Carmella 32

17.4K 147 10
                                    

Nagulat kaming lahat sa biglaang pagdating ni Ace dito sa farm. Kanina lang sinabi ng guard na pumasok na sila sa gate at papunta na dito sa mansion. Buti na lang hindi pa ako umaalis, sinabihan ko agad si Rosa na maghanda ang lahat at para i-welcome na rin siya. Dumating din ang triplets at nag-abang kaming lahat sa harap ng mansion. Naging excited kami ng makita na namin ang palapit na white SUV, tumigil ito sa harap ng bahay. Unang bumaba si Manang Nemi na agad sinalubong nila Rosa, kasunod si Nurse Isabelat inalalayan nito si Ace na bumaba sa sasakyan. Hindi ako makapaniwala na wala na siya sa kanyang wheelchair, walker na lang ang gamit niya at nakakalakad na siya ng paunti-unti. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at patakbo na lumapit sa kanya. Agad ko siyang niyakap at ganon rin ang ginawa niya. 

“Honey! Nakakalakad ka na!” tuwa kong sabi. Tumawa naman siya at mahigpit niya akong niyakap. “I’m so happy… Bakit hindi mo sinabi sa akin?” 

“I wanted to surprise you.” nabigla ako ng hinalikan niya ako sa labi at narinig ko naman ang tukso ng mga tao na naroon. “I miss you Mel.” malambing niyang sabi ng maghiwalay kami. Napakurap ako tapos ay pilit ng ngumiti. 

“Ako rin!” sagot ko. “Ako rin, na miss din kita.” at niyakap siya ulit. 

“Dad!” lumingon ako sa pagtawag na yon at nakitang lumapit ang triplets, may ngiti sa labi sina Yhuno at Thri pero si Dhos, seryoso lang ang mukha. Nagkatinginan kami pero parang inirapan niya ako. Humiwalay ako kay Ace at niyakap naman siya ng mga anak niya. 

“My boys! Mukhang maganda ang epekto sa inyo ng farm ah…” tuwa nitong sabi at nakangiti lang naman ako. Hinayaan ko na lang silang pumasok habang nilapitan ko naman si Isabel at inimbitahan siya sa loob. 

“Ikaw ah, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakakalakad na siya. Ilang beses kitang kausap sa phone.” sabi ko sa kanya habang palakad kami papasok sa bahay. Nauna na ang mag-aama, binati sila ng mga tauhan namin na andito sa mansion lalong-lalo na si Ace at tumungo sila sa sala. Inutusan ko naman si Rosa na kumuha ng maiinom, siguradong pagod sila sa biyahe. 

“Narinig mo naman ang sinabi ng asawa mo Mel, gusto ka niyang sopresahin at pati na rin ang mga anak niya. Alam mo bang mula nong puntahan siya ng mga ito sa bahay at bumalik dito sa farm, nagtuloy-tuloy na talaga ang mabilis niyang recovery. Natutuwa rin siya sa mga kinukwento mo tungkol sa farm.” 

“Naku salamat naman… At salamat din sayo…” naiiyak kong sabi at niyakap siya. “Salamat at inalagaan mo siya, na andon ka para suportahan siya. Teka nasaan si Manang Nemi?” 

“Mukhang hinila siya ng iba papunta sa kusina.” natatawa niong sabi at napabuntong-hininga naman ako. 

“Siguradong makiki-tsismis ang mga yon. Halika, ipapakilala kita, makakasama mo rin naman sila habang nandito kayo. Huwag kang mahihiya ah, this is also your home.” hinawakan ko ang kanyang kamay at pumunta na kami sa kusina. Tama nga ang hinala ko, pinaligiran nila Rosa si Manang Nemi at nagtatanong kung anu-ano. Malakas akong tumikhim, natigilan sila at sabay-sabay na lumingon sila sa akin. Agad silang nag-disperse at pinalo ko naman sa pwet si Rosa ng dumaan siya dala ang mga drinks. Pinakilala sko s Isabel sa mga tuhan namin at masaya naman nila itong winelcome. Pagbalik ni Rosa, sinabi niya sa akin na hinahanap ako ng mag-aama. Nagpaalam naman ako at pumunta sa sala, lumapit ako sa kanila na masayang nag-uusap at umupo sa tabi ng asawa ko. Napansin kong naging tense ang mukha ng tatlo ng hinawakan ni Ace ang kamay ko at dinampian yon ng halik. 

“Mukhang pinakilala mo na si Isabel sa lahat ah.” sabi niya sa akin at tumango ako. 

“Oo naman! Ayoko kasing maging awkward siya sa pag-stay niya rito. Mabuti naman at nandito ka honey, pinaplano kasi namin ng mga anak mo kung paano i-celebrate ang nalalapit mong birthday. Di ba guys?” sabay baling sa kanila. Mukhang hindi nila inaasahan ang sinabi ko at alam kong nagtataka sila dahil wala naman akong nabanggit na ganon sa kanila. 

Carmella, Our Father's Wife (Old Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon