magkasama. Mahal ko siya dahil siya ang lalakeng tumulong sa akin nang lugmok na ko sa buhay. Utang na loob na rin siguro pero para sakin ito na talaga ang nakatakda para sakin. Masaya naman kami at laging magkasundo. Kailangan din naman niya ng makakasama kasi nga wala naman ang anak niya. Gwapo pa din naman siya kahit may edad na, maganda pa rin ang katawan dahil hindi nito nakakaligtaan na mag workout tsaka isa siyang healthy food savvy. Magaling siyang businessman at nagmamay-ari siya ng malaking farm sa probinsya kung saan ako nagtatrabaho non. Doon kami nagkakilala and the rest is history ika nga. Tinutulungan ko siya sa farm, hanggang sa ako na mismo ang main na nagma-manage. Wala din naman kasi ang anak niya na ayaw i-manage ang farm at mas gusto pang magtayo ng sarili nitong business. Sa farm talaga naman kami nakatira pero nandito kami ngayon sa mansyon here in the city. A few months ago kasi, na-involve siya sa isang car accident, nagkaroon siya ng malaking damage sa kanyang mga paa kaya ngayon ay hindi siya nakakalakad. Hindi man niya sabihin pero alam kung nahihirapan siya, not physically but mentally. Naka-stuck na lang siya sa wheelchair, pumupunta kami sa therapist na andito sa city kaya dito kami nagi-stay ngayon. Dahil na rin sa nangyari, nagdesisyon ang anak niya na bumalik rito at para na rin tulungan ako sa farm. Wala namang problema don ang kaso kasi baka ayaw ng anak niya sakin at magkaroon pa kami ng conflict. Ayoko non, ayokong dumagdag pa sa sama ng loob ni Ace lalung-lalo na ngayon sa kanyang pinagdadaanan. Pero ang sabi naman sakin ni Manang Nemi, mabait siya. Sana nga lang at totoo...
"Mel, may problema ba?" tanong sakin ni Ace habang nasa garden kami at nagpapahangin at para na rin hindi kami makaabala sa ginagawa ng mga kasambahay.
"Medyo nagkakaproblema lang sa farm honey, malapit na rin kasing manganak si Zephyr kaya nag-aalala ang mga tao don dahil wala ako."
"Kailangan mo na talagang bumalik sa farm honey."
"Alam ko, pero pano ka? Ayokong iwan kita dito, hindi kita maaalagaan niyan." ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi naman ako mag-iisa rito, nandyan si Manang at yung iba. Tsaka nag-hire na tayo ng private nurse para alagaan ako at tsaka madala niya ko sa therapy kaya okay na ko rito."
"Hindi ba mas maganda pag sa farm ka mag-recover?"
"Magsasayang lang tayo ng oras sa biyahe papunta rito at ayokong makaabala sa gawain mo don."
"Hindi ka naman abala sakin. Mas mapapanatag ako pag kasama kita."
"Mel, kailangan ka ng mga tao sa farm. Mas nakakabuti nga at uuwi na anak ko rito para maturuan mo sa pagma-manage at matulungan ka."
"Sabagay, may mas karapatan siya don sa farm. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ayaw niya don. Mas relaxing kaya sa farm, walang traffic, walang pollution at hindi sobrang ingay."
"Mas nag-eenjoy siya dito sa city, alam mo na, restaurants, malls, nightclubs, mga babae."
"Sana nagmana siya sayo noh..." tumawa lang naman siya.
"Sir Ace, Mam Carmella, andito na po siya." sabi ni Manang.
"Okay manang." sagot ko. Inayos ko ang wheelchair niya at itinulak paikot papunta sa front gate. Saktong nandun na kami eh naka park na ang isang SUV sa harap ng bahay. Yong iba kinukuha ang mga bagahe nito sa trunk ng sasakyan at mula sa front seat, bumaba ang isang matangkad, moreno at guwapong lalake na malaki ang pagkakahawig kay Ace. Nakasuot ito ng black shades, gray tshirt na hapit sa ma-muscle nitong katawan at black pants. Itim na itim ang buhok nito na maikli sa gilid at medyo mahaba sa gitna, clean shaven ang mukha, mapupula ang mga bibig. Hindi ko pa nakikita ang mga mata nito dahil sa kanyang shades pero ang ganda ng ngiti niya nang makita si Manang Nemi. Agad itong lumapit sa matandang babae at niyakap ito. Ginulo naman nito ang buhok ng binata na parang bata. Natigilan ako ng bumaling ang tingin nito sa amin, napahigpit ang hawak ko sa handle ng wheelchair nang magsimula itong lumakad palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...